Chapter 11

34 4 0
                                    

Kinabukasan. Sunod sunod na katok ng pinto ang gumising sa akin, dali dali akong tumayo at laking gulat nang makita ang aking ama. Bumungad sa akin ang napakalapad niyang ngiti, niyakap ko naman agad s'ya ng mahigpit.

"Aitaiyo, Papa!" Sambit ko sa wikang hapones na nangangahulugang 'i miss you' sa wikang ingles.

"I miss you too, anak!" May galak at pananabik sa boses ni Daddy. "I have something for you.'' sambit niya 'tsaka kumawala sa pagkakayakap ko.

Naglakad si Daddy papasok ng kuwarto at inilapag sa kama ko ang dala niyang box. Lumapit ako rito at ito'y binuksan, nagulat ako nang makita ko ang mga laruan ko no'ng ako ay bata pa.

"Thank you for bringing this here, Dad!" Nakangiti kong sabi.

Ilang saglit pa, nagpaalam na ako sa kanyang ako'y maliligo muna. May usapan kasi kami ni Niña na kami ay lalabas ngayon. Matapos maligo ay dumeretso na agad ako sa dining, ito ang unang araw na muli ko ulit makakasabay ang aking ama na kumain sa umagahan kaya hindi ko na pinalagpas pa. Nang matapos, pinuntahan ko na si Kuya Rodel para magpahatid sa Waltermart.

Eksaktong pagdating ko ay narito na rin si Niña, kasama niya si Aurora.

"Levi! We're here!" Sigaw ni Niña 'tsaka kumaway, bumuntong hininga naman ako bago tuluyang lumapit sa kanila. "Isinama ko nga pala si Aurora." Sambit niya, nilingon ko ang aming kaibigan at agad na nginitian. "Tara na?'' Aya ni Niña.

Pumagitna s'ya sa 'min ni Aurora at kami'y hinila papasok sa loob. Kung saan saan lamang kami nagpunta, kumain ng kumain hanggang sa naubos ang pera. Ngunit naubos man ang pera ko ay hindi ko naman maitagago ang sayang naramdaman ko ngayong araw, kahit na medyo awkward kasi kasama si Aurora.

"Lev, can we talk?" Si Aurora, tumango naman ako. "Nakausap ko si Pao kagabi, I'm sorry." Sambit niya.

"It's fine." Tugon ko.

"Niña, nakita mo ba 'yon?" Tanong ni Aurora kay Niña, lumapit si Niña sa kanya at sinundan ang hintuturo niyang nakaturo ngayon sa kung saan.

"Omg! Hi Pao!" Sambit ni Niña 'tsaka kumaway, awtumatiko naman akong napalingon sa aking likuran. "HAHAHAHAHA! Uto-uto!" Sambit niya sabay tawa ng malakas, napailing na lamang ako.

Nang makauwi, hindi ko nadatnan sina Mommy at Daddy dito sa bahay. Nagtanong ako kay Ate Joy at sinabi nya ngang may pinuntahan daw ang dalawa, nagkulong na lamang ako sa aking kuwarto habang kausap si Pao.

"Anak, who's the man with you last night at San Juan?" My father asked, dahan dahan kong ibinaba ang kubyertos sa plato at sya'y nilingon. "Is he your boyfriend?" Dagdag niya.

Umiling ako.

"Then who?'' Sabat ni Mommy, nakaramdam agad ako ng kaba nang marinig ang nakakatakot nyang boses. "Don't lie to us, Levi." Dagdag niya.

Mabait si Mommy pero kapag seryoso, matatawag mo lahat ng santo.

"S-si Pao." napapikit pa ako nang masabi ito.

"Pao? The one who pu-''

"Yes, mom." Pagputol ko sa sasabihin niya, sinenyasan ko pa s'ya na h'wag nang ituloy ang sasabihin.

"Bakit mo s'ya kasama?" Taas kilay niyang tanong.

"W-we're friends." sagot ko bago magpatuloy sa pagkain.

"Ang tinatanong ko, bakit mo s'ya kasama."

Napalunok agad ako at napapikit nang marinig ang madiin na pag-hiwa niya sa karne dahilan para tumama ito sa plato at magkaroon ng tunog.

"Vivian, stop that.'' Pagbabawal sa kanya ni Daddy.

"Okay, fine. Magkampihan kayong dalawa." she said bago tumayo at kumuha ng tubig.

Whisper of an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon