Chapter 1

144 13 0
                                    

I didn't believe in love, maybe because early love is just a waste of time. In my seventeen years of existence here on earth, hindi ko pa naranasan ang mahalin at magmahal.

"After your 18th birthday, makikilala mo na ang fiancé mo." anang aking ina, may halong gulat ko siyang nilingon. "H'wag ka ng mag-reklamo, hindi kita pag-bibigyan." Tumango na lamang ako't mapait na napangiti bago magpatuloy sa pagkain. "H'wag mo kaming ipapahiya ng daddy mo, promise me na you are not going to entered a relationship without our permission. Okay?" Dagdag niya.

"O-opo." Mahinang usal ko.

Labag man sa loob ko ay wala akong magagawa kung hindi ang sundin lahat ng gusto nila, katulad nga ng palagiang sinasabi sa 'kin ni mommy. Hangga't na'ndito ka sa pamamahay ko, ako ang susundin mo. Wala kang karapatang magreklamo. At dahil din sa palagiang pag-sunod, hindi alam ng mga magulang ko na nasasakal na nila ako. Pero, sino nga ba ako? E, anak lang naman ako.

"Levi-anne, bilisan mo na baka ma-late ka!" anang kasambahay naming si Ate Joy, tumatakbo sya ngayon pababa ng hagdan habang bitbit ang bag ko. "Grabe! Hiningal ako ro'n, ah!" Reklamo nya habang naghahabol ng hininga.

"Sino ba kasing nagsabing tumakbo ka?" Banat ng driver naming si Kuya Rodel.

Natawa na lamang ako. Magmula yata no'ng lumipat kami rito ay wala na silang ibang ginawa kung hindi ang magbardagulan.

"Aba! Magsisimula ka na naman Kuya Rodel, ha!" Natatawang sambit ni Ate Joy, napailing na lamang ako bago sumakay sa loob ng kotse.

"I gotta go!" Senyas ko sa aking ina na ngayon ay naka-tayo sa terrace, tinanguan nya lamang ako. "Kuya Rodel, malayo pa ba tayo?" tanong ko.

"H'wag kang masyadong atat, hindi pa nga tayo nakakalabas ng gate." Tugon nya.

Napailing at napairap na lamang ako bago ituon ang aking pansin sa labas ng bintana. Hindi kalayuan, may napansin akong burol. May nakatayong kulay puting krus dito, kukuhanan ko sana ito ng litrato ngunit biglang bumilis ang takbo ng kotse kaya nabitawan ko ang cellphone ko.

"Kuya Rodel, dahan dahan naman baka madisgrasya tayo." Reklamo ko.

"H'wag kang mag-alala, maingat ako. Lintik na lang kung hindi dahil patay ako sa nanay mo." Sambit niya 'tsaka pasimpleng natawa.

"Marunong ka pa lang ngumi-"

"Koreksyon! Tumawa." Pagputol nya sa sasabihin ko, tumango na lamang ako.

Nag-traffic kaya medyo natagalan kami sa biyahe, kahit pala rito sa probinsya ay uso rin ang traffic. Swerte na lang talaga at umabot ako sa oras.

"So, this is Araullo University!" Nakangiti kong sabi at tiningala ang buong Pamantasan ng Araullo.

Pagpasok ko sa loob, nagulat ako nang makitang halos lahat ng silid aralan ay walang pinto. Namamangha akong hindi ko matanto. Huminto ako at kinuha ang iskedyul na ibinigay sa akin ng proctor ko, matapos makuha ay hinanap ko na ang room 207. Akala ko ay mahihirapan ako, hindi pala dahil narito na ako sa tapat ng room na hinahanap ko, ang room #207.

"Nakaka-amaze nama-"

"Who the hell are you?" Tanong ng kung sino sa likuran ko.

Dahan dahan ko itong nilingon at laking gulat ko nang makita ang isang babae, naka-cross arm sya habang nakakunot ang noo at masungit na nakatitig sa akin. Maganda siya pero parang may kakaiba sa style nya, para syang lalaki.

"I'm asking, hindi mo ba ako narinig?" Masungit nyang tanong.

Dalawang beses naman akong napalunok ng tumama ang tingin ko sa labi nyang napakapula, para itong mansanas na kapipitas pa lamang.

Whisper of an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon