Chapter 17

47 3 0
                                    

Levi's Point Of View.

Sa sampung taon na wala s'ya sa tabi ko, napakaraming nangyari. Natupad ko ang lahat ng pangarap ko't nakuha ang mga gusto ko, pero nakuha ko man ang lahat ng 'yon ay may kulang pa ring sinasabi ang puso ko.

S'ya ang nakapag-paramdam sa akin ng pagmamahal na noon ko pa lamang naramdaman. Oo nga't nakukuha ko ang lahat ng bagay na gustuhin ko, ngunit may bagay pa rin na hindi kayang ibigay sa 'kin ng mga magulang ko, iyon ay ang pagmamahal.

Pagmamahal na akala ko'y sa kanila ko mararamdaman, hindi pala.

"Levi! Ano na namang problema mo?" Galit na sigaw ng aking ina, napalingon ako sa kanya na ngayon ay hindi maipinta ang mukha habang naglalakad. "Is it true?" She handed me her laptop, kinuha ko naman ito't inalam kung ano ang kanyang tinutukoy.

It's a news. It was me, rejecting Mr. Takahashi, the son of the richest man here in Japan.

Ever since I came here at Japan, pinilit ako ni Mommy na humanap ng kasintahan to forget Pao. And Hiroto Takahashi did come to my life. He was a good boyfriend but I cannot give the only thing he want, building our own family.

'Cause until now, hindi pa rin ako sigurado. Hanggang ngayon, may parte pa rin sa puso ko na hinahanap ang nakagawian nito.

"Sabihin mo nga sa 'kin! Mahal mo pa ba ang babaeng 'yon?!" Si Mommy sa mataas na boses, nakaturo ang kamay niya sa labas habang nanlalaki ang kanyang mga mata.

"Mom, what are you talking about?" Tanong ko. She frowned and clenched her teeth. "Of course not!" I denied.

"Then why did you rejected, Hiro?" She calmly asked.

Tumayo ako't hinawakan ang mga kamay ng aking ina. I sighed and smiled bitterly.

"Gusto kong bumalik sa Pilipinas, mom." Sambit ko.

"Naririnig mo ba ang sinasabi mo?" She asked with a hint of annoyance. Binawi ni Mommy ang kamay niya mula sa mga kamay ko. "No! Hindi ka na babalik pa ro'n!" Her forehead furrowed as her eyes widened.

"But, mom!" Pagpupumilit ko.

"NO, LEVI!"

Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ng aking ina hanggang sa makalabas. Napabuntong hininga na lang ako at ipinatong ang mukha ko sa mesa. Dahil sa matagal na pagdukdok, hindi ko namalayang nakatulog ako.

"Levi! Levi!"

Naalimpungatan ako sa magka-sunod na sigaw mula sa labas, kinuskos ko ang mga mata ko bago ito iminulat. Pag-mulat ko, nagulat ako nang mapagtantong narito na ako sa kuwarto ko.

Bakit ako na'ndito? Sinong nagdala sa 'kin dito?

Iwinaksi ko ang mga katanungang iyon sa aking isipan. Tumayo ako't binuksan ang pinto, hindi na ako nagulat nang makita ang kaibigan kong si Aurora. She came back to the Philippines last month, and now she's here again.

"What?" Walang gana kong tanong.

"Ano ba 'yan, sis? Kakauwi ko pa lang, e. Parang ayaw mo na yatang bumalik ako rito." May pagka-dismaya sa boses niya.

"Oh, eh, ano ba 'yon?" Tanong ko, napa-hikab pa ako bago senyasan si Aurora na pumasok dito sa loob ng kuwarto. "Magkuwento ka, makikinig ako." Sambit ko.

Ibinagsak ko ang aking katawan sa kama at pumikit.

"Seryoso ka? Makikinig ka?" Muling tanong ng aking kaibigan.

"Oo nga, go ahead!" Muli akong sumenyas.

'So-"

"Puwede ba, magkuwento ka na lang? Deretsuhin mo na, h'wag ka ng gumamit ng iba't ibang salita na magpapahaba sa kuwento mo." Inis kong sabi.

Whisper of an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon