Chapter 10

37 5 0
                                    

Levi's Point Of View.

Hindi ko inaasahang maagang bibisita rito si Niña, narito na s'ya sa kuwarto ko ngayon pero hindi ko s'ya pinapansin. Ang aga aga nambubulabog.

"Good morning, Levi-Ann! I hope this bouquet will be a reason to brighten your day! I love you my gorgeous girl, from A human from nowhere!" Mabilis kong tinanggal ang kumot sa buong katawan ko nang marinig ang sinabi ni Niña, tila binasa niya ang letter.

"Bitawan mo nga 'yan!" Inis kong sabi 'tsaka pilit na inabot sa kanya ang letter.

"Ayaw ko nga, bumangon ka muna." Mas lalo niya pang itinaas ang letter para hindi ko maabot.

Sumama ang tingin ko at walang pakundangang kinaliti ang tiyan nya, nabitawan nya ito't pati s'ya ay muntik ng bumagsak sa sahig, mabuti na lamang at agad kong naabot ang kanyang braso. Imbes na magalit o umiyak ay tila ba tuwang tuwa pa si Niña.

"Mukhang hindi magkakatotoo 'tong sinabi ni Ms. A human from nowhere, ah. Ang aga pa lang pero high blood ka na." Pagbibiro niya, kumunot ang noo ko.

"Ulitin mo nga ang sinabi mo." Sambit ko.

"Saan do'n?" Tanong niya.

"Iyong sa Ms."

"Ms. A human from nowhere?" Pag-uulit niya, tumango ako. "Bakit may problema ba?" Muli n'yang tanong.

"B-babae s'ya?" Naguguluhan kong tanong, tumango s'ya. "P-paano m-mo nalaman?" Na-uutal kong tanong.

"Because I know her." sagot niya na mas lalo kong ikinagulat. "Puntahan mo 'tong address, malalaman mo ang sagot sa mga katanungan mo. Nag-iisa lang s'ya r'yan.'' Sambit niya bago lumabas, ibinigay niya sa akin ang isang maliit na papel kung saan may nakalagay na address. Marques Restaurant.

Naligo agad ako. Mabuti na lamang at walang pinuntahan si Kuya Rodel ngayon, maihahatid niya ako. Nang makalabas, agad akong dumeretso sa kotse. Ngunit nang mapansing wala ang cellphone ko ay agad akong nagbalik sa kuwarto, kinuha ko ito at eksakto namang nag-message si Niña.

From: Niña

- She's your worst nightmare, Levi. Matutuwa ka kaya kapag nakilala s'ya?

Nang mabasa ang text ay agad akong napaisip kung sino ang tinutukoy nya, sino kaya ang tao sa likod ng pseudonym na, A human from nowhere?

"Kuya Rodel, sa Marques Restaurant po." Sambit ko sa aming driver, tumango naman ito kasunod no'n ay pinaandar na ang kotse.

Habang na sa biyahe, hindi nawala sa isip ko ang message ni Niña. Ni hindi ko mahulaan kung sino.

Pagbaba ko ng kotse, agad akong pumasok sa loob ng resto. May sumalubong sa aking staff at iniabot ko naman ang address na ibinigay kung saan may nakalagay na "8-9 am, reservation for Ms. Estra-" teka! Bakit ngayon ko lang nakita 'to?

Iwinaksi ko ang katanungang 'yon sa aking isipan, nagdere-deretso ako papasok sa loob at 'di nga kalayuan ay nakita ko si Pao. Walang ibang tao kaya sigurado ako na s'ya na ang tinutukoy ni Niña na the worst nightmare ko.

Hindi yata naramdaman ni Pao ang pag-dating ko, nagulat na lamang s'ya nang makita ako sa harap niya.

"L -levi?" utal niyang banggit sa pangalan ko.

Nanlalaki ang mga mata niya. Bumaba naman ang tingin ko sa mga kamay niya na ngayon ay nanginginig.

"Hi, A human from nowhere." Bati ko sa kanya, hindi ako nagpakita ng kahit anong emosyon.

Ramdam ko ang kaba ni Pao, ekspresyon pa lang ng mukha niya ay hindi ito magagawang itago. Hindi s'ya umimik, kahit isang salita ay wala man lang lumabas sa bibig niya.

Whisper of an Angel (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon