"Levi, are you okay?" My mom asked, gulat akong napalingon sa kanya. "Namumula ang pisngi mo." Sambit niya 'tsaka ito hinawakan. "What happened?" Taas kilay niyang tanong, humigpit ang pagkaka-hawak ni Mommy sa pisngi ko.
"M-mom, nasasaktan po ako." Sambit ko.
"Do you have a boyfriend?" Muli niyang tanong, umiling naman agad ako. "I-sure mo lang," dagdag niya pa bago tuluyang lumabas.
Sinundan ko ng tingin ang aking ina hanggang sa tuluyan na itong makalayo. Napahawak ako sa pisngi ko na pinisil niya kanina kasunod ay napatayo ako para silipin sa salamin ang aking mukha, totoo nga, namumula nga ang mga ito.
Sa tuwing nagkaka-usap kami ni Mommy, walang oras na hindi ko naramdamang sinasakal ako ng kamay na hindi ko nakikita. Minsan, gustuhin ko mang magpaliwanag ay hindi ko magawa dahil alam ko na sarili lang naman nya ang pinakikinggan niya.
"Okay lang kahit ang hirap na." Sambit ko sa aking isipan.
Nahiga ako't agad na ipinikit ang aking mga mata. Gabi na, maaga pa ako bukas. Ramdam kong ilang oras na ang nakalipas ngunit hanggang ngayon ay ito ako, nakapikit pero gising. Hindi maalis sa isip ko ang sinabi ni Pao, hindi ko alam pero parang binabagabag ako nito.
"Ano bang mayro'n sa sinabi niya?" Tanong ko sa aking sarili, naupo ako't deretsong tumitig sa balcony. "Gabing gabi na, gusto ko nang matulog," walang gana kong sabi.
Muli akong nahiga at sinubukang matulog. Tumagilid ako ng higa at niyakap ang aking dantayan, ilang minuto pa ay tumiyaha na naman ako. Pa-ulit ulit kong ginawa 'yon. Naiinis na ako, hindi pa rin ako nakakatulog.
Naupo ako't inabot ang cellphone ko mula sa mesa, alas dos e medya na ngunit gising pa rin ako.
"Gusto ko ng matulog, patulugin nyo na ako!" Inis kong sabi sabay bato sa unan.
"Hindi ko 'yan magugustuhan, at never kitang magugustuhan!" Kumunot ang noo ko nang marinig ang mga salita, nilibot ko ng tingin ang buong kuwarto ngunit ako lamang ang narito.
"Imposible." bulong ko sa aking sarili.
Hinila ko mula sa paanan ang comforter at itinalukbong ito. Natatakot ako, pakiramdam ko may kasama akong hindi nakikita. May kasama nga ba ako o sadyang nababaliw na?
Iwinaksi ko ang katanungang 'yon sa aking isipan. Iniinitan na ako ngunit hindi ko magawang alisin ang kumot sa katawan ko, hindi ko maiwasang mag-isip na baka mamaya 'pag tanggal ko nito ay may multong lumitaw sa harap ko.
Dahil sa sobrang takot, hindi ko namalayang unti unti na akong dinadalaw ng sarili kong antok. Ilang sandali lang ay naging mahimbing na rin ang aking tulog.
Kinabukasan, mariin akong napahawak sa aking ulo. Sumasakit ito dahil siguro sa maikli kong tulog. Dahan dahan kong iminulat ang aking mga mata nang maramdaman ang pagbukas ng pinto, nakaramdam agad ako nang pag-tataka nang iluwa nito ang aking ina. May dala siyang tray ng pagkain, dati rati ay si Ate Joy ang gumagawa nito.
"Good morning, my princess!'' Bati ni Mommy, napangiti naman ako. "Sasali ka pala sa chess tournament, hindi mo man lang sinasabi sa akin.'' May pag-tatampo sa tinig ng aking ina.
"Where's Ate Joy?" Tanong ko.
"H'wag mong hanapin ang wala, Levi-Anne." May halong galit na sambit ni Mommy, nanlalaki pa ang mga mata nya.
Napayuko na lamang ako.
"Ano kayang nangyari? Bakit hindi si Ate Joy ang naghanda ng pagkain ko?" Sunod sunod kong tanong sa aking isipan.
Tinitigan ko ang pagkain na dala ni Mommy, rice, omelette, bacon, and milk, ang inihanda niya.
"Hindi ka pa ba kakain?" Tanong ni Mommy, binigyan ko na lang siya ng mapait na ngiti bago magsimula.
BINABASA MO ANG
Whisper of an Angel (COMPLETED)
RomanceLevi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano maliban sa pagmamahal na gusto nya. Dahil unica hija ng Dimayuga family si Levi, limitado ang mga taong nagiging parte ng buhay nya. Matali...