Levi's Point Of View.
Hindi ko maintindihan kung bakit labis na galit ang naramdaman ko nang marinig ang mga sinabi ni Ishie, balak ko pa sana siyang saktan ngunit pinigilan ako ni Pao. At imbes na si Ishie ang umalis, kami na lang ni Pao ang nag-adjust. Sigurado ako na kung hindi kami umalis do'n ay mas lalo pang lumaki ang gulo.
"I'm sorry, hindi ko na kasi napigilan ang sarili ko kanina." Malumanay kong sabi, hinawakan ko ang mga kamay ni Pao at hinimas himas ito.
"It's okay, love. Ipinaglaban mo lang naman kung anong mayro'n tayo." tugon ni Pao.
Napabuntong hininga na lamang ako bago isinandal ang ulo sa dibdib niya, tulad nang ginawa namin no'ng unang araw naming mag-kasintahan ay narito na naman kami sa San Juan.
"Love, alam mo ba? Hindi ko makita ang sarili kong wala ka." bulong niya.
Malapad na ngiti ang kumurba sa aking labi nang marinig ito, ngayon ko napagtanto na masarap pala talagang magmahal. Hindi ko inakalang darating ako sa puntong ito, 'yon bang maririnig ko mismo ang mga salitang 'yon sa taong mahal ko.
"I know you're smiling!" she whispered again, ramdam ko ang saya sa boses nya.
"I love you!" Nakangiting sambit ko.
"I love you, more than you do!" Pabalik na sambit ni Pao, dahan dahan kong iniangat ang mga kamay ko at sya'y niyakap. "Sana hindi na matapos ang gabing 'to, dahil sigurado ako na linggo na naman ang lilipas bago tayo mag-kita." May halong lungkot niyang sabi.
"Mismo, sobrang lungkot pa naman kapag hindi tayo magkasama." Tugon ko, narinig ko naman ang mahinang pag-hagikgik niya. "Grabe! Ang saya mo talaga sa 'kin." sambit ko kasunod ng malakas na pagtawa.
She laughed too.
Lumipas ang ilang minuto, unti unti ng nag-dilim ang buong paligid. Hindi nagtagal ay nagpaalam na rin kami ni Pao sa isa't isa, ayaw ko pa sanang magka-hiwalay kami ngunit gabi na. Masyadong delikado kung magpapa-gabi pa kaming dalawa rito.
"Sige na, umuwi ka na. Hihintayin ko na lang ang sundo ko rito." pamimilit ni Pao. Nakatayo s'ya ngayon sa tapat ng kotse habang nakapamulsa ang dalawang kamay. Umiling ako at sumimangot. "Kulit mo! Pasok na sabi, e." Muli akong umiling.
"Ayaw kong umuwi ng hindi ka kasama, sumabay ka na kasi." Nakanguso kong sabi.
"Love, papunta na ang sundo ko. Sige na, sumakay ka na para makapag-pahinga ka agad pag-uwi." Sambit niya, lumapit s'ya sa akin at sapilitan akong itinulak papasok sa loob ng kotse. "Good bye, I love you! I'll send you a message na lang." dagdag pa niya.
Nginitian niya pa ako at hinalikan sa pisngi bago isinara ang pinto ng kotse, napabuntong hininga na lamang ako nang maramdaman ang dahan dahang pag-andar ng aking sinasakyan. Hanggang sa tuluyang makalayo ay na kay Pao pa rin ang tingin ko.
"Dumadalas yata ang pag-uwi mo ng gabi." Bungad ni Mommy, nakataas ang kanang kilay niya habang ang kanang braso ay nakaharang sa pinto. "May pinagkakaabalahan ka bang hindi ko alam?" Tanong niya, bakas sa boses ni Mommy ang pagpipigil ng galit.
"W-wala po, may binisita lang." Mahinahon kong sagot.
"Hon, let her in." Si Daddy, nakadungaw s'ya ngayon sa balcony.
Lumihis agad si Mommy. Dumeretso agad ako sa dining nang makapasok, medyo gutom na rin kasi ako. Nang matapos kumain agad akong dumeretso sa kuwarto, nag-muni muni lang ako ng kaunti at natulog na.
Lumipas ang dalawang linggo. Sa loob ng dalawang linggo na 'yon ay limang beses lang yata kaming nagka-usap ni Pao dahil nga parehas kaming busy, mag-kasunod lang ang naging schedule namin ng exam kaya hindi man lang kami nagkaroon ng oras para makapag-usap ng matagal o lumabas man lang.
BINABASA MO ANG
Whisper of an Angel (COMPLETED)
RomanceLevi-Anne Dimayuga came from a rich family. Lahat ng gusto nya ay nakukuha nya ng walang kapalit na kahit ano maliban sa pagmamahal na gusto nya. Dahil unica hija ng Dimayuga family si Levi, limitado ang mga taong nagiging parte ng buhay nya. Matali...