𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟒

102 53 4
                                    


-VENT-

~FIVE years ago.


"Nakikita mo ba 'yong mga batang nakahiga doon, Vent?" turo ni Mama sa mga batang nakahiga sa mga kama ng ospital malapit sa kaniya.


"Tulungan mo sila, Anak," pagmamaka-awa nito sa 'kin. Hindi ko alam bakit kailangan ko silang tulungan, hindi ko naman sila kaanu-ano.


"Bata pa sila at matagal pa silang mabubuhay dito sa mundo, hindi tulad ko na malapit nang umalis." Tumulo ang luha ko sa sinasabi ng aking ina. Hawak hawak ko ang kaniyang malalamig na kamay na hindi ko na mapa-init.


"Ma..." Hindi ko mapigilang hindi maawa sa sitwasyon niya. Walang lakas niyang hinaplos ang aking ulo para pakalmahin ako.


My mom was diagnosed with Chronic Obstructive Pulmonary Disease (COPD), a long-term, progressive lung disease that makes breathing difficult. She inherited this disease from my late grandfather who died with it. Nahirapan na siya noon pa dahil sa paghinga, and then the time came na hindi niya na talaga kaya. Nagpa-admit na siya sa hospital dahil malapit na raw siya umalis sa piling ko.


Madami siyang ibinilin sa akin. She trained me to be independent and reminded me of the importance of being consistently cautious. She said na masaya siyang aalis dahil nakita niya na lumaki akong marunong sa buhay.


"Mabait kang bata, Vent. Alam kong marami kang tutulungang kapwa dahil sa abilidad mo." My tears began to fall. Nararamdaman kong malapit nang umalis si Mama. Hindi ko matanggap na hanggang dito nalang kami magsasama.


She was always there kahit na minsan pasaway ako. She always believed that God gave me this condition for a reason; to help those in need. So, she told me to look at it as a gift rather than a disease. My heightened sense of smell led us through numerous challenges, yet it also guided us to many miracles.


"Always lend a helping hand to those who need it, Vent. Believe in yourself." Dahan dahang bumaba ang kamay na nakahawak sa aking pisngi habang sunod sunod na pumatak ang aking mga luha.


Nagsi-datingan na ang mga nurse at doctor upang i-declare ang time of death ni Mama. Niyakap naman ako no'ng nurse na nagbabantay sa kaniya sa mga nakaraang araw. Mas lalong bumuhos ang mga luha ko at hinayaan niya lang akong nakayakap din sa kaniya.


Naglakad ako papunta sa boarding house ni Iyah. This was our routine ever since I met her. Kapag nag-text siya, susunduin ko siya, kapag hindi naman, sasabihin niya na mauna na ako.


BFF Iyah


Hi Vent, Good Morning! Sabay na ulit tayo? Wait kita sa boarding ❤

Sure Iyah! See you.


Ni-reply-an ko nalang ng simpleng, see you.


Malapit na ako sa boarding house ni Iyah kaya agad ko naman siyang tinext na nasa tapat na ako ng CHIRPS.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon