-VENT-
Pagbukas ng elevator sa ground floor ay napabuntong hininga ako. Nakalagay sa magkabilaang bulsa ng aking pantalon ang dalawa kong kamay habang naglalakad palabas ng building.
Bakit nandoon si Iyah? Nakita niya kaya kami ni Doc Vlad na nag-uusap tungkol sa serum?
Sinabi ko kay Doc Vlad na ayaw ko ng saktan si Iyah. Na, gusto ko na bumalik sa dating kami, 'yong nasasabi namin ang lahat sa isa't-isa.
Hindi siya pumayag dahil parte raw 'yon ng project. At masisira lahat ng pinaghirapan nila kapag ginawa ko 'yon.
Iyah needs to experience constant pain para gumana ang serum, para alam daw niya kung hanggang saan kakayanin ni Iyah before she... snaps.
Kaya naman laging pinapabantay ni Doc Vlad si Iyah kay Klint na puwede naman sanang ako ang gumawa. Kapag kasi nakikita ko silang magkasama ay nagseselos ako. Kahit pa sabihin nilang it's just part of the project. Nararamdaman kong mas nagiging close sila at baka mahulog sa isa't-isa.
Putanginang project 'yan! Hindi naman talaga ito cure kung 'di experiment! Ginagawa nilang guinea pig si Iyah! At ayoko ng makita 'yon! Pero ano ang magagawa ko, I signed the fucking contract not to disclose any information to anyone who isn't part of the experiment, especially to Iyah.
And Klint was the one who needed to push her buttons!
Oo magkaibigan kami, pero sa oras na maging sila ni Iyah at saktan niya ito, hindi ako magdadalawang isip na sabihin lahat sa kaniya.
Pinabayaan ko lang noong una, but seeing them happy together, gave me so much pain.
He told me that he would promise to take care of her if Iyah gave him the chance to be with him.
I know that was a lie, dahil hindi niya siguro alam na alam ko na binabayaran lang siya ni Doc Vlad just to let Iyah fall inlove with him.
Fucking Klint!
Ayoko lang ang naging sagot ko sa kaniya. He just shrugged his shoulder as if he didn't hear anything at nagpatuloy pa rin landiin ang dapat sa akin.
Tumambay ako sa SM Sunset Terraces at niramdaman ang malamig na hangin ng Baguio.
I took a deep breath and smelled the fresh air. Wala na ba talaga 'yong hyperosmia ko? Hindi sa hindi ako masayang wala na ito, it just made me... unique when I had it.
Naglakad-lakad lang ako hanggang sa mapahinto ako sa isang variety shop. I saw this big yellow rose and it reminded me of someone. Someone who once had multiple personalities I could distinguish because of their scent.
It made me remember Iyah. She loved yellow roses because it reminded her of happiness and hope. I smiled as I reached for the artificial flower. Hindi ko siya nabigyan ng mga dilaw na rosas noon dahil bukod sa mahirap ito hanapin, torpe pa ako.
BINABASA MO ANG
𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔
General FictionSTARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (SELF-PUBLSHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE) *** Bata pa lamang si Vent, marami na ang humahanga sa kanyang kahusayan sa pag-alala ng mga konsepto. Hindi lang ito basta memorya-photographic memory ang m...