-IYAH-
Naka-miss ang ambiance nila rito sa CHIRPS.
The walls were now painted in a warm and comforting combination of orange and black, creating a welcoming atmosphere for diners.
May nakapinta na rin na logo ni CHIRPS sa isang malaking pader, at may mga areas na may fairy lights at green na hanging veins kaya puwedeng pang Instagram post.
Ang sarap din sa ilong 'yong amoy ng mga niluluto nila. The enticing aroma of this place is sure to awaken your appetite. Siguro kung nandito si Vent, masaya nanaman 'yong ilong niya dahil sobrang bango rito.
Kamusta na kaya siya? Bumalik na kaya ang malakas niyang pang-amoy? I doubt, kasi hindi ko na siya napapansing sinusuot 'yong special mask niya.
Hindi ko nga alam bakit hindi niya ginamit 'yon no'ng may sports fest, alam naman niyang madaming tao kaya sana naagapan niya na 'yon.
This place changed a lot. Halata mong umaasenso na sila. Bukod kasi sa mas marami ng taong nakapila, mas gumanda na rin ang paligid nito. Not to mention dumami na rin ang mga pagkain na nasa kanilang menu.
They added some rice meals and drinks na mukhang nakakatakam. Meron na ring squad deals, budget meals, at kung anu-ano pa.
This was the first place Vent brought me to when we wanted to eat dinner, favorite niya raw kasi ang Takoyaki rito dahil sa napakasarap nilang garlic sauce. Natawa pa nga ako noon dahil gusto niya akong ihatid, kaso sa taas lang pala nito ang boarding house ko.
Nakakamiss din 'yong pagtatambay namin dito dahil mas nakilala namin ang isa't-isa.
Dito kami nakakapagusap nang maayos kasi we had this place all to our self. Mayroon din kaming certain area na inuupuan kapag napapadaan dito at kilala na rin kami ng mga staff.
Come to think of it, this was the first time na pumunta ako rito ng hindi kasama si Vent. Napabuntong hininga ako as I reminisce the times we had here. Kelan kaya mauulit 'yon? Pumupunta pa kaya rito si Vent? Hindi kaya namimiss niya na 'yong Takoyaki rito?
Nag-order ako ng isa sa rice meal nila na worth ninety-nine pesos lang at isang green apple fruit sparkler na twenty-two ounces. Sampung minuto ang nakalipas at nakikita ko na ang paparating kong order. Inilapag ni Kuya Ian ang order kong Ala King sa harap ko at ngumiti sa akin nang matipid.
"Oh, himala! Mag-isa ka yata ngayon, Iyah." tugon nito. Siya ang may-ari ng CHIRPS at the same time, siya rin ang cook ng mga chicken recipes nila. Minsan, siya na rin ang nagde-deliver ng orders sa mga tables ng customers dahil sa dami ng tao.
"Ah, O-opo. Busy po kasi si Vent kaya hindi kami magkasama ngayon," I said nervously. Tinanong lang naman ako kung bakit ako mag-isa, bakit ako kinakabahan.
"Busy ba talaga o LQ kayong dalawa?" tawa ito. Nagulat naman ako sa sinabi niya. He gave me a teasing smile which sent me blushing.
BINABASA MO ANG
𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔
Tiểu Thuyết ChungSTARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (SELF-PUBLSHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE) *** Bata pa lamang si Vent, marami na ang humahanga sa kanyang kahusayan sa pag-alala ng mga konsepto. Hindi lang ito basta memorya-photographic memory ang m...