✨️𝐒𝐏𝐄𝐂𝐈𝐀𝐋 𝐂𝐇𝐀𝐏𝐓𝐄𝐑✨️

12 1 0
                                    

-VENT-

"Pa, salamat. Kung hindi dahil sa 'yo, hindi ko siguro maaabot ang mga pangarap ko ngayon." Inilagay ko ang puti na bulaklak sa lapida kung saan namin nilibing si papa noon.

It's been twenty-seven years since he was brutally murdered by Doc Rodney. Alam kong nasa langit si Papa dahil marami itong natulungang tao. Kabilang na kami roon.

Iniwan ni Papa lahat sa akin ang mga pagmamay-ari niya. Ginamit ko ang nakuha kong pera upang magpagawa ng sariling psych services center para makatulong din ako sa mga nangangailangang tao.

Ang Psych Center kasi ni Papa ay ipinasara dahil sa mga naging illegal na eksperimento sa loob nito. Na-demolish na rin ito at ginawa nalang isang mall na may limang palapag.

Ginamit ko rin ang pera upang matapos ko ang pag-aaral ko, at maging isang Forensic Psychiatrist.

Ngayon, isa na ako sa CEO ng VenYah ForePsych Agency kung saan nagbibigay kami ng libreng services sa mga taong walang-wala.

"Dad! Hindi pa ba tayo aalis? Marami pa akong kailangang gawin na requirements para sa graduation." Nilingon ko ang panganay kong anak na si Chali. Kuhang-kuha nito ang pagkamataray ng unang alter noon ng aking asawang si Iyah.

"Eto na, 'nak! Tawagin mo na rin ang Mommy mo at ang iba mo pang kapatid. Sabihin mo magkita nalang tayo sa parking." Sumenyas si Chali sa akin ng 'Okay' kaya dumeretso na ako sa parking upang i-start ang makina ng aming Hi-Ace Van.

Masaya ako sa pamilya ko. Simula noong kinasal kami ni Iyah, hindi na ito nag-switch pa sa kanino mang-alters. She said that she underwent therapy for the last five years bago niya ako hinanap.

She promised herself na, once she was healed, hahanapin niya ako upang sabihin lahat ng nararamdaman niyang matagal niya na rin palang gustong sabihin.

Kaya pala iba rin ang amoy niya noon. Na parang pinagsama-sama ang amoy nilang lahat. Dahil pala ito sa rason na, magkakasama na sila sa iisang utak at pagkatao ni Iyah.

We were blessed with seven beautiful daughters in the last twenty-two years. Gustuhin ko man magkaroon ng lalaking anak, hindi kami pinagpala.

We named them according to Iyah's alters, signifying the love and sacrifice they once did to protect her from the daily stressors that triggered her fragile heart.

Chali, short for Charlee, is our eldest daughter. She got the fiesty version of her mom. Kuhang-kuha nito ang personality ni Chali noon, isama mo pa ang pagkamahilig nito sa mga bagay na kulay itim. She's now twenty-one years old and a graduating college student with the course legal studies. She told me that she would like to enroll law school so she could someday be a lawyer.

Si Ali, short for Aliyah, naman ang sumunod kay Chali. Nineteen years old na ito at isa ng secong year college student, taking up Bachelor of Physical Education. Like Iyah's second alter before, mahilig ito sa sports at napaka- competitive. Gusto raw nito maging coach balang araw ng mga famous basketball players.

Ang pangatlo naming anak na si Cha, short for Charlene, ay mag-de-debut na next year. Balak nitong kumuha ng journalism sa kolehiyo dahil magaling ito sa pagkuha ng balita sa ibang tao. Oo, sa madaling salita, marites ang anak kong si Cha. Maraming beses din namin itong pinagsabihan na hindi lahat ng malalaman niya ay kailangang nitong ipagsabi sa mga tao.

Ang pang-apat naman naming anak ay si Mor, short for Moreen. She's turning fifteen next month, and all she wants for her birthday is a book called Wish Upon a Sunset by sanzscripts. Like Iyah's fourth alter, Mor is one of the most intelligent among them. Mahilig ito magbasa at magsulat ng mga kwento at tula. Consistent first honor din ito since kindergarten. Siyempre, hindi rin naman maikakaila na nagmana ito sa 'kin.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon