-VENT-
Excited ang lahat dahil women's basketball na ang maglalaro ngayon sa gym. Semi-finals na at College of Arts and Sciences (CAS) at College of Criminal Justice Education (CCJE) ang maglalaban. Sa lahat ng laro, si Ali talaga ang pinakamaraming puntos sa team ng CAS. Madami na rin siyang fans, hindi lang sa college namin kung 'di pati sa iba't ibang colleges din. Hindi lang siya magaling, kung 'di napaka- friendly din sa ibang players kaya kahit matalo sila ay hindi masama ang kanilang loob.
Naalala ko pala no'ng hinabol ko si Ali palabas ng UC. Nakaabot kami sa Burnham Athletic Bowl. Sa labing pitongpag-ikot niya, hindi ko manlang ito nakitaan ng kahit anong bahid ng pagod. She was indeed built to compete.
Pagkatapos ng pitong pag-ikot ay sumuko na kasi ako yet watching her run like a free-spirited girl was worth every sweat. Ang saya niyang panooring nakangiti habang naka-concentrate sa kaniyang pagtakbo.
Dumeretso kami sa CHIRPS nang ma-bored na siya sa pagtatakbo. She ordered a lot, and I did the same. Siya raw ang magbabayad at tumango nalang ako, wala akong lakas na tanggihan pa siya.
Kung gusto ko nga raw ay bilhin niya na ang CHIRPS para sa akin. Para kapag pupunta ako rito, serve na agad ang pagkain. Natawa nalang ako. Ayokong umasa sa bigay lang, siyempre gusto kong paghirapan, kaya nga sinabi ko kay Papa na kailangan ko munang makapagtapos bago ako magtatrabaho sa kaniya.
Hiyawan ang buong gym paglabas ni Ali. Nakasuot ito ng kulay kahel na jersey na may number 11 sa likod. Kumaway kaway siya sa bawat sulok ng Gym at mas lalong lumakas ang hiyawan ng mga tao. "I love you, Chaliyah! Anakan mo na ako!" sigaw ng isang lalaki. Natawa naman ako, boses lalaki pero halata mong bakla naman sa itsura.
Kasamang naglalakad ni Ali ang mga players na may mga numerong 10, 18, 14, at 29.
"Go! Chaliyah! You're the best!" sigaw naman ng isang teacher namin sa Psychology, halatang fangirl na ni Ali. Siyempre hindi nila alam na may DID si Chaliyah, at si Ali ang naka-front kaya Chaliyah pa rin and tawag nila sa kaniya.
"Asawa ng katabi ko 'yan!" sigaw ng katabi kong si Klint. Tinignan ko siya at binatukan nang malakas. "Ulol!" sabi ko sa kaniya at natawa nalang siya dahil alam niyang matindi ang pagkaka-gusto ko kay Chaliyah.
Isa si Klint sa naging kaibigan ko sa batch namin, halos lahat kasi ng subjects ngayong term ay magka-klase kami. Sa ibang subject naman ay magkatabi kami dahil sa seatplan. Huxley ang apelyido ko at siya naman ay Huxmond. He was one of those guys na magaan ang loob ko, not to mention his very interesting scent. Amoy baby kasi siya, believe it or not pero may parte sa kaniya na nakawawala ng pagod at stress kaya nga naging mag kaibigan kami kaagad. Besides that, matalino siya kaya masaya siyang ka-kwentuhan regarding psychology and other medical terminologies.
"Masakit, 'tol!" Natawa nalang ulit ako tsaka humarap sa court. Nakita kong nakatingin si Ali sa kung saan ako nakaupo at kumindat sabay flying kiss using her 2 fingers na parang naninigarilyo. Bigla naman namula ang aking pisngi. Bakit kinilig ako? Tangina naman ang bakla ko kay Ali.
BINABASA MO ANG
𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔
Ficción GeneralSTARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (SELF-PUBLSHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE) *** Bata pa lamang si Vent, marami na ang humahanga sa kanyang kahusayan sa pag-alala ng mga konsepto. Hindi lang ito basta memorya-photographic memory ang m...