-VENT-
~The Present
Papasok na ako sa school bilang first year student na kumukuha ng double major course sa Forensic Science at Psychology.
Sabi no'ng enrollment adviser, baka raw mahihirapan ako, mas lalo't pagsasabayin ko ang dalawang mahihirap na kurso. Nang makita niya ang latest grades ko, ngumiti ito at masayang binigyan ako ng subjects. Puro kasi ninety-seven pataas iyon.
Suot ko pa rin ang aking facemask para hindi ko malanghap ang usok na nilalabas ng mga sasakyan. With my mask, mas madali akong nag-adjust sa paligid.
Buti nalang din at naka-facemask halos lahat ng tao dahil sa pandemic, hindi ka pagtitinginan.
I was formerly from Manila at lilipat ako ngayon sa City of Pines para lang makapag-aral ng Forensic Science at Psychology.
Pangarap ko kasing maging forensic psychiatrist balang araw.
Syempre para makahanap din ako ng magandang dilag na puwedeng ligawan. Sabi kasi nila madami raw magagandang babae rito sa Baguio.
Sana lang talaga hindi sila amoy alamang.
Sa Baguio ko napiling mag-aral dahil maraming puno at relaxing ang paligid. Marami akong nakitang magandang school dito pero itong school ang pinakamalinis.
Yes! U Can! Ito ang signage ng school namin. University of the Cordilleras is known for its cleanliness. Maski banyo ay wala kang masabi, puwede ka pang kumain doon at ikaw pa ang mahihiyang magkalat.
Wala kang makikitang kahit maliit na kalat, laging may naglilinis. Bawat oras o minuto yata may nag-aabang sa tabi-tabi para kung sakaling may isang dumi sa paligid, malinis nila agad ito.
I really appreciate this school because it is one of the places where I can safely remove my facemask. The aroma permeating the school resembled that of being enveloped in a serene environment, reminiscent of fresh bamboo and pinecones.
"BAKIT ngayon ka lang, iho? Unang araw pa lang, late ka na?" kunot-noong tanong ng instructor namin. Pansin na pansin ang ugat sa leeg nito habang nakatitig sa akin.
"Pasensya na po, Sir. Nawala po kasi ako," hingal kong sagot, sabay kamot sa ulo. Twenty minutes late na pala ako. Ang dami kasing pasikot-sikot dito sa UC. Lulusot ka sa isang pasilyo, ibang building na pala ang lalabasan mo. Napabuntong-hininga nalang ako habang tuloy pa rin ang masamang tingin ng instructor sa akin.
BINABASA MO ANG
𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔
Ficción GeneralSTARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (SELF-PUBLSHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE) *** Bata pa lamang si Vent, marami na ang humahanga sa kanyang kahusayan sa pag-alala ng mga konsepto. Hindi lang ito basta memorya-photographic memory ang m...