𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟔

78 50 4
                                    

-VENT-

NAUNA akong natapos sa aming exam at inaantay ko ngayon sa labas ng classroom si Mor. Basic knowledge lang naman 'yon kaya hindi ko mawari kung bakit ang tagal lumabas ng iba kong kaklase.


Buti nalang at last exam na namin ito, puwede ng gumala o makipag-date. Balak ko sanang yayain itong si Mor para manood ng sine o kumain man lang.


Matapos ang sampung minuto, lumabas na rin si Mor nang may malawak na ngiti. Napaiwas ako nang tingin dahil ang aliwalas ng kaniyang pagngiti. It's like she won the lottery and is super excited to share the news with me.


Gusto ko sanang i-extend 'yong kamay ko na parang tinatawag siya ng mga bisig kong yumakap, pero mas nahiya ako ng siya na mismo ang yumakap sa akin.


Naikwento rin pala sa akin ni Mor na may tig-iisa silang journal, at doon nila isinusulat ang mga pangyayari o kaya napagdaanan nila kapag sila ang lumalabas. Meron din silang planner o calendar na nakalagay sa isang pader sa kanilang kwarto para nasusundan nila ang mga daily activities ni Iyah.


"I'm so happy! Tapos na rin ang mga exams." Umalis na si Mor sa pagkayayakap namin at kitang kita ko rin ang pamumula ng kaniyang mga pisngi. Mukhang hindi lang ako ang nag-enjoy sa yakap namin.


Sana next time, kiss naman.


"I'm happy for you too," ngiti ko kay Mor. Kahit ilang beses ko makita si Iyah mas lalo akong nahuhulog sa kaniya.


Sana lang pag dumating ang araw na sabihin ko ang nararamdaman ko sa kaniya, parehas na kami ng nararamdaman. Napansin yata ni Mor ang mga titig ko, kaya naman nakipag-high five ito.


Ilang araw ng si Mor ang kasama ko. She is more than a bookworm and a smart girl. Masaya siyang kausap, walang araw na hindi kami nag tawanan dahil sa mga kwentuhan namin.


Pinabasa niya rin ang mga ginawa niyang tula at mas naintindihan ko naman ang pinagdadaanan nila.


She is kind and responsible, para siyang nanay na lagi akong pinapaalalahanan na kumain. Magagalit naman kung hindi ako kumain.


Pero namimiss ko rin ang iyakin at malambing na Iyah. Iniisip ko nalang na iisa rin naman sila kaya kailangan kong mahalin silang lahat.


Oo mahal, mahal ko na si Iyah. Sa apat na buwan na magkasama kami kahit hindi araw araw ay tuluyan na akong nahulog sa kaniya, sa kanila.


"What are you thinking, Vent?" Bumalik ako sa realidad nang tanungin ako ni Mor.


"I'm just happy that you're happy," sagot ko sa kaniya na ikinangiti niya naman.


"I hope happy ka pa rin kahit hindi na ako ang nakaharap," ani niya.


Medyo nalungkot ako sa sinabi niya, alam kong hindi na siya ang haharap dahil tapos na ang exams week. Si Iyah na kaya ulit ang haharap? Sana h'wag si Chali dahil hindi pa kami gano'n ka close, pero gusto ko pa rin naman siyang lubos na makilala at ang iba pa nilang alters.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon