𝐂𝐡𝐚𝐩𝐭𝐞𝐫 𝟐𝟓

35 39 0
                                    

-VENT-

3 weeks nalang at graduation day na namin. I finished my OJT sa Psychology at ngayon ay naghahabol na ako ng oras para sa Forensic Science internship naman.

Lagi akong nag oovertime para makahabol ako sa required hours. Buti nalang at 24hrs itong Forensic Agency na napasukan ko kaya mabilis nalang. Sabi nila ay mahirap daw makapasok dito kasi ang interview nila ay parang interrogation.

During my interview, I didn't show any signs of fear kasi mas hindi ka makakasagot kung makikita nilang kabado ka. They interviewed me as if they were asking a suspect to plead guilty.

Good thing I had my hypersensitive sense of smell with me kaya naamoy ko na agad ang atmosphere. To be honest, parang mas kabado pa nga yung mga interviewer dahil mukha daw akong intimidating.

They immediately tested my abilities after I got the slot for the internship. They had several cases na hindi ma solve at kailangan nila ng fresh mind to help them have a wider perspective.

May mga cases na na-sosolve namin pero meron talaga yung kahit saang angulo ay hindi mo malaman kung sino talaga ang suspect.

They have been solving one case for almost 17 years already but until now, wala parin silang lead. I read the description of the case carefully pero kahit ako, walang maisip na kung paano at saan mag uumpisa. It all lead to nothing, like someone erased all the traces that could lead to a possible suspect.

Isinantabi ko na ang case file at nagpaalam na umuwi. I was on duty for 14hrs already at nararamdaman ko ng bumibigat ang aking mga mata, dibale nageenjoy naman ako. The faster I could finish this internship, the better.

Dumeretso muna ako sa hospital upang tignan ang kalagayan ni Iyah. Hindi pa kasi siya nagigising simula nung incident sa elevator.

Nakita kong pinupunasan ng mama niya ang mukha ni Iyah ng isang basang dimpo bago itinuon ang pansin saakin.

"Oh, Vent. Kamusta ka?" Maliit na ngiti ni Tita Chani habang kinukumutan si Iyah.

"Kakagaling ko po sa internship Tita, ako nalang po muna dito para maka-uwi po muna kayo at makapahinga" masigla kong sabi sakanya kahit gusto ng pumikit ng mata ko.

"Ikaw na muna ang umuwi at magpahinga anak, mukhang pagod na pagod ka na. Kaya ko naman alagaan ang anak kong si Iyah. Nagpapasalamat nalang ako at nanjan ka pa din kahit na ganito ang kalagayan niya" she said with a shy smile, the wrinkles on her eyes forming.

"S-sige po Tita, babalik po ako mamayang gabi, para palitan ko po kayo" paalam ko at tumango naman ito.

Iyah's scent was okay which means she's doing fine, kaya hindi ako masyadong nag alala. She's been asleep for 15 days. Dahil dito, Doc Vlad paused the project. Sinabi niyang hihintayin muna namin magising si Iyah before continuing it.

Para saakin, Blessing in disguise ito dahil kung hindi iyon nangyari, malamang, hawak parin ni Doc Vlad ang bawat galaw namin.

Iyah was exempted for the remaining days ng OJT ng industrial setting namin. Naawa nga ang mga staff doon dahil unang araw palang ay nagkaaksidente na agad ang bago nilang OJT. They gave fruits and flowers kung saan naka confine si Iyah which made Tita Chani somewhat smile.

Bumibisita din sila Doc Vlad, Charm, at iba pang kaibigan ni Iyah. May mga umiiyak kapag nakikita nila si Iyah na nakahiga at walang malay. Babatukan naman ni Charm dahil sabi niya, hindi pa naman daw patay si Iyah para iyakan nila.

Klint was nowhere to be found. May kutob ako na buhay pa siya dahil na si-seen niya ang mga messages ko sa messenger. Minsan nga ay nakikita kong nagta-type siya ngunit mawawala nalang bigla.

***

Pagkatapos kong kumaen ng dinner ay nagbihis na ako para bantayan si Iyah. Nagsuot lang ako ng red hoodie at isang black na sweat pants.

Buti nalang at Sunday ngayon kaya wala akong duty sa internship ko. Mababantayan ko ng maigi si Iyah.


Bumili muna ako ng mga pagkaen bago tumungo sa hospital. I bought some water, fruits, cup noodles, at mga chichirya para hindi ako magutom. Nagdala din ako ng libro para basahan ko si Iyah.

As I walk inside the hospital, napansin kong pinagtitinginan ako ng mga nurse at biglang magtitilian. Jusko naman, ang hirap pala talaga maging pogi.

Nginitian ko sila at kulang nalang ay saluhin ko sila para hindi tuluyang mahulog saakin. Kung bakit ba naman kasi lumaki ng lumaki ang katawan ko, yan tuloy ang daming gustong gahasain ako.

Hindi ko na sila pinansin at dumeretso na ako sa kwarto ni Iyah. This was kind of a deja vu moment noong ako naman yung nasa hospital at nagpapanggap.

Sana nga nagpapanggap nalang din si Iyah para hindi na mahirapan pa ang katawan niya. I saw Tita Chani waiting for me, ready to go home.

"Ikaw na muna bahala Iho, babalik nalang ako bukas. Maraming salamat ulit" tinapik niya ang balikat ko bago kinuha ang mga gamit niya at lumabas na sa kwarto ni Iyah.

Inayos ko na ang mga pinamili kong pagkaen sa ibabaw ng lamesa at binuksan ang isang chichirya. I opened the book I brought and read aloud para marinig ni Iyah.

Matapos ko ang ilang chapters ay may kumatok sa pintuan. Binuksan ko ito at bumungad ang dalawang intern na nurse, isang babae at isang bakla.

They stared at me before proceeding to monitor Iyah's vital signs. Nang matapos ay nilapitan ako nung baklang nurse at nagtanong.

"Kapatid niyo po kuya?" Malambing niyang tanong, halatang nilalandi ako. Natawa ako dahil amoy hotdog at itlog siya.

"Ah, girlfriend ko" seryoso kong sumbat habang nakatitig sa natutulog na prinsesa. Nalungkot bigla ang mukha nung dalawang nurse kaya nagpaalam na silang lumabas.

Sinasabi ko nalang na girlfriend ko si Iyah para wala ng maglandi saakin dito sa hospital. At para wala na ding magtangkang maglandi kay Iyah kapag nagising na siya.

I kissed Iyah's hand before staring at her face. She looked like an angel with her fair skin, long lashes, and perfectly shaped lips.

𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon