-IYAH-
"Iyah! okay ka lang?" Bumalik ako sa wisyu ng tapikin ni Ate Aika ang balikat ko. She looked so concerned as she held my shaking hand.
"A-ayos lang ako a-ate," amin ko sa kaniya na parang hindi naman siya naniwala. Medyo kumalma na ako pero nanatiling tulala ang aking paningin sa cellphone kong nasa sahig, katabi ang natapon na green apple fruit sparkler drink.
Pinunasan ni Kuya Ian ang sahig gamit ang mop at pinulot ang aking cellphone.
Agad ko naman itong kinuha sa kaniya ng iabot niya ito. Nagpaalam na ako sa kanila. Muntik pa akong pinigilan ni Ate Aika dahil hinawakan niya pa ang kamay ko, but I gave her a faint smile to assure her that I was okay.
Binitawan niya naman ang kamay ko at deretso ng lumabas sa CHIRPS. Ramdam ko pa rin ang mga titig nila sa akin habang naglalakad palayo ngunit hindi ko na sila nilingon pa baka hindi na ako makaalis.
Huminga ako nang malalim, at tinignan muli ang message sa akin ni Vince.
This is impossible. How can he be so alive in this photo?
Someone is using his account and it's creeping me out. I don't like the idea that they're using Vince for this.
I bit my lower lip and tried to reply to his message, but I just couldn't let my fingers press send. May parte sa akin na gustong maniwalang buhay pa siya, may parte rin na natatakot umasa.
I have to find out who's using Vince's account. Malakas ang kutob kong hindi siya 'yon.
Pumunta ako sa office ni Doc Vlad at sumilip sa glass wall nito para siguraduhing wala siyang pasyente ngayon. Kailangan kong sabihin ito sa kaniya para na rin kumalma ang pag-iisip ko.
Kumunot ang noo ko at nagsalubong ang kilay ko ng makitang kausap nito si Vent.
Hindi ko marinig ang mga pinaguusapan nila dahil soundproof ang kaniyang office, pero base sa mga kinikilos nila ay parang may pagtatalo sila. Ngayon ko lang nakita ang galit na mukha ni Doc Vlad dahil kadalasan ay kalmado at nakangiti ito.
"Ahem, Ms. Roma. May appointment po ba kayo ni Doc Vlad ngayon?" tanong sa akin ng secretary ni Doc Vlad na si Ms. Jelly. Nakakrus ang mga kamay nito at nakataas pa ang isang kilay.
"W-wala po Ms. Jelly, pero puwede ko po ba siyang makausap?" kinakabahan kong sagot, iba yata ang awra ni Ms. Jelly ngayon. Dati rati kasi ay nakangiti ito kapag kinakausap ako, ngayon niya lang din ako tinaasan ng kilay. Siguro may pinagdaraanan kaya hinayaan ko nalang.
Umiling siya at tinuro ang mga taong nasa loob ng office ni Doc Vlad.
"Hindi mo ba nakikitang may kausap siya ngayon?" turo niya sa opisina ni Doc Vlad. Tinignan ko ang naiinis na mukha ni Vent at galit na mukha ni Doc Vlad. Hindi man lang nila kami napapansin dahil naka-focus lang sila sa isa't-isa at sa isang folder na hawak ni Doc Vlad.
BINABASA MO ANG
𝐕𝐞𝐧𝐭𝐮𝐫𝐢𝐧𝐠 𝐒𝐰𝐞𝐞𝐭 𝐀𝐫𝐨𝐦𝐚 | ✔
General FictionSTARTED: March 16, 2023 COMPLETED: July 10, 2023 (SELF-PUBLSHED UNDER TDP PUBLISHING HOUSE) *** Bata pa lamang si Vent, marami na ang humahanga sa kanyang kahusayan sa pag-alala ng mga konsepto. Hindi lang ito basta memorya-photographic memory ang m...