Chapter 6: Grand Magic Ball

1.1K 58 27
                                    

I am wondering. I'm confused and parang wala akong clue sa mga nangyayari. Is there a possibility na nagkapalitan nga sila ng kalukuwa? Kung totoo ang magic then pwedeng totoo na nagpapalit sila ng kaluluwa. But ang tanong, bakit sila nagpapalitan ng kaluluwa?

"Xander, gusto mo?", Tianna handed me a cup of coffee and a slice of pineapple pie. I thanked her. Napatingin ako sa unahan. Masayang naglalaro sina Aster at Cassy dahil nagbabatuhan ng snow. Napatingin naman ako sa direksyon ni Tianna. Bumilis ang tibok ng puso ko nang nakita kong nakatitig din siya sakin. We locked gazes with each other. Her eyes are sparkling. Ang ganda ng mata niya. I can't help myself. I just look in her eyes like there's no tomorrow.

"Ah... Uhm...", umiwas ng tingin si Tianna. Napatingin naman ako sa unahan. Argh. This is awkward. Napatingin ulit ako sa direksyon niya. Namula ang pisngi niya.

"You're cute when you blush", I stated while looking at Tianna. She immediately closed her eyes and she covers her face using her hair.

"Stop staring at me Xander. Naiilang ako", tumalikod siya. I took a bite of my pineapple pie. Geez. Umaandar na naman ang playboy side ko.

Biglang may tumamang snow ball sa gwapo kong mukha. Tiningnan ko ng masama si Aster na tawa ng tawa. Tae yun!

Biglang tumunog ang School bell. Minsan lang tumunog ang bell na yan. Sabi nila, kapag importante daw. May lumitaw na malalaking hologram. Mukha ni Madam Mindy ang nandun. Sa tingin ko, bawat sulok ng Silver Academy ay may lumitaw na hologram.

"Good afternoon Students. This is an important announcement so you better stop what are you doing right now. Tonight, at exactly 7 pm, all students must be in the Le~Castle. Wear your best dresses, outfits, makeups, accesories, and anything that can make you look presentable and gorgeous. Silver Academy will launch the monthly Grand Magic Ball. There will be the search for King and Queen Grand Magic Ball so I bet you must do your best to be the apple of the eye of all the students. See you later!", biglang nawala ang pagmumukha ni Madam Mindy sa hologram. Nawala rin ang mga hologram.

"Narinig niyo yun? Balik na tayo sa room!", ang masiglang saad ni Cassy. Agad naman kaming nagsitakbuhan papunta sa room namin. Nang papalapit na kami sa Gurei Building, narealize ko na wala akong dalang coat, tuxedo or kahit anong damit na related sa mga ball.

Ang dala ko lang, mga tshirts, and other cool stuffs. Walang formality. Manghiram na lang kaya ako kay Aster?

Tinapik ko sa braso si Aster nang pinihit niya yung doorknob. He gave me a hey-what's-wrong-do-you-need-something look.

"May extra coat and tie ka ba? Pahiramin mo naman ako oh", ang sabi ko at nagsmile na labas ang lahat ng ngipin. Wahaha. Tiningnan niya ako ng weird. What? Tinaas niya lang ang nguso niya tapos pumasok na sa loob. Aba!

"Dre, ang OA mo. Ilang araw ka na dito pero di mo pa alam ang tungkol kay ADOM?", ang tanong niya sakin habang nakangiting nakakaasar.

"Sinong Adom? Di ko siya kilala", sumandal ako sa may pintuan. Wala akong kakilalang Adom for fck.

"Hahaha. Ngayon ko lang nalaman na joker ka rin pala. Adom. As in Automatic Dress and Outfit Machine! Bawat dorm room ay meron nun. Ipepress mo lang ang thumb mo sa finger print scanner at lalabas ang mga choices ng mga damit na gusto mo. Tandaan mo, nasa Silver Academy ka. ALL THINGS ARE FCKING POSSIBLE", ang sagot niya sakin at lumapit sa isang device na nakakabit malapit sa walk in closet namin.

Biglang umilaw yung red button ng device. May lumabas na hologram sa taas ng device. Nilapat ni Aster ang thumb niya dun sa isang maliit na square.

"Hello Mr. Aster Dominic. Choose what you want", ang sabi nang isang boses ng computerized na babae. Nginitian ako ni Aster. Laglag panga ang mga nakikita ko.

Silver Academy (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon