"Di mo kayang hanapin? Wow. What a failure", he smirked at me.
"How shallow dude. Hindi porket nakatayo lang ako dito at hindi hinahanap ang pesteng grain na yan doesn't mean na hindi ko kayang hanapin", I grinned. Nakita ko namang he clenched his jaw. Tss. Pikon.
"Simulan mo na. Nakakaasar ang aura mo"
"I know. All people hate my aura. Why? 'Cause they can't overcome my coolness. Ya know, that's what they call insecures, right?", I smirked at him.
"Hindi insecure ang tawag samin. Sadyang ayaw lang namin sayo dahil sa tingin mo, ikaw na ang pinakagwapo"
"Oh. Did I say a name? Last time I checked, I don't identify a specific person. Why? Are you that guilty?", I smirked again. Woah there. Nahihilig na ata akong mag-smirk dahil dito.
"Marami pang obstacles kaya hwag ka nang tatanga-tanga", he looked at me fiercely. Do you think I'll get scared? Haha.
"Wait, what's your magic first?"
"Magic ko? Ito", biglang nagkaroon ng crack yung lupang kinatatayuan ko. Yung buhangin, tumaas ng tumaas. "This is what they called Earth Magic. Kaya kong i-manipulate ang lupa para protektahan ako at para makipaglaban"
May bigla siyang binato sakin. Isang gear?
"Isuot mo yan. Habang naghahanap ka ng yellow grain, maaring magkaron ng sandstorms", he said boredly. "At, bawat isang minuto, dadagdag ang buhangin, kaya hanapin mo na yun ng mabilis"
Biglang may lumitaw na portal at naiwan ako dun. Isinuot ko ang gear. Isang helmet, arm gear, chest gear, and thigh gear. Mayroon ding isang malaking sunglasses.
This place is too small for a real desert, yet too big in a normal basketball court. Get the picture? Well, if you have low IQ I won't bother to explain all the details.
Imposibleng mahanap ko ang yellow grain here in the sea od yellow sands. Then a thing popped in my mind. Fck. Bakit di ko yun naisip kanina? Then a sandstorm came. Lumuhod ako para di ako matamaan. After a minute, biglang nawala yung sandstorm. At naramdaman kong dumagdag yung buhangin.
Pano ko nalaman? Dahil natakpan yung paa ko. Nasa half na siya ng tuhod ko. I grab a handful of yellow sand and kumuha ako ng isang napakaliit na grain. How could I be so dumb? Well now, I'm the genius.
"Congrats Mister Charandelle. You pass the first obstacle", may lumitaw ulit na portal at nakita ko doon si Lucas na naka fake smile.
Biglang naglaho ang mga buhangin. Napalitan iyon ng sementadong sahig. Nagkaroon ng isang bahay, or should I say mansion. Naglaho na din ang gear na suot ko.
"Ngayon Xander, aalamin namin kung ano ang mas pinapagana mo. Kung puso, o utak", pumasok ulit sa portal si Lucas.
Biglang may lumitaw na isang batang lalake. Teka, ako yun ah! Mga 5 years old ata ako nun. May kasama siya. Isang babae na mas matangkad sa kanya. Si ate. Napangiti na lang ako.
"Xander, bili tayo ice cream! Gusto mo?", nakangiting tanong ng babae sa bata.
"Sige ate! Ang bait mo talaga! Kaya naman mahal na mahal na kita. Best ate in the world!", niyakap ni batang Xander ang batang Amethyst. Oh, how cute!
"X-xander, di ako m-makahinga", ang reklamo ng batang Amethyst. Tiwanan lang siya ng Batang Xander. Aba, hindi ako ganyan ah!
"Nagjojoke ka po ba Ate?"
Inalis ng batang Xander ang pagkakayakap.
"Hindi Xander. N-nahihirapan akong h-huminga. T-tawagin mo s-sina d-daddy", hinahawakan ng batang Amethyst ang chest niya at naghahabol ng hininga. Nagiging violet na rin ang mukha niya. Hindi pwedeng dito lang ako at tutunga-nga!
BINABASA MO ANG
Silver Academy (On Hold)
FantasyDaniel Xander Charandelle Son of Ice and Water Magixes. Grandson of The first Sorcerer And Younger Brother of the Legendary Charm Commander. Ano ang dapat i-expect sa isang tulad mo? _______ ©khipuff