"X-xander, I want you to meet my boyfriend, Lucas"
Parang nadurog ang puso ko nang sinabi iyon ni Rue.
"Yan din ba ang dahilan Rue kung bakit mo ako iniwan?"
"Yes Xander. Bago ako lumipat sa Silver Academy, at bago tayo magbreak, minahal ko na si Lucas. Sorry Xander but I love him. Please hwag kang magalit sakin at sa kanya"
Fck. I clenched my fists.
"Are you that insane Rue?! Fine! Hindi ako magagalit sainyo. Akala ko, minahal mo ako pero I'm wrong—"
"Minahal kita Xander! Pero mas mahal ko na si Lucas. Please Xander, hwag mo na kami guguluhin", ang sabi niya at tumakbo papalayo kasama ang gagong Lucas.
Linapitan ako ng mga fangirls ko. Damn this life.
***
"Xander, kaya mo pa ba?", umiinom ako ngayon ng wine sa loob ng dorm. I'm damn broken. Fck Rue and that bastard.
"Shut up Aster. I hate this fckin life", ang sabi ko at tumungga ng isa pang bote. Ipagpapalit ako ni Rue sa lalakeng iyon? Nakakainsulto. Nakakaapak sa ego. Kung ipagpapalit niya ako sana naman yung kalevel ko, o mas angat sakin. Tulungan ko pa siya maghanap.
"Xander, sampung bote na naubos mo. Pero hanggang ngayon parang wala ka pang tama", linigpit ni Aster yung mga boteng wala nang laman. Tsk. Fck it Rue. May gana ka pang pakiusapan ako na hwag akong magagalit. Fine. Madali ako kausap.
"Damn pare. Ang sakit pala kapag yung babaeng mahal mo pinagpalit ka lang. Tapos ang pinalit pa sayo yung mas masahol pa sa unggoy", tumungga ulit ako ng isa pang bote. Wala akong pake kung maubos ang beer sa Enchanteria. I'm damn broken.
"So you really love that girl huh? But pare, hwag kang iiyak sa mga taong di deserving. Sinasayang mo lang luha mo. Reserve that sa mga karapat dapat", ang sabi sakin ni Aster at kinain yung malaking piraso ng pork chop.
"No Aster. I love Rue. Sabi niya sakin dati, kaya siya sakin nakipagbreak dahil aalis siya. Pero ngayon, sinabi niyang may mahal na siyang iba. At, yung unggoy pa!", linagpak ko ang bote sa lamesa. Ayos lang. Hating gabi na. Bahala sila kung magising sila.
Biglang may kumatok sa pintuan. Binuksan ko iyon at nagulat ako sa nakita ko.
"T-tianna? Why are you here?", ang naguguluhan kong tanong sa kanya. Think of it bro, almost midnight na pero nandito siya? And worse, nasa Gurei Building siya. Dorm ng mga boys! At mahigpit na ipinagbabawal sa rule na bawal pumunta ang mga babae dito kapag gabi! Baka kung ano isipin nila.
Iniabot niya sakin ang isang green na pouch. "Pinapabigay ng mga fairies. *yawn*", biglang natumba si Tianna. Tsk. Binuhat ko siya at linapag sa sofa. "Aster isara mo ang pintuan", ang utos ko kay Aster. Tsk. Nakakainis tong babaeng ito. Tinulugan lang ako. Teka, 'bigay ng mga fairies'? Akala ko magic iyon ni Cassy? Aish. Naguguluhan ako.
"Ayos Xander. Anong ginagawa niyan dito? Baka mahuli tayo ng school staffs. Baka mapagalitan tayo ni Royal Lady Kimrae", ang mahinang sabi sakin ni Aster.
"Hindi ko alam. Pero may iniabot sya sakin. Pinapabigay daw ng mga fairies. Akala ko spirit transferer siya?", mahina kong tanong. At napansin ko, napakahaba ang pajama ni Tianna. At may napakahabang sleeve ang tops niya. Parang hindi naman ganito ang usual na sinusuot niya. Parang Cassy-like. Aiish.
Hinablot sakin ni Aster ang hawak kong pouch. Binuksan niya iyon. Isang napakaliit na bote ang nandun sa loob na may kulay red na liquid. May nakalagay na note. Kinuha ko ang bote mula kay Aster.
"Gamot para sa broken hearted"
Natawa na lang ako sa nabasa ko.
"Oh ayan naman pala eh. Inumin mo na. Gamot para di na masakit ang puso mo", ang natatawa ring sabi ni Aster. Pero galing ito kay Tianna.
BINABASA MO ANG
Silver Academy (On Hold)
FantasiDaniel Xander Charandelle Son of Ice and Water Magixes. Grandson of The first Sorcerer And Younger Brother of the Legendary Charm Commander. Ano ang dapat i-expect sa isang tulad mo? _______ ©khipuff