Chapter 6: Mages From Abyss

866 56 15
                                    

"Xander. Kung ano man yan na problema mo, nandito lang ako. Nandito lang ang ate mo"

Napangiti ako ng pilit sa sinabi ni ate.

"Talaga? Nakalimutan ko kasi na may ate pa ako", tiningnan ko siya. Cold stare.

"Xander ano ba yang pinagsasabi mo? Tell me what's wrong", nakita ko sa mata ni ate na naguguluhan siya.

"Well, ako lang naman ata ang hindi nakakaalam about sa good news", I smirked. Nabigla si ate.

"You mean about my pregnancy? Sorry Xander. Nakalimutan—"

"See? Nakalimutan mo. Nakalimutan mo na may kapatid ka pa. Ate leave me alone"

Biglang may pumatak na luha sa mata ni ate. Alam kong nasasaktan na siya. Simula pagkabata, never kaming nag-aaway. Di namin napapaiyak ang isa't-isa. Despite of our age gap, tinuturing namin ang bawat isa na magkaedad lang. She's a bit childish, and I'm a total immature.

"Sorry Xander. Sorry. Sorry na please. Sorry. Sorry", niyakap niya ako pero inalis ko ang pagkakayakap niya.

"Alam mo naman ate ang mga ayaw at gusto ko. At kilala mo kung ano ang ugali ko. Nalaman na ng buong staff ng Sikver Academy na magkakaron ka na ng anak. Malamang alam na rin iyon ng lahat ng myembro ng Magic Council. Eh ako? Ang nag-iisa mong kapatid, di mo man lang nabalitaan about that news. Ate, kung sa tingin ng iba na ang shallow ng rason ko, then alam ko na alam mo na di shallow ang reason ko because this is a big deal for me", ang sagot ko sa kanya at umalis na sa kwarto.

Dumiretso ako sa Glass Dome. Isa siyang dome na gawa sa glass. Sa loob nun, ay mga bote na may lamang mga kulay. Kapag nakapasok ka sa loob, matutunghayan mo ang makulay na mundo ng mga bote. Sinsabi nila, na ang mga bote na may lamang kulay ay ang problema ng estudyante dito. Sinasabi ng mga estudyante ang problema nila sa isang bote na wala pang kulay. At kapag nasabi na nila ang problema nila, magkakaroon ng kulay ang bote.

"Natatakot ako. Natatakot ako na baka pagdating ng panahon malaman niya ang katotohanan. Ang katotohanan na mahirap ipaliwanag. Di ko na alam kung ano ang gagawin ko. Lalo na't nahahalata ko na unti-unti na akong nahuhulog sa kanya. Pero, kapag nahulog ako sa kanya, handa ba siyang saluhin ako? Alam ko ang tingin niya sakin. I'm a btch in every student's eye. Pero pano ko naman mapapatunayan na ako na ito? Ako na ang totoong ako. Nagbalik na ang dating ako. Kung hindi lang kami nagkapalit ng katawan ni— MAY TAO BA DYAN?!"

Bigla akong natumba dahil may parang ipis na dumaan sakin. Sino ang babaeng nagsasalita? Pamilyar ang boses niya. Pamilyar na pamilyar. At ano ang sinasabi niya na nagkapalit sila ng katawan? Aish.

"May tao ba dyan?", narinig kong papalapit yung babae sakin. Nang nakita niya ako, tumakbo siya papalayo. Di ko masyadong nakita ang mukha niya dahil against the light. Pero, bakit siya tumakbo?

Lumapit ako papunta sa bote ma sinabihan ng babae. Tiningnan ko ang laman. Mukha niya. Sabi na nga ba. Siya lang iyon. Tama ako. I think unti-unti ko nang nabubuo ang palaisipan na tumatakbo sa utak.

***

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko. Limang kulay agad ang nakita ko. Red, blue, white, gray and brown. Hindi naman ganto ang kwarto namin ni Aster. Linibot ko ang mga mata ko. Limang higaan. Masyadong malaki ang kwartong ito kumpara sa kwarto namin ni Aster.

"Gising na yung prinsipe", nakarinig ako ng sunud-sunod na halakhak. May dumating na limang lalake. At ang isa sa mga iyon ay si Lucas.

Tumayo ako.

"Where am I?!", I fiercely asked them. They just smirked. I clenched my jaw. Mga epal.

"Hey! Easy there boy! Nasa kwarto ka namin kaya manahimik ka!", isang lalake na pula ang buhok ang nagsalita. Ngumisi naman yung asul ang buhok.

Silver Academy (On Hold)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon