Kathryn's POV
"D-Dj?" Hindi ko maiwasang kabahan nung tinanong ko yan.
"Kath, meron akong importanteng sasabihin sayo." Seryosong seryoso siya. Grabe di ko na to keri.
"Ano yun?" Ano ba naman to'ng tuhod ko, sumabay pa sa panlalambot. Tsss.
"Ma-" O? Bat naputol?
"KATH! KATH! Gising na. Anong oras na oh. Gusto mo ba'ng malate sa first day mo?" Si mama? Bakit nasa panaginip ko to? Haaays. Ano ba?
Unti unti ko'ng minulat yung mga mata ko. Ay, panaginip nanaman? Kainis na ah. Bumangon na ko at tingnin ang alarm clock ko. Hala! 7 am na. Malalate ako sa school. Actually, 10 am pa klase ko kaya lang, 2 hours din ang travel.
Mabilis akong pumunta sa banyo para maligo at magbihis. Nag ayos din ako ng sarili ko. Pulbos dito, pulbos dun. Pero light lang. Konting lip gloss na din.
Sabay harap sa salamin. "Kayang kaya mo yan Kath. This is the day." Tapos ngumiti ako. Baliw lang? Haha!
Ako si Kathryn Chandria Bernardo. 17 years old na ko. First day ko ngayon sa College sa PAU. (Performing Arts University) Supposed to be, dito lang ako pwede mag aral kasi sikat ako sa TV. Parang artista lang. Pero, nag offer ang UP ng scholarship. Pero di ko tinanggap. Baliw no? Consistent Honor student kasi from elementary to high school. Nung tinanggihan ko ang UP, lubos na nalungkot sila Mommy at Daddy. Pero wala din silang magagawa kasi unika iha nila ko. Ako ang nagiisa nilang anak na babae pero meron akong kuya. Si Kuya Carl. Super close kami. Sa totoo lang, nag enroll lang din ako sa PAU para makasama ang ultimate crush ko na si Daniel Padilla. Syempre, pareho kami ng major, acting. Siya ang sikat talaga. Bukod sa magaling na artista, kinareer niya na din ang pag kanta at pagiging Track and Field star. At-AT, ang gwapo niya. Hihi. :3
"Anak, baba na!" Sigaw ni Mommy.
"Nandiyan na po!" Sigaw ko naman pabalik.
Pagababa ko, nakita ko ang mga magulang ko na naglalambingan. Ang cute. Haha!
"Hi Mom, Hi Dad." Pareho ko silang kiniss sa cheeks.
"O? Princess, umupo ka na muna at kumain." Natutuwa ako kapag tinatawag ako ni Dad na Princess. Napangiti ako.
"Ah, hindi na po. Sa school na lang. Medyo late na din po kasi ako." Sagot ko naman agad.
"Malayo ang biyahe mo. O, eto, magbaon ka na lang. Magiingat ka ha. I love you, nak. Mamimiss ka ni mommy." Sabay kiss sa noo.
"At ni daddy" Sabay kiss naman ni daddy sa tuktok ng ulo ko. Kung makapagsalit naman sila, kala mo di nila ko makikita for the whole year. Ay, hindi nga. Tangeks mo kath!
"Mom, Dad, Kahit naman naka-dorm ako, bibisita pa din ako. Bye na po. I love you too. And I'll miss you too." Sabay kiss, hug and wave. Haha!
Daniel's POV
Pagmulat ko ng mata ko, alarm ko agad ang sumalubong sa mukha ko. Sht. 7:30 am na. Hindi ako pwede malate. First day ko pala as a college student. Tsk. Patay. Nagmadali ako. Mas mabilis pa ata ako kay Flash kasi ang bilis kong nakaligo at nakabihis. Bumababa naman agad ako para umalis na din. Tapos nakasalubong ko mga nakababata kong kapatid. Kumakain.
"Hi Maggie, Hi Carmella. My Princesses!" Sabay kiss ko sa cheeks nila.
"GOOD MORNING KUYA! " Sagot naman nila. Kailangan sabay? Haha! Ang cute.
"Kuya, sasabay ka ba sa pagkain?" Tanong ni Carmella. Agad namang tumingin din sakin si Maggie. Yung para bang naghihintay ng sagot?
Nalulungkot ako kapag nagtatanong sila ng ganyan. Halos wala na kasing oras si Mom and Dad para sa kanila. Busy daw kasi. Tsss. Pero kahit na alam kong malalate ako, sumabay ako sa kanila. Ayokong malungkot mga kapatid ko.
"Opkors!" Sagot ko. Agad naman nagliwanag mukha nila. Masaya na din ako dun.
Ako si Daniel John Ford Padilla. 18 years old na ko, pero 1st year pa lang ako sa College. Late kasi ako nagsimulang mag-aral. Papasok ako sa PAU. Dito lang ako pwede mag aral, sikat kasi. Kinuha ko'ng major ang acting. Pero kahit sikat ako, matalino din ako. Bakit? Kasi ang dami kong napasang exams ng pangmatatalinong school, pero tinaggihan ako bigla nang malaman nilang ako si Daniel Padilla. Gulo daw kasi. Tsss. Pero kahit papaano. Masaya naman ako sa buhay ko.
Pagkatapos ko'ng kumain, tumayo na ko at nagpaalam kela Maggie. Nang mag bye na ko. Bigla silang sumibangot. Kung pwede lang na samahan sila BUONG araw gagawin ko. Pero hindi pwede eh..
Pagdating ko sa PAU. Pumasok na agad ako. Bakamagka-riot kapag nagtagal pa ko. Baka kasi pahkaguluhan ako ng mga Fans ko. Haha!
"DJJJJJ!" Yun agad ang narinig ko pagpasok ko. Pero, hindi fan yun ah. Best Friend ko, Si Kimpoy.
"Oy pare kamusta?" Lumapit ako at nagmanly hug kami.
"Ok lang brad. NAMISS KITA. Huhu" Natawa ako sa itchura ng loko.
"Brad? Bading ka ba? Haha! Drama mo!" Tinawanan ko siya. HAHA!
*POK*
"Aray naman! Nagbibiro lang eh. Tss." Binatukan ba naman ako. Pero tumawa na din kami.
"Ay oo nga pala pare. Sobrang late na natin magsign up sa Dorms. Tapos may nakasabay daw tayo. Kaya Yun, magkaiba tayo ng room. Pero magkatabi naman. Sayang no. Last 2 dorms pa naman." Sabi niya lang out of no where.
"Tsk. Bagal mo kasi. Haha!" Tinawanan ko lang siya.
"Ako pa talaga sinisi mo ah. Haha! Tara na nga. Ipapakilala daw kasi roommates natin." Si Kimpoy.
"Ha? Saan? Tsaka ano pala room number ko?" Nagtataka kong tanong.
"Ah, sa office daw ng Student Council. Ikaw, 143, ako 142." Sagot ni kimpoy.
"Ahh, tara na!" Aya ko naman. Tas yun. Umalis na kami.
----------------------------------------------------------------------------------------------------------------------
Hi guys. Sorry kung boring. Pero babawi na lang ako sa Chapter 2. :3