Chapter 7- Her story

172 2 0
                                    

2 WEEKS AFTER THE INCIDENT

Dj's POV

2 weeks na ang nakaraan simula nung hindi na ako pinapansin ni Kath. Nasigawan ko kasi siya eh. Sa totoo lang di ko naman talaga sinasadya eh. Bad mood lang talaga ako nung araw na yun. Ikaw ba naman kasi na mahal na mahal ang track and field hindi na pwede tumakbo eh, MAHIRAP YUN. MASAKIT YUN. Nung sinabi sakin na baka hindi na ko makatakbo ulit, hindi ako makahinga, ang bigat sa damdamin. Di ko namalayang umiiyak na pala ko. Buti na nga lang nandiyan ni Kimpoy para pagaanin yung loob ko. 

1 week na simula nung makalabas ako sa kwarto ko sa clinic. Hindi naman na daw ganun ka-severe yung pilay ko. Pero hindi pa din ako makalakad ng maayos. At malamang, hindi rin ako makakatakbo.

Nandito ako sa dorm ko ngayon kasama si Kimpoy. Gabi na kasi tsaka friday naman ngayon kaya nakatambay lang kami.

"Pare, wala ka pa din bang balak lumabas?" Tanong sakin ni Kimpoy. 

"Tss. Para san pa. Lumalabas lang naman ako pag may klase eh. Tsaka wala akong gana." Sabi ko sakanya. 

"Alam mo, dapat nga inilalakad mo yang paa mo para ma-exercise. Mas nakabubuti yun." Sabi niya. 

"Bayaan mo na lang ako pre. Please?" Nagmamakaawa kong tanong. Laging ganyan si Kimpoy. Lagi niya kong chinicheer up. Pinipilit niya ko'ng magsports ulit pero ayoko eh. 

"Psh. Bahala ka. Tara tulog na tayo anong oras na din oh." Aya niya sakin. Tumango kang ako. Nahiga na si Kimpoy. 

Alam ko mamaya maya lang makakatulog na din to. 

"Pare? Huy? Gising ka pa?" AY ang tanga lang Dj. Sasagot pa ba yan kung tulog na. 

Napa-isip ako dun sa sinabi niya na "Alam mo, dapat nga inilalakad mo yang paa mo para ma-exercise. Mas nakabubuti yun." Haaaay! Makalabas na nga lang. Pero san ako pupunta? 

Paika ika akong lumabas. Ewan ko ba pero kusang naglakad yung mga paa papunta sa

TRACKS???? 

Tutal nandito na din naman ako. Naupo ako dun sa bleachers. Habang nakaupo ako, parang gusto kong sumigaw. Gusto kong umiyak? Isipin mo, HINDI NA KO MAKAKATAKBO! Sobrang hirap tanggapin nun. 

"Ayoko na dito, na-didismaya lang ako." Bulong ko sa sarili ko. Patayo na sana ako pero may umagaw sa paningin ko. 

May babaeng nakaupo dun mismo sa tracks. Yakap niya yung tuhod niya. Tapos parang ang lalim nung iniisip. 

Nilapitan ko siya. Tapos kinalabit. Tumingala siya para makita ako. 

SI KATH?? Nanlaki yung mata niya nung nakita ako. 

"Da-daniel? A-anong ginagawa mo dito." Tanong niya. 

"A-ahhh, wala nagmumuni muni lang. Ikaw?" Di ko din kasi maiwasang maisip kung ano nga ba ginagawa niya dito. 

"Ahhh, ganun din." Umupo ako sa tabi niya. Tinitignan ko lang siya. Para bang, ang lungkot niya? Ano meron? 

"Kamusta ka na?" Bigla niyang tanong. Tss. Sabi na nga ba eh. 

"Tingin mo? Magiging okay ba ko sa lagay ko?" Alam kong parang ang sungit pero obvious ba? Mukha ba kong okay sa lagay kong to.

"Sabagay. Pero wag kang mag alala, magiging okay ka din." Sabi niya. Naiyukom ko yung kamay ko. Naiinis ako. PAULIT ULIT SIYA! Pinapaasa niya lang ako. Pilit ko na ngang kinakalimutan pero humahadlang siya dun. Ang sama na ng tingin ko sa kanya. 

Lahat ♥ (KathNiel FanFic) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon