Daniel's POV
"I will arrange your seats but before that *evil smile* ice breaker muna." Sabi nung prof. namin. Agad agad? Tss. Eto ayaw ko eh. Nakakatakot kasi magbigay ng ice breakers teachers dito. Nakakakaba.
"Today, ang ice breaker natin. Pagdiscover ng iba niyo pang talent. So, instead of showing us your acting skills. Papakitaan niyo kami ng IBA niyo pang talent." WHAT? Tss! Sabi ko na eh. Anobanamanyan. Ano kaya gagawin ko.
Nagsimula na yung "TALENT SHOW" Nauna si Zharm Arriola. Pero group performance ginawa nila. Oo nila. SI Zharm, Julia at Kiray. Sasayaw ata sila eh. Bago sila sumayaw, nakita kong kinindatan ako ni Zharm. Tss. Epal talaga yun. Medyo madami na din yung sumunod. Eto na, si Kath na. Nakita kong umupo ng maayos si Kimpoy? Anyare dito? Haha! :D
Kumuha si Kath ng gitara. Kakanta ata siya eh. Naupo na siya dun sa harap. Ano ba yung kanta? Ahhh, bestfriend ni Jason Chen.
Sht. Ganda pala ng boses ni Kath? Tapos ang galing pa mag gitara. Akala ko yung bestfriend niya lang eh. Pero hindi pala. Kakaiba talaga to. Napapangiti ako habang kumakanta siya. Si Kimpoy kaya?
Favorite yan ni Kimpoy eh. O? Yung kaninang ngiti ni Kimpoy nawala. Ano nangyari dito? Naiiyak? Tss.
"Pare? Ok ka lang?" Bigla siyang nanlumo. Anong meron?
"Namiss ko siya bigla eh." Kilala ko na agad nung sinabi niya yun. Yung bestfriend niya. Tinapik ko na lang likod niya. Baka umiyak pa eh.
"Salamat Pre." Ngumiti siya. Tumango na lang ako. Haha! BROMANCE
WAIT? TAMA BA YUN? KUMINDAT SI KATH? O_O
Kimpoy's POV
Si Kath na yung magpeperform. Umayos ako ng upo. Gusto ko siyang panoorin eh. Kumuha siya ng Gitara. Naaaks naman oh. Tapos, yun nagsimula na siya. Yuyuko na sana ako para ituloy yung ginawa ko. Pero yung kanta, BESTFRIEND?? Napatingala ako. Alam niya yung kanta? Favorite ko yun kasi yun yung favorite song namin dati ng bestfriend ko. Pero wala na siya. Kinuha sa taas. Bigla akong nanlumo. Nalungkot? Nasaktan? Namimiss ko na din kasi siya eh.
Nagsimula na siyang kumanta
[Search niyo na lang sa youtube yung song. Maganda promise :D]
"Pare? Ok ka lang?" Ayun na, nanlumo na ko. Bumagsak na eh.
"Namiss ko siya bigla eh." Kilala na niya yun. Hindi niya kailangan magtanong. Sana din wag na. Baka bigla ako maiyak. Ew. Bakla. Tss.
"Salamat Pre." Ngumiti na ako. Sincere yan ah. Haha! BROMANCE
Shiz. Naiiyak ako. Tinignan ko si Kath. Ang saya saya nung mukha niya. Maamong maganda yung ganda niya. Yung kahit walang make up o arte, ok na? *Dubdubdubdub* Uhh? *gulp* Tama ba yun? Kinindatan ako ni Kath? Tsss, asaaa! Hahaha.
Ok, tapos na si Kath. Ang daming nauna bago ako. Nung ako na, nagpalakpakan yung mga tao. Si kath? Haha! Nagsmile ng sobrang ganda. Tapos nag thumbs up. Haha, ginanahan na ko.
"KAYA MO YAN PRE, Chupi na" Hahaha si Daniel talaga oh.
"Oo na, oo na." Alam ko na gagawin ko. Sasayaw ako. Bago ako magsimula.
"Pst. KATH." Pabulong kong sinabi. Mukha naman nakariramdam siya at tinignan ako. Nginitian ko siya ng ngiting ngiti tapos nag salute.