Chapter 8- Wait...What?!

182 4 2
                                    

Dj's POV

Habang nagkaklase kanina yung prof namin, napansin kong may ginagawa si Kath. Na-curious ako kaya sinilip ko. 

Nanlaki mata ko sa nakita ko? PAPER PLANES?! Patay na kapag nakita yan ni Kimpoy. Kakalabitin ko na sana siya kaya lang na sutsutan na siya ni Kimpoy. Patay na.

Habang naguusap sila, maya maya lang, nakita ko ng nag iba itsura ni Kimpoy. Nalungkot? Siguro. Kasi naman eh. Kinalabit ko na si Kath. 

"Bakit?" Tanong niya sakin.

"Tago mo na yang paper planes mo. Wag mo na ulit ipakita kay Kimpoy." Sabi ko sa kanya agad agad. 

"Anong meron? Bakit?" Halatang nagtataka na siya. Pero hindi ako dapat nagsabi nun sa kanya. Bahala na si Kimpoy. Hindi ko na siya sinagot.

Pagkatapos ng ilang oras na nagsalita lang sa harap si prof, LUNCH NA. Yeees!

Paglabas ko, nakita ko agad na lumapit si Kimpoy kay Kath. 

"Sige. Ay, wait lang, Kimpoy. Ok ka lang ba?" Rinig kong sabi ni Kath. Sigurado ako eto yung tungkol sa kanina. Hindi. Hindi yan ok. Ni hindi nga yan sasagot eh.

"......" Oh diba? Di siya sumagot. Nginitian niya na lang si Kath. Putulin ang katahimikan!!! 

"Uh guys! Sabay ako sa inyo. Ok lang?" Tanong ko. 

"Oo naman pare. Tara na." Aya ni Kimpoy.

"Wait! Si Aria. Hehe." Sabi ni Kath. Oo nga no? Wala pa si Aria.

Maya maya lang dumating din si Aria.

"Hi Bes! Hi Kimpoy! O? Daniel, buti naman pumasok ka na." Ngumiti na lang ako tapos tumango. 

"Tara na. Gutom na ko." Sabi ni Kimpoy. Ano ba Kimpoy? Atat?! Haha Joke!

"Tara na!" Sabay sabay naming sabi nila Kath. Tapos nagtawanan kami. Si Kimpoy naman, ngumiti lang. Haaay, kasi naman eh. Nakita kong sumilip ng tingin si Kath kay Kimpoy. Siguro nagaalala. Tumingin din siya sakin tapos... ngumiti. Yung matamis na ngiti. Haha! Ang ganda pala niya? 

---CAFETERIA---

"Guys, ako na bibili ng food. Diyan lang kayo ah." Sabi ni Kimpoy. Tumango na lang kaming lahat. 

Pagalis ni Kimpoy, agad namang nagsalita si Kath.

"Uhh, Daniel--" Pinutol ko siya. 

"Dj." Sabi ko. Halatang nagtaka siya. Napangiti ako dun.

"Huh?" Sabi nila ni Aria.

"I meant, Dj na lang tawag niyo sakin. Nakakailang kasi yung Daniel." Paglilinaw ko. Tumango na lang sila.

"Ano ba yung sasabihin mo." Tanong ko kay Kath.

"Na mahal ka daw niya." Bulong ni Aria. Ano daw? Nakita kong nagblush si Kath tapos siniko niya si Aria. Ano ba kasi yun?

"Huh? Ano, sorry di ko nadinig." 

"Wa-wala." Sabi ni Aria. Tss. Gulo ah. 

"Pero seryoso, anong meron dun sa paper planes?" Tanong ni Kath. Halos mabilaukan ako sa sarili kong laway sa tinanong niya. Tapos nanlaki mata ko.

"Ha?!" Tanong ko.

"Paper planes? Hahaha! Bored ka no?" Sabi ni Aria. 

Lahat ♥ (KathNiel FanFic) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon