Kath's POV
Pagdating namin sa Track, nakaupo na si DJ at Kimpoy sa bleachers.
"PSSST! Dito!" Pagtawag ni Kimpoy. Grabe lang ang ingay niya. Hahaha!
Lumapit na kami sa kanila.
"Ang ingay mo grabe." Bulong ko kay Kimpoy. Nakita ko namang natawa na lang sila ni DJ.
"Excited ako makatabi bestfriend ko eh. *wink*" Natawa na lang din kami ni Bes tapos naupo na. Katabi ko si DJ at Aria.
SEATING ARRANGEMENT
DJ - Ako - Aria - Kimpoy
Maasar nga tong lovebirds na to. BWAHAHA! *evil laugh*
"Uhh? Kimpoy, kelan mo ba liligawan si Bes ha?" Nakita kong pareho silang namula. Siniko ako ni Bes pero biglang ngumiti si Kimpoy at tumayo.
"Guys, wait lang kayo diyan ah." Hala? Anong gagawin nito. Pinapanood namin siyang bumaba papunta sa tracks ng biglang dumating si Coach.
"Mr. Feliciano? What are you doing?!" Sigaw ni Coach. Lumapit naman si Kimpoy at may binulong kay coach.
"Ohhh. Goodluck and proceed." Sabi ni Coach.
"DJ, anong gagaw--" Paninimula ko.
"Shh, wag ka maingay. Makinig ka." Bulong ni DJ.
"Bes? Anong nangyayari?" Tanong ko naman kay Aria. Pero hindi siya sumagot. Tulala lang siya. Namumula? Tinignan ko si Kimpoy at MYGAAAD!
May hawak na malaking boquet of red roses si Kimpoy. Nagsimula na siyang magsali-- Ay hindi! Sumigaw. Haha!
"ARIA DANIELLA CLEMENTE, P-PWEDE BA KITANG... LIGAWAN? SIMULA NUNG MGA BATA PA LANG TAYO, ALAM KO NA, NA IKAW, ANG SOULMATE KO! KAYA NG I FELL IN LOVE WITH MY BESTFRIEND DIBA? GUSTO KITANG LIGAWAN, KASI NA-REALIZE KONG.....MAHAL NA MAHAL KITA ARIAAAAAAAAA!" Ahhh, sus. WAIT?!
KYAAAAAAAAAAAAA!! Kinikilig ako, yung kaninang namumulang Aria, nangangamatis na sa pula. Biglang tumayo si Aria ay nagpunas ng luha. Tears of joy?
"HOY IKAW KIMPOY 'SUPERMAN' FELICIANO. PWEDENG PWEDE MO KO LIGAWAN. KASI MAHAL NA MAHAL DIN KI--" Bakit naputol? Kasi hindi nakapagintay si Kimpoy at biglang niyakap ng mahigpit si Bes. Ayiiiie! Kinikilig ako sa dalawang to anebe?
Ayiiiee!!
Waaaah! Nakakakilig!
Kyaaaa! Ang sweet!
Bagay na bagay sila!
Natatawa na lang ako sa sinisigaw ng classmates namin eh! Haha!
Napatingin ako kay DJ na ngayon ay wagas makangiti. Nagkatinginan kami ngintian ang isa't isa.
"Eh ikaw pare? Kelan mo liligawan si-- oomfph!" Bakit hindi nanaman natuloy? Tinakpan ni DJ yung bibig ni Kimpoy eh. WAIT? May liligawan na si DJ? Bigla akong...nalungkot.
"ETO! Sinabing secret eh! Mamaya. Ah! Tsaka congrats!" Sabay apir nila ni Kimpoy.
"Aria, may mga tatanong pala ko sayo mamaya ah. PLEASE. Para sa liligawan ko." Pinanlakihan ng mata ni DJ si Aria which made Aria...
"KYAAA! WAAAH! Totoo? Oo naman tutulungan kita!" WOW BES? Alam mo namang ultimate crush ko si DJ tapos ipamimigay mo? OKAY! Ako na OP sa pinaguusapan niyo.