Chapter 10- Paglilinaw

155 4 0
                                    

Aria's POV

"ARIAAAAAAAAA!!!" Grabe! Ang lakas talaga sumigaw ni Kath. Pano ko nalamang si Kath? Siya lang naman at ako ang may access sa dorm namin eh. Ano ba kasi problema nito?

"Kath ano ba?! Natutulog ako oh. Manahimik ka nga. Sheesh." Naiirita kong sabi sa kanya. 

"ARIA UTANG NA LOOB KILALA KO NA SI SUPERMAN!" Te-teka? ANO DAW? Kilala na niya si superman. Pakiramdam ko nawala antok ko. Bigla akong bumangon sa kama at umupo. Nilakihan ko ng mata si Kath.

"Kath masamang biro yan." Sabi ko sakanya. Pano eh matagal ko ng hinahanap si superman eh.

"Hindi ako nagbibiro. Promise." Seryosong sabi niya.

"Sino ba kasi?" Sabi ko. Di ako makapag intay kung sino. 

"Si KIMPOY. Capital K-I-M-P-O-Y!!" Wait? WHAT?! Buffering pa sa utak ko sinabi ni kath. Natatameme ako.

"ARIA ANO BA? MAGSALITA KA NGA!" Malakas na sabi ni Kath. Paano ako magsasalita eh stunned ako sa sinabi niya.

"Paano mo nalaman. Patunayan mo." NAPAKA seryoso kong sabi. Bukod kay Kath. Isa si superman sa BestFriends ko. Actually hindi nga lang best friend tingin ko sa kanya noon eh.

"Ganito kasi yun..." 

Kwinento sakin lahat ni Kath. Naiiyak ako sa kwinento ni Kath. Na-miss ako ni Kimpoy. Pero ang alam niya patay na ko. But, I survived the accident. Ako lang ang nakaligtas mula sa pamilya namin. Nagising na lang ako nasa ospital na ako kasama ang Tita ko. Siya na rin ang nagalaga at nagpaaral sakin. Hindi niya pala alam na buhay ako. Kaya kahit sulat o kahit anong pagpaparamdam, wala akong nakuha sa kanya. 

(A/N: Superman kasi in this story, si Kimpoy yung tigapagtanggol ni Aria. Kakampi and superhero. At the same time, si Aria ang weakness ni Kimpoy, kryptonite.) 

"Be-bes, a-anong gagawin k-ko?" Nauutal kong sabi. Nanginginig ako. Sa lungkot, sa galit ko sa sarili ko kasi hindi ko nakilala si Kimpoy. And with those words. Umiyak na ko. Ng todo. 

"Shhh. Bes tahan na. Nandito lang ako." Pagpapatahan niya. Niyakap niya ko ng mahigpit. I felt comfort with that hug.

"Ang tanga tanga ko. Hindi ko siya nakilala Bes. Ang sama ko'ng bestfriend ang---" Magsasalita pa sana ako pero pinutol ako ni Kath. Kumalas na din siya sa yakap

"Timang ka ba? Eh di ka din kaya nakilala ni Kimpoy." Sabagay. May point siya. Eh ano na gagawin ko ngayon? Tutulala?

"Eh anong gagawin ko Bes? Papabayaan ko na lang?" Tanong ko.

"No. Kausapin mo siya bukas na bukas. Linawin mo LAHAT. Tsaka, naaawa ako kay Kimpoy kasi dinidibdib niya lahat." Weeeh? Eh, kinakabahan ako. Paano kung di siya maniwala?

"Eh kung di siya maniwala? Tsaka hindi lang naman siya ang nagdibdib. Nahirapan din naman ako. Pero sige. Kakausapin ko siya." Ngumiti si Kath nun ng abot tenga.

"TALAGA BES?! YEEES! Goodluck Bes. Pero Bes, tulog muna ulit tayo, 3 am palang oh. Inaantok na din ako eh." Sabi ni Kath.

"O sige Bes." Nahiga na kami ulit.

Finally, after so many years, nahanap na din kita superman. Ang sarap sa pakiramdam. Sana paniwalaan mo ko. Sana pakinggan mo ko. 

---Kinabukasan---

Lahat ♥ (KathNiel FanFic) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon