Chapter 11- Aria and Kimpoy

142 2 0
                                    

Aria's POV

Sa ngayon, hinahatak ko si Kimpoy papunta sa school garden. 

"Te-teka nga Aria!" SIgaw niya sabay higit sakin na naging para mapatigil ako sa paglalakad. 

"Bakit?" Tanong ko. Sa totoo lang alam ko naman ang sagot sa tanong ko.

"San mo ba ko dadalin? Tsaka di pa ko kumakain no." Di bale, may back up ako.

"May dala akong sandwiches. Tara na, saglit lang sa may school garden. May kailangan lang ako sabihin. PLEASE?" Talagang diniinan ko ang pagsabi ng please. 

"Fine. Pero..." May tinuro siya at yun yung...Ehh! Nakahawak pa pala ako sa kamay niya. Agad naman ako bumitaw.

"Haha! Sorry." Dinaan ko na lang sa tawa. Pero alam kong nag-bublush ako ngayon. 

"Di ok lang. Tara na nga." Sabay kuha niya ulit ng kamay ko tapos ako naman ang hinatak papunta sa school garden.

---GARDEN---

"O? Ano ba kasi yung sasabihin mo?" Hingal na hingal ako. Pano ba naman kasi, tumakbo kami papunta sa school garden. Haaay...

"Pwede bang maupo muna tayo. Hinga na hingal ako oh. Haha!" Nakitawa din naman si Kimpoy. Pero alam mo'ng fake. Di to pwedeng actor. Haha!

"Alam mo? Masama yan. Wag mo'ng kinikimkim." Napatigil siya sa pagtawa at tinignan niya ko ng seryoso.

"Ano?" Tanong niya

"Sabi ko, wag mong kinikimkim. Alam ko namang malungkot ka eh. Halata sa mata yun at kilos mo." Sabi ko kay Kimpoy na ngayon ay nakaupo na sa bench. Bumuntong hininga siya bago magsalita.

"Sinusubukan ko lang naman ngumiti. Ayoko ko kasi yung araw na to eh. August 15. TRAGEDY." Umupo ako sa tabi niya. August 15? Ahhh... yung accident ko.

"Bakit? Anong meron sa August 15?" Seryoso kong tanong sa kanya.  

"Eto lang naman yung araw na namatay yung isa sa mga pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Si bestfriend." With those words. Di ko namalayang umiiyak na pala ko. 

"Uy Aria? Bakit ka umiiyak? Hala, sorry, nadala ka pa tuloy sa kwento ko." Lumuhod siya sa harap ko at pinunasan ang mga luha ko. Nakokonsenya na ko eh. Sobra.

"Ki-kimpoy?" 

"O? Bakit?" Sabi niya.

"Yung sasabihin ko kasi.." Paputol putol kong sabi.

"Ay oo nga pala. Ano ba kasi yung sasabihin mo sakin?" Huminga muna ako ng malalim bago ako magsalita. Hinila ko sa patabi sakin sa bench. 

"*sniff* *sniff* A-ako..si..D-daniella." Tinignan ko si Kimpoy. Di maipinta yung mukha niya. Kung gulat? Nalungkot? Masaya? HINDI KO ALAM.

"Sinabi sayo ni Kath? Alam mo, kung pinapagaan niyo lang loob ko. WAG! KASI MAS LALO LANG AKONG NAHIHIRAPAN!" Sigaw niya. Tatayo na sana siya pero hinatak ko ulit siya pa-upo.

"Hindi ako nagbibiro. Ask me anything about her and mamasagot ko. Promise. *sniff* sniff*" Naiiyak nanaman ako. 

"Alam mo? Hindi kapanipaniwala kasi una, magkaiba kayo ng pangalan. Second, nakaglasses si Daniella. And last, patay na si Daniella. Nagkaroon siya ng car crash! Kaya wag mong sabihin sakin na ikaw si Daniella!" Sigaw nanaman niya. Habang sinisigaw niya yan, umiiyak lang ako.

Lahat ♥ (KathNiel FanFic) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon