Kath's POV
Pagbaba ko ng kotse, Tinitigan ko muna yung school. Ang laki kasi eh. Tapos ang sosyal. Haha! maya maya pa. Habang naglalakad ako, may sumigaw.
"BEEEEEES!" Hinanap ko kung sino. Si Aria!
"BES, Namiss kita! Nakakainis ka!" Niyakap ko siya at yumakap din naman siya pabalik. Grabe namiss ko talaga siya. Pero last week magkasama kami niyan ah. Haha!
Si Aria, Aria Clemente. Best Friends na kami kahit nung bata pa lang kami. Una, akala ko mataray siya. Pero hindi. SOBRANG bait pala niya. Siya ang kasama ko kapag may problema ako. Siya lang nakakapagpatawa sakin kapag umiiyak na ako. Siya yung kasama ko through ups and downs. Yun bang isang text lang namin sa isa't isa magkasama na kami. Tsaka siya rin kasama ko sa mga trip ko. Walang ayaw-ayaw samin. Syempre, ganun din ako sa kanya. Isa pang nagustuhan ko sa kanya. Sobrang talented niya. Ang galing niya kumanta tsaka mag-gitara. Kaya ayun, dito din siya nag enroll sa PAU. Pero wag kayo, matalino din yan. Marami siyang ipagmamalaki. Kaya ipinagmamalaki ko siya bilang best friend.
"Oo nga bes, ako din, namiss kita sobra!" Bigla nalang pinagtawan mga sarili namin. Haha! Mga baliw eh.
HHWW kami ni Aria pagpasok namin sa PAU. Pagkapasok na pagkapasok namin, OMG! Ang ganda nung school. Di mo aakalain school yon. Lahat ng places air-conditioned eh. Pati ata CR. Haha! Tapos yung mga locker, personalized. Kaya makikita mo din yung creativity ng students. And, hindi pala uso ang sikat dito ah. Astig.
"Tama ata choice natin Bes? Haha, sobrang ganda dito. Grabe.' Nakangisi niyang sabi. Tumango na lang ako ng tumango kasi na-aamaze din ako. Totoo naman kasing sobrang ganda.
"Bes? Ano pala nangyari sa dorm natin." Bigla ko na lang natanong.
"Ah, Bes? May problem tayo." Sabi ni Aria.
"Ha? Ano yun?" Nagulat ako sa sinabi niya. Kaya kinabahan ako.
"Magkahiwalay tayo ng dorm." Bigla kaming nanlumo. Nalungkot. :(
"Eh? Bakit? Anong nangyari?" Sunod sunod kong tanong.
"May nakasabay kasi tayong kumuha ng dorm. Kaya ayun, nagkasabay ng pindot ng arrangement yung dalawang students na nagbibigay ng dorm numbers." Sabi niya.
"Eh pano na yan bes? Nalungkot naman ako bigla." Yun na lang nasabi ko.
"Bes may isa pa." Kinakabahan niyang sabi. LALO TULOY AKONG KINABAHAN. Nako Aria, umayos ka.
"E-Eh kasi..." Nauutal niyang sabi.
"Sabihin mo na!" Napalakas tuloy boses ko.
"Eto na nga eh. E-eh kasi ma-mimeet daw natin roommates natin mamaya sa Student Council." Sabi niya.
"O? Eh ano naman masama dun?" Nagtataka kong tanong
"Eh kasi yung roomates na yun nagkataong mga.... LALAKI' Nanlaki mga mata ko.
"HUWAAAAAT? Di na ba pwede ayusin yan? Baka naman pwedeng pagusapan diba?" Sabi ko agad. Halaaa, mga lalaki, utang na loob. :(
"Kaya nga natin kakausapin mamaya eh. Makikiusap tayo. Sana pumayag." Bigla tuloy kaming kinabahan pareho. Lord, please. WAG PO. :(
"Bes? Ano ba room number ko?" Di ko napigilang magtanong.
"Ah bes, Ako 142. Ikaw... Uh... Ayun, 143." Sagot naman niya.
"Haaaay. Kinakabahan pa din ako bes. Pano na to. Tara na nga. At ng makilala na natin sila." Pag aaya ko. Tumango naman si Aria. Tapos ayun, the next thing we know, nasa Student Council office na kami.
Daniel's POV
So ayun. Nasa tapat na kami ngayon ng SC office. Kausap yung SC president. Si Althea. Maya maya lang, may lumapit samin na dalawang babae. Parehong mukhang kinakabahan. Ano meron? Pero yung isa, medyo familiar. Kilala ko ba to? Ahhh! Si Kath Bernardo. Sikat din to. Yung kaba niya, naging ngiti bigla nung kaharap na namin ni Kimpoy. Syempre gwapo eh. Haha! Ano daw? Kilala ko rin yung kasama niya, Si Aria Clemente. Talented to. Belong dito.
"O sige, magusap na ang possible roomates. Haaay nako. Venice kasalanan natin to eh. Sorry ah. Sige usap muna kayo." Sabi ni Althea. Yun sabi niya possible roommates. WAIT......WHAT? POSSIBLE ROOMMATES?
"POSSIBLE ROOMMATES?!" Pasigaw kong tanong. Ano bang nangyayari? So ayun, kinuwento nila sakin. Shiz. Babae roommate ko. Pahirapan to.
"So sino room number 142?" Tanong ni Kimpoy.
"A-ako." Sagot ni Aria. Haha, Kinakabahan. So that means roommate ko si... KATH? Haha, maasar nga.
"Pare, roommate mo si Kath. Ikaw kath? Ok lang?" Tanong ni Kimpoy.
"A-Okay la-" Pinutol ko siya.
"AYOKO. Mahirap na no? Pano kung espiya pala siya ng press? O kaya Die hard fan ko? O kaya magnanakaw diba? Haha!" Syempre joke lang. Nangaasar lang ako. Yun, ang sarap ng tawa ko. Umakbay ako kay Kimpoy. Pero inalis niya. Naiinis din mukha niya. Tinignan ko si Kath, SHT umiiyak si Kath. Di ko sinasadya. Tinignan ko din si Aria. O.o Death Glare?
"I didn't mean-" Ako naman ngayon ang naputol niya.
"Si-sige, ok lang. Uuwi na lang ako. Solohin mo na lang yung kwarto para sure kang safe ka. Sorry ah." Grabe, iyak siya ng iyak. Hikbi ng hikbi. Hanggang ayun, tumakbo siya pababa at paalis. Hahabulin ko sana kaya lang hinigit ako ni Kimpoy.
"Pare, utang na loob. BAD JOKE. Sorry Aria ah." Tumango lang si Aria. Tumingin ako sa kanya. Nakakatakot. "Bitawan mo nga ako!" sabi ko kay Kimpoy.
Kath's POV
Sasagot sana ako ng "Okay lang sakin kung Ok lang kay Daniel." Shocks, ang gwapo niya talaga. Ang swerte ko naman sa roommate ko. Tapos biglang sabi niya,
"AYOKO. Mahirap na no? Pano kung espiya pala siya ng press? O kaya Die hard fan ko? O kaya magnanakaw diba? Haha!" BOOM!!
Nadurog puso ko nun. Ang tagal niyang tumatawa. Nahurt ako. Kaya hinimas ni Aria likod ko. Kaya ayun, Umiyak ako ng umiyak. Nakita kong nainis kay Daniel si Kimpoy. Pati na rin si Aria. Mageexplain pa sana siya pero inunahan ko na siyang magsalita.
"I didn't mean-" Pagpuputol ko
"Si-sige, ok lang. Uuwi na lang ako. Solohin mo na lang yung kwarto para sure kang safe ka. Sorry ah." Grabe, iyak ako ng iyak. Hikbi ng hikbi. Hanggang ayun, tumakbo ako pababa at paalis.
Nasa may hagdan na ko ng parking lot para ibalik yung mga gamit ko. Nangbiglang may humablot sa braso ko.
"Kath?"
-----------------------------------------------------------
Ok so, dito muna ko para sa araw na to. Tomorrow na ulit siguro. ABANGAN. :D