Chapter 6- The Incident

201 1 0
                                    

Kath's POV

Papunta na sana kami ni Aria sa may track and field ng bigla siyang magsalita.

"AY Tanga. Bes? Teka lang ah, nakadoll shoes pa kasi ako eh. Papalit lang ako sa classroom." Tinignan ko yung suot niya. Oo nga! HAHAHA! Ay nako Bes katangahan mo ah? 

"Anobanamanyan Bes? Pffft, Hahahahaha! Sige sige, iintayin pa ba kita?" Tanong ko sa kanya. Umiling lang siya tapos umalis na. Tsss. Bilis ah.

---Track and Field---

"Ms. Bernardo proceed to your bleacher now!" Sigaw nung coach sakin. Ano ba yan. Kasi naman Kath babagal bagal ka pa. 

"Ye-yes coach." Nauutal kong sabi. Umakyat na ko sa uupuan ko. Napansin ko namang kumaway sakin si Kimpoy. 

"Kath, dito ka na lang oh. Tabi tayo." Ngumiti siya. Hahaha! Bait talaga oh. Hinahanap ko si Daniel. Asan na ba yun? Umupo na ko sa tabi ni Kimpoy. 

"Asan si Daniel?" Tanong ko sakanya. 

"Ahhh, ayun oh. Suma-sample para sa track and field. Siya daw kasi yung best diba. Papakitaan niya tayo ngayon ng sample." Sabi niya. Oo nga noh? Hahaha! Di ko napansin. 

Bakit ba ang tagal ni Aria? Tss. Kahit kelan talaga oh? 

"Ready Daniel?" Narinig kong sigaw nung coach. Tumango lang si Daniel. Ready na ready na siyang tumakbo anytime. 

"Ready...set...GO!" Sumigaw nanaman si coach, pero this time, pati kami nakikisigaw na. 

Di ko mapigilang halos maiyak sa nakikita ko. Si Daniel na dating pangarap ko lang, dating panaginip ko lang. Nasa harap ko na.

Dumating na siya sa part nung tatalunan. Yung una, yun sakto, Pangalawa, sakto ulit Pangatlo, SWABE, eh pangapat? Ang saya saya kong nag chicheer sa kanya ng biglang...

*BLAAAAAAAG*

SHIT! Lumagapak si Daniel sa lapag. Nag slow motion yung mundo ko. Nakikita kong lahat kami na istatwa sa nangyari. Pati si coach wala ng ginawa. Tang*na ano ba? Nakita kong tinakbo na siya ni Kimpoy. Ewan ko kung bakit pero nung tumakbo si Kimpoy, tumakbo na din ako. Sobrang bilis ko nga eh. Di ko namalayang katabi ko na pala siya. Pinatong ko muna yung ulo niya sa lap ko. Nanghihina ako sa nakikita ko. Naririning kong umuungol si Daniel sa sakit. 

"Ka-kath?" Narining kong mahinang sabi ni Kimpoy. Tumatayo balahibo ko. 

"Hmm? Bakit?" Pagtingin ko sakanya, puro dugo kamay niya. San galing yung dugo. 

"Langya, san mo nakuha yan?" Nagaalala kong tanong. Umiiyak na ko, dumating na si Coach na may kasamang medic. Tss, finally. 

Napatingin ulit ako kay Kimpoy. Tinignan niya yung ankle ni Daniel. 

O_____O

Utang na loob. Gusto ko mahimatay sa nakita ko. Dugo ng dugo yung ankle ng isang track star. Nanlumo ako. Kinuha na ng medic si Daniel. Umuungol pa din siya sa sakit. Naramdaman kong tinulungan ako ni Kimpoy tumayo. Sobrang nanghihina ako. Gusto kong umiyak pero walang lumalabas na mga luha? 

"Pumunta ka na muna sa CR. Puro dugo din yang kamay mo oh?" Tumango lang ako. Tinignan ko si Kimpoy. Nginitian niya lang ako. Mukha siyang kalmado. Pero alam kong deep inside, alalang alala na din siya kay Daniel. 

Papunta na ko sa CR nung nakita ko si Aria na papunta pa lang sa track? Bat ba ang tagal nito. 

"Beee- Sht, bes anong nangyari?" Nilapitan ako ni Aria, tapos kinomfort. 

Lahat ♥ (KathNiel FanFic) (ON HOLD)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon