Sabado na at hindi pa rin nakakalabas mg hospital si Kathryl. Excuse na rin siya sa kanilang pre-final examimation.
After ng swimming class ay napagdesisyunan ng mga kaibigan niya na dalawin si Kathryl. Wala ang mama nito dahil abala pa rin ito sa bayarin sa hospital.
"Nagdala ng motor si Peralta, sinong aangkas sa kanya? May motor din kasi akong dala." si Bermudo habang kausap ang mga kaibigan ni Kathryl.
"Si Andrian nalang at Shakila. Kay Chess ako sasakay." sagot ni Ellie.
"Okay. Sa akin ka sasakay Spade." sabi naman ni Bermudo kay Amoncio.
"Saan pa ba? Tss." pagsusungit ni Spade.
Tahimik lang si Placido. Hindi niya pa sinabihan ang ama ng dalaga dahil ayaw niya sanang communicate pa sa lalakeng iyon. Gulong-gulo na kasi siya sa naging takbo ng kanyang buhay. Paano sila naging ganito kalapit ni Kathryl gayong ayaw niya itong makilala? Mas gusto sana niya na sa future pa sila magkakilalang dalawa para less connection. Ang weird lang kasi sa pakiramdaman na nakakasama niya ang future wife niya tapos may girlfriend siya. He likes her girlfriend no doubt pero hindi niya maiwasang hindi mag-alalala sa babae.
"Kawawa naman si Kathryl ano? Sana gumaling na siya." sabi ni Shakila na nakaangkas na sa likuran ni Placido.
"Gagaling din siya. She is a strong girl." sabi naman ni Andrian.
"Does he know?" tanong ni Shakila kay Andrian.
Kumunot naman ang noo ni Placido. Is she talking about Kathryl's father? Alam ba ng mga kaibigan niya ang tungkol sa ama?
"Hindi ko alam. Mas mabuti ng hindi niya alam. Kapag pumunta siya sa hospital, masasaktan lang si Kathryl."
Placido got lost of their talk. Are they referring to Kathryl's father? Bakit parang galit si Andrian?
Damn it. He needs to stop being curious about Kathryl. The more they get closer to each other, the more he wants to know things about her.
Mabilis silang nakarating sa hospital dahil malapit lang naman ito. Nang makarating sila sa room, nandoon na sina Zip, Vida, Martha, Smile at Alexa. Halatang nagulat si Alexa nang makita sina Placido, Bryan at Spade.
"A-anong ginagawa niyo dito?!" gulantang na sabi ni Alexa.
"Kilala mo sila, Alexa?" si Vida na obvious ang pagtataka sa mukha.
"Kilang-kilala! mga kaibigan ko iyan sila!" natatawang sabi ni Alexa.
"What the f, Alex? Bakit ka nandito?" Bryan rolled his eyes.
"Barkada ko sila! Eh ikaw?" pagsusungit ni Alexa kay Bryan.
"Classmates ko sila sa PE namin." sagot ni Bryan.
"PE classmates? So does it mean na nasa inyong tatlo ang crush ni Kathryl?"
Dahil sa sinabi ni Martha ay nagtawanan silang magkakaibigan well maliban kina Alexa, Placido at Spade. Kathryl is still sleeping kaya naman wala itong kamalay-malay na pinag-uusapan na pala siya.
"C-crush ni Kathryl?! Nasa kanilang tatlo?!" hindi makapaniwalang sabi ni Alexa.
"Talaga nasa kanilang tatlo?" nakasali na rin si Smile.
Shakila chuckled. "Hulaan niyo sino sa kanila?"
"Uh, ikaw?" turo ni Smile kay Bryan pero umiling lang ang lalake.
"Ano ka ba smile! Kathryl's type is.." hindi na natapos pa ang sasabihin ni Martha dahil si Alexa na ang nagtapos.
"Tall and skinny.. At ikaw iyon, Peralta?!" turo ni Alexa kay Placido.
"Tss.. Wala siyang gusto sa akin." pagsusuplado ni Placido.
"Oo nga naman! Ang sabi sa atin ni Kathryl ay curious lang siya sa kanya." natatawang sabi ni Martha.
"Hindi niya crush si Placido. Curious lang siya sa kanya." Humalakhak si Ellie.
"Curious siya kay Peralta? So ibig sabihin, interesado siya sa kanya?" nakasimangot na sabi ni Spade.
"The puto cheese that we ate, galing kay Kathryl iyon! Kaya pala familiar!" pahayag ni Alexa.
"Ginawan ka ni Kathryl ng puto cheese?" Andrian asked.
Napalingon naman si Placido sa lalake. "Oo bilang pasasalamat niya at sorry."
"Tss.. tapos ako hindi niya malutuan." bulong ni Andrian na narinig ni Smile.
"Nagseselos ka ba, Drian?" Smile laughed.
Napatingin si Bermudo kay Smile. Maganda at cute ang babae. Mahaba at magpagkabrown ang buhok nito. She has a fair skin unlike Vida na mala-gatas ang balat nito. Napunta naman kay Martha ang kanyang paningin, the girl is a chick pero sa kanilang lahat, siya ang mukhang hindi approachable tignan. Mukha itong mataray. Hanggang leeg lang ang buhok nito, makinis ang balat nito. Nakalight make-up ang babae at kahit na simple lang ang suot nito, litaw pa rin ang kagandahan. If he is going to rank them, si Martha ang pinakamaganda sa kanila na magkakaibigan and next is Kathryl.
"Hindi noh. Tigilan mo nga ako, Smile." sabi ni Drian.
"Kay Kathryl pala galing iyon! Akala namin sa girlfriend mo!" si Spade na nagkakamot ng ulo.
"May girlfriend ka?" tanong ni Smile sa isang tunog na dismayado.
"Oh my. So it is a game over na pala for Kathryl." maarteng sabi naman ni Martha.
"Pero bakit ka naging kaibigan nila, ha Alexa eh ang gaganda nila? Anyare- shit!"
Nagtawanan ang lahat nang batuhin ni Alexa si Bryan ng mansanas.
"Nagsisimula ka na naman ba, Bermudo?!" galit na sabi ni Alexa.
"Ang gaganda pala namin?" humagikhik si Zip.
"Hindi ka kasali, Zip! Sila lang!" pang-aasar ni Chess.
"Hindi ba bawal pets ditetch? Ba't may unggoy na nakapasok?" pang-aasar ni Zip kay Chess kaya naman nagtawanan ulit sila.
Dahil sa malakas na pagtatawanan nila ay nagising si Kathryl. Nang buksan niya ang kanyang mga mata ay blurry pa ito noong una hanggang sa maaninang na niya ang mga taong nag-iingay sa loob ng room niya.
"Placido?" unang bigkas ni Kathryl kaya naman inaasar siya.
"Aba! Sa dami namin dito si Placido talaga unang nakita?!" reklamo ni Alexa.
"Tss. Manahimik ka nga, Melicor." asar na sabi ni Placido kay Alexa.
"Kumusta pakiramdam mo?" lumapit si Drian kay Kathryl at hinaplos ang buhok nito.
Siniko naman ni Bermudo si Peralta dahil sa paghaplos ni Drian sa buhok ni Kathryl.
"Medyo okay na." nanghihinang ngumiti si Kathryl. "Ang ingay niyo." dagdag pa niya.
"So si Placido nga iyong crush mo?!" pasigaw na ta tanong ni Alexa kay Kathryl kaya naman nagtawanan ang ilan sa kanila.
"What? Hindi ko siya crush!" Kathryl denied.
"Huwag mo talaga maging crush 'to si Placido dahil may girlfriend na ito." prangkang sabi ni Alexa.
"We all know pero huwag mo sanang ulitin pa dahil may masasaktan! Hindi pa nga nagsisimula eh natapos na." tumawa si Shakila at sumunod naman ang iba.
"See? My girlfriend na iyong tao so tigilan niyo na ang panunukso sa amin!" asar na sabi ni Kathryl. Hindi niya alam kung bakit biglang nawala iyong mood niya.
Biglang nag ring iyong phone ni Placido kaya naman sa kanya natuon iyong attention nilang lahat. Placido threw a glance to Kathyrl bago siya nag excuse sa kanilang lahat at lumabas.
When Placido is out-of-sight, Kathryl sighed.
"Baka tumawag girlfriend. You know, priorities?" pang-aasar ni Alexa kay Kathryl na nakasimangot na ngayon.
BINABASA MO ANG
PLACID LOVE
Teen FictionBryan Bermudo : Pero bakit 'yun ang condition? Bakit kailangan ikasal ka sa anak o pamangkin nila? Placido Peralta : Because they know na I am a trustworthy guy and the right guy for Kathryl. Bryan Bermudo : Oh. Kathryl is the name. Alam ba nong Ka...