22

11 0 0
                                    

Lumipas na ang 15 minutes at hindi pa rin damadating ang PE teacher nila Bryan at Placido. Nasa may likuran sila nakaupo, magkatabi sina Bryan at Placido habang nasa likuran naman ni  Bryan si Spade.

Tahimik lang na nagmamasid si Placido sa kanyang mga kaklase habang si Bryan naman ay dada ng dada sa tabi niya. Si Spade naman ay busy sa paglalaro ng mobile legends sa kanyang likuran. Wala silang masyadong kilala sa kaklase nila dahil halos taga CBA department ito. Nakaka-OP kumbaga.

"Magpalit kaya tayo ng time? Nakaka-OP eh!" daldal na naman ni Bryan.

"Mabuti sana kung kaklase natin sina Alexa dito! Masaya sana!" dagdag pa niya.

"Andito na tayo, panindigan na natin! And besides, mabuti nga ito may mga kaibigan tayong mga business minded." sabat naman ni Spade sa likuran.

"Lagpas 15 minutes na. Hindi na iyon papasok si Ma'am." sabi naman ni Placido habang nakatingin sa kanyang relo.

"Ano? Sibat na tayo?" tanong ni Bryan.

"Tatapusin ko muna 'to!" sabi naman ni Spade na nasa cellphone lang ang atensyon.

"Shit!! Sorry Ma'am I am late!"

Lahat sila napalingon sa babaeng kakarating lang. Hinihingal ito at mukhang galing pa ito sa pagtakbo. Yung mahabang buhok ng babae ay magulo na at yung iba pang hibla ng kanyang buhok ay nasa mukha na niya. Yung mga kamay niya ay nakahawak ng mahigpit sa strap ng kanyang pack bag. The girl looks like shit.

Umangat ang gilid ng labi ni Placido habang nakatingin sa babae. Nakakatawa kasi ang itsura nito! Lahat ng nasa room ay nagtawanan dahil sa naging grand entrance ng babae. Nang marealize ng babae na wala pa ang teacher at hindi pa siya late, agad na namula ang kanyang mukha. Narealize din niya kasi ang kahihiyang natamo.

"Shit!" mura ng babae sabay lapit sa kanyang kaibigan na lalake na halos mahulog na sa upuan kakatawa.

"Shit ka talaga! Sabi mo nag quiz agad si Ma'am!" the girl shouted. Never minding her other classmates.

Sinapak niya ang lalake gamit ng kanyang kamay. Sinabunutan pa niya ito pero hindi pa rin talaga tumigil ang lalake sa kakatawa. Pati ang iba nilang kaibigan, inaasar pa rin siya.

"Mukha kang tanga!" mas lalong tumawa ang lalake sabay pakita sa kanyang cellphone na naglalaman ng picture ng babae.

Kinuhanan niya kasi ang babae ng picture at video para may pangblackmail siya.

"She is cute! Pamilyar din siya." sabi ni Bryan kay Placido.

"Mukha siyang tanga." tumawa si Placido ng mahina.

"Grabe ka!" natatawa na sabi ni Bryan.

"What? Totoo naman. Hindi lang siya mukhang tanga, mukhang uto-uto pa siya." sabi pa ni Placido.

"Grabe ka, Placid! Napakajudemental mo ah!"

Napatingin ulit si Bryan sa banda ng babae. Nakaupo na ito pero nakasimangot pa rin ito. Pamilyar kasi talaga siya. Saan niya ba ito nakita? Baka friends niya sa facebook?

"Quit staring. Baka matunaw." seryosong sabi ni Placid na siyang ikinatawa ni Bryan.

"She is really familiar. Hindi ko lang matandaan kung saan ko siya nakita."

"Sus. Baka crush mo?" sabat ni Spade without breaking eye contact on his cellphone.

"Hindi na iyon dadating si Ma'am!"

Nagsitayuan na sila at isa-isang lumabas sa room. The girl is still pissed dahil sa kahihiyan na natamo. Nakakainis dahil palagi nalang siyang pinaprank ni Drian! Padabog siyang tumayo at inis na binalingan si Drian na natatawa pa rin.

"I hate you." sabi niya na pero mas lalo pang lumaki ang ngiti ng lalake.

"No, you don't." pang-aasar nito.

"I really hate you, Andrian Amores!" sigaw nito bago magwalk-out.

"Hala ka Drian, ginalit mo si Kathryl." sabi ni Ellie, isa sa mga kaibigan nila.

PLACID LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon