50

5 0 0
                                    

Nakatingin pa rin sina Spade at Bryan kay Shakila na kakaahon lang sa swimming pool. Nagwarm-up kasi sila bago magsimula ang swimming class tsaka hinihintay pa rin nila Shakila ang ibang estudyante na dumating.

"May boyfriend na siguro iyan." Si Spade na hindi man lang inaalis ang tingin kay Shakila.

"Sa ganda pa naman niya? Mukha nga, Spade." Si Bryan naman ngayon sabay buntong hininga.

"Tss. Itigil niyo na iyang kahibangan niyo." Si Placido na sa labas lang ang tingin.

Napalingon naman si Bryan kay Placido at napansin niyang sa may gate ito nakatingin. An evil grin formed into Bryan's lips.

"May hinihintay ka ba, Placido?" Si Bryan na hindi na maitago ang ngisi.

Kunot-noo namang nilingon ni Placido si Bryan.

"Wala. Masama na bang tumingin sa gate?" pagsusuplado ni Placido.

"Wala naman akong sinabi. Pero alam mo naman si Kathryl, hindi iyon dumadating on time." Bryan chuckled.

"I did not ask about Kathryl. Nagsisimula kana naman, Bermudo." asar na sabi ni Placido.

"Okay! Okay! Sorry!" sabi ni Placido sabay tingin sa babaeng kakarating lang.

Nakaangkas ito sa motor nong Amores. May isa pang motor ang dumating at nakasakay dito sina Ellie, Chess at nanlaki ang kanyang mga mata ng makita niya si Vida na kasama nila! 'Yung crush number 1 niya!

"Grabe kang makayap sa akin, Kathryl ha! Chansing!"

Napatigil si Placido nang marinig ang mga papalapit na boses. Sinamaan niya agad ng tingin si Bryan dahil na sa kanila na naman ang atensyon nito at paniguradong manunukso na naman ito.

Simula kasi nang malaman niya na Kathryl is his future wife, mas lalo lang niyang gustong mapalayo sa babae. Hindi pa rin siya makapaniwala na classmate lang niya pala ang babaeng mapapangasawa niya. Sobrang small world talaga.

"Hindi kaya ako yumakap sa'yo! Ang assuming mo naman, Andrian!" nakasimangot na sabi ni Kathryl habang nakatingin kay Andrian.

"Bakit mo naman chinachansingan si Drian, Kathryl?" Si Vida na nakikisali.

Tumawa si Chess at ginulo ang buhok ni Ellie. Inis naman na nilingon ni Ellie sa Chess.

"Bahala nga kayo!" sabi ni Kathryl sabay una maglakad.

Napatawa naman iyong mga kaibigan niya dahil nainis na naman si Kathryl. Ang dali talaga mapikon ng babae.

Napatigil sa Kathryl nang mapagtanto niyang may nakatingin sa kanya. Bigla siyang nanigas nang mapansing nakatingin sa kanya si Placido at ang kaibigan nito. Placido looked away habang si Bryan naman ay ngumiti nang pagkatamis-tamis kay Kathryl.

"Hi, classmate!" he greeted her. Pilit namang ngumiti si Kathryl.

"Hello!" bati niya pabalik tsaka napalingon sa mga kaibigan niyang nasa likuran na makahulugang tumingin sa kanya. Well, except kay Andrian na walang kaalam alam sa nangyayari.

Ngumiti ulit si Kathryl kay Bryan sabay lagpas sa kanya at tumulak paunahan. Agad naman siyang sinalubong ni Shakila.

"Babe!" Si Andrian na tumakbo papalapit kay Shakila kay naunahan niya si Kathryl sa paglapit.

"Chinansingan ako ni Kathryl kanina!" parang batang subong nito.

Napatingin naman sina Spade, Bryan at Placido sa kinaroroonan nila Kathryl.

"Boyfriend niya ba si Amores?" nanlulumong sabi ni Spade.

"Hindi ka pa ba kontento Kathryl at pati si Drian?!" kunwaring galit na sabi ni Shakila.

"Mukhang boyfriend nga niya." malungkot na sabi ni Spade.

"Hindi naman siguro." Si Bryan na sa magkakaibigan ang tingin.

"Head cap ko, Shakila! Siguraduhin mo lang na pagkatapos ng lesson eh marunong na akong lumangoy!" Si Ellie na may pagbabanta.

"Aba demanding, Sha oh!" Si Vida na tumatawa.

"Siguraduhin mo, Shakila ha na may matututunan kami." Si Chess na nang-aasar.

"Wow!" Shakila acted na parang hindi siya makapaniwala. "Don't worry, Chess I will make sure that you monkey will learn how to swim! And for you, Ellie, lagot ka sa akin mamaya!"

Nagtawanan silang lahat.

"Magkakaibigan pala sila.." Si Bryan na iiling-iling.

Napalingon siya kay Placido at nagulat siya nang makitang nakatitig ito kay Kathryl. Aasarin sana niya pero pinabayaan nalang niya.

Ang liit talaga ng mundo!

PLACID LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon