16

11 0 0
                                    

Andrian Amores accepted your message request.

8:27 PM

Andrian Amores : Sino 'to? And why are you interested with Kathryl?

8:46 PM

Grass Berms : Sorry hindi ko pwedeng sabihin ang pangalan ko eh. Pero kasi I am just helping a friend. Sabihin nalang natin na secret admirer ni Kathryl.

Grass Berms : Pero swear bro! I am harmless! Tsaka nasa iisang school lang tayo.

Andrian Amores : How can I be sure na you are harmless?

Grass Berms : Hindi naman ako magtatanong tungkol sa personal information ni Kathryl. Gusto lang naman ng friend ko na malaman yung ugali niya o mga paborito ganun.

Grass Berms : pleaseeeee bro!

Andrian Amores : Hmmm

Andrian Amores : Okay but can you atleast tell me kung saang department ka?

Grass Berms : Taga College of Engineering ako.

Andrian Amores : Okay? So anong gusto mong malaman about her?

Grass Berms : Matagal na ba kayong magkakilala?

Andrian Amores : Wala pang one year pero we're already close.

Grass Berms : hmm pansin ko nga. Palagi kayong magkasabay umuwi right?

Andrian Amores : Sht ang creepy mo. Are you a stalker of Kathryl?

Grass Berms : No! Hinde! Nakakasabay ko kasi kayo sa paghihintay ng tric and napansin ko kayo dahil plagi kayong nagkukulitan. 😂

Grass Berms : Sa gwapo kong 'to? Stalker? Huhuhu! Nakakasakit ka men ah!

Andrian Amores : Ah okay. Makulit kasi si Kathryl. Palaging may naiisip na kalokohan. She's fun to be with.

Andrian Amores : Sa totoo nga she became my happy pill. Stress ako sa accounting subject ko pero kapag uwian na nawawala yung stress ko dahil sa mga kagagahan niya. 😅

Andrian Amores : She's always with me through ups and downs. Kapag down na down ako, palagi niyang pinapalakas ang loob ko. Kaya swerte ang magiging boyfriend ni Kathryl sa kanya.

Grass Berms : wooow ang bait pala ni future wife.

Andrian Amores : Future wife agad? 😆

Grass Berms : By any chance, do you like Kathryl?

Andrian Amores : Yes, I like her but she only see me as a brother. I don't want her to be awkward with me.

Grass Berms : Wala kang balak mag confess sa kanya?

Andrian Amores : Wala. Kahit na palagi kaming inaasar dalawa. Kahit na pinupush kami palagi sa isa't isa. Kahit na napagkakamalan na kami pero paulit-ulit niyang sinasabi na wala talaga. Na magkaibigan lang kami at para lang magkapatid ang turingan namin.

Grass Berms : Awtsuuuu! Heartbreaker pala si Kathryl 🤣

Andrian Amores : Hahahaha

Grass Berms : Paano ba kayo nagkakilala?

Andrian Amores : She don't like me at first dahil akala nya feeling pogi at mayabang ako 😂

Grass Berms : Judgemental pala sya! Hahaha

Andrian Amores : Sobra! 😂

Andrian Amores : Grabe kasi imagination ng babaeng 'yon! 😂

Andrian Amores : Pero Ellie introduced me to her.

Grass Berms : Ellie Dela Cuesta?

Andrian Amores : Kilala mo?

Grass Berms : Cousin nya classmate ko. 😁

Andrian Amores : Ah. Yun. Tpos nalaman namin na magkalapit lang kami nt bahay kaya we decided na magsabay nalang palagi umuwi.

Grass Berms : Hindi ka ba nasasaktan?

Andrian Amores : Nasanay na ako eh. And accept ko na. And besides, she likes someone else :)

Andrian Amores : Kung sino man 'yang secret admirer na 'yan, sana magmadali na sya. :)

PLACID LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon