WED AT 7:43 PM
Bryan Bermudo : HAHAHAHAHAHA
Bryan Bermudo : Placido! Ikaw ah! 😂😂😂😂
Bryan Bermudo : Tssssk tsssk.
Placido Peralta is typing...
Placido Peralta : Ano na naman? 🙄
Bryan Bermudo : Hahahaha hindi pala curious ah! 😂
Bryan Bermudo : Kaya pala busy ka sa phone ko at ayaw mong isauli! 😁
Bryan Bermudo : Ikaw na pala mismo ang nagtatanong tungkol sa future wife mo!
Bryan Bermudo : HAHAHAHAHAHAHA
Bryan Bermudo : Ibibigay ko nalang sa'yo ang password ng dummy account para ikaw na mismo ang magchat 😁😁😁
Placido Peralta : No thanks. 🙄
Bryan Bermudo : kathrylperalta
Bryan Bermudo : Yan ang password! WAHAHAHAHA
Placido Peralta : wtffffff
Placido Peralta : 😬😬😬😬
Bryan Bermudo : Asus! Deep inside kinikilig!!! 😂
Placido Peralta : Itigil mo na yan, Bry. I don't want to be reminded of the future that awaits me. ☹
Placido Peralta : Sa part mo nakakatuwa pero sa part ko hindi. Sige nga kung ikaw nasa sitwasyon ko, malaman mo na may utang kayong sampung milyon at kapalit noon ay ang pagkakatali mo sa babaeng hindi mo kilala papayag ka ba?
Placido Peralta : Kahit na maganda pa yan o sexy o matalino pa pero kung hindi mo naman mahal, useless lang.
Placido Peralta : Ang pagpapakasal ay para sa dalawang taong nagmamahalan.
Placido Peralta : And the situation that awaits me in the future is not easy. Kaya ayaw ko na munang isipin. Gusto ko munang mamuhay ng normal lang. I want to live freely, Bry.
Placido Peralta : Ang kinakatakot ko lang eh along the way makita ko yung babaeng mamahalin ko ng lubos at papakasalan ko. Hays.
Placido Peralta : I hope you understand, Bry.
Bryan Bermudo : Wow
Bryan Bermudo : Lalim nun!
Bryan Bermudo : Sorry, Placid baby! 😭
Bryan Bermudo : Promise hindi ko na babangitin si future wife! 🖐
Bryan Bermudo : Stop na muna ang operation. Huhuhu
Placido Peralta : Thanks, Bry! Kaya mahal kita eh 😘
Bryan Bermudo : Mahal din kita 😍😘
Placido Peralta : Eww hahahaha
Bryan Bermudo : hanap nalang tayo ng chix 😉😂
Placido Peralta : Study first eh hahahaha
Bryan Bermudo : Lul! 🙄
BINABASA MO ANG
PLACID LOVE
Teen FictionBryan Bermudo : Pero bakit 'yun ang condition? Bakit kailangan ikasal ka sa anak o pamangkin nila? Placido Peralta : Because they know na I am a trustworthy guy and the right guy for Kathryl. Bryan Bermudo : Oh. Kathryl is the name. Alam ba nong Ka...