Ang lahat ay nasa activity center na at nakasuot na ng PE uniform. Ngayon kasi ay maglalaro sila ng badminton dahil iyon ang performance task nila para sa prelim. 30% kasi ito sa kanilang grading system.
Nagstre-stretching si Bryan, naglalaro ng ML si Spade at nakaupo naman si Placido at busy sa kanyang cellphone.
"Peralta." tawag ni Bryan kay Placido.
Para itong walang narinig at focus lang talaga sa kanyang cellphone. Placido is busy texting someone.
Napansin naman ni Bryan na busy si Placido at mukhang hindi pa siya narinig nito kaya naman huminto siya sa pagstre-stretching at naglakad papunta sa likuran ni Placido. He wants to see who keeps Placido Peralta busy! Hindi naman siya ganito noon kay Graziella!
Dahan-dahan niyang sinilip ang cellphone ni Placido pero mabilis nitong inoff ang cellphone at nilingon si Bryan na bahagya pang napatalon dahil sa gulat.
"Ginulat mo ako!" sigaw ni Bryan habang hawak ang kanyang dibdib.
"Sino bang may sabi na manilip ka?" tinaasan ni Placido ng kilay si Bryan.
"Sino ba kasi ang babae mo?"
Natawa si Placido dahil sa seryosong pagmumukha ni Bryan.
"Wala." natatawa pa ring sabi ni Placido.
"Anong wala?! Nakita ka ni Spade!"
"You sound like a jealous girlfriend." humalakhak si Placido. Natawa rin si Spade dahil sa narinig.
"So gay, Bermudo!" si Spade na tumatawa.
"Placido! Bakit mo ba itinatago yang babae mo sa amin?" pagpupumilit pa ni Bryan.
"Wala akong tinatago!" tumatawang sabi ni Placido.
"Selosa mo pala, Bermudo!" tumatawa din na sabi ni Spade.
"Meron kang tinatago! May kaholding hands ka! Nakita ka ni Spade!" dinuro pa ni Bryan si Placido.
Nailing lang si Placido. "Ikaw lang talaga, Bryanie" tsaka siya ngumuso kay Bryan.
"Ew! Fuck you, Peralta!"
"I don't fuck boys, Bermudo but I will make you as an exemption." biro ni Placido.
Humagalpak sa tawa si Spade habang si Bryan naman ay umambang susuntukin si Placido pero pinigilan ito ni Placido.
"Ang pikon mo!" tatawa-tawang sabi ni Placido.
"Ganun ha?" asar na sabi ni Bryan tsaka lumingon sa banda nina Kathryl who is now preparing for their turn to play.
"Kathryl!"
Placido's laugh quickly fades. Napalitan ito ng seryosong mukha.
Nagtatakang lumingon si Kathryl sa banda nina Bryan. Bakit siya tinatawag nito? Kilala ba siya nito?
"Uy! May new admirer?" sinusundot sundot pa ni Drian si Kathryl.
Naglakad papalapit si Kathryl sa banda nina Bryan. Napalunok naman agad si Bryan dahil hindi niya inaasahang lalapit si Kathryl! Nilingon niya si Placido na masama na ang tingin sa kanya.
"Bakit mo ako tinawag? Kilala mo ako?" sunod sunod na tanong ni Kathryl at halata pa ang pagkalito sa mukha.
"Ah! Ano kasi may itatanong itong kaibigan ko sa'yo!" nakangising sabi ni Bryan sabay lapit at akbay kay Placido tsaka hinatak papalapit kay Kathryl.
"I am going to kill you, Bermudo. I swear." bulong nito sa kaibigan.
Nilingon ni Kathryl si Placido gamit ang seryosong mukha.
"Ano iyon?"
"Is Fuentabella your surname?" diretsahang tanong ni Placido.
Parehong nagulat si Kathryl at Bermudo sa naging tanong ni Placido. Hindi makapaniwalang tinignan ni Bryan si Placido dahil sa naging tanong nito!
BINABASA MO ANG
PLACID LOVE
Teen FictionBryan Bermudo : Pero bakit 'yun ang condition? Bakit kailangan ikasal ka sa anak o pamangkin nila? Placido Peralta : Because they know na I am a trustworthy guy and the right guy for Kathryl. Bryan Bermudo : Oh. Kathryl is the name. Alam ba nong Ka...