Nalanghap ko agad ang mabangong amoy ng pabango ni Kieran, pagkaupo ko sa bakanteng pwesto. Umakto akong normal kahit na kanina pa ako hindi mapakali sa upuan. Bahagyang kumalma lang ako nang sinimulan ng paandarin ni Manong ang makina ng tricycle.
Palipat-lipat ng tanaw ang mga mata ko. Nariyang tumingin ako sa labas o kaya naman ay pagtuonan ko ng pansin ang itim kong sapatos. I got distracted when I heard the message alert tone of his cellphone. Nagpatay-malisya lang ako pero sa gilid ng mga mata ko ay nabasa ko 'yong pangalan na Baby sa kararating lang na mensahe sa Inbox niya. I bit my lower lip.
Hindi ko na lang namalayan na kinukuha ko na lang din 'yong cellphone ko sa loob ng aking shoulder bag. Nagdesisyon akong i-text si Nanay upang ipaalam na pauwi na ako sa staff house.
Habang nagtitipa ako ng mensahe ay hindi ko mapigilang tanawin 'yong natanggap na text message ni Kieran. Sobrang magkadikit kasi 'yong tagiliran namin kaya mababasa ko talaga 'yong nasa screen ng cellphone niya. Mabuti na lang at hindi naman niya napansin ang pagiging Maritess ko.
Bakit ba hindi ka sumama sa amin? Mag-sleep over kami kina Arnie. Hindi ko alam kung saan ka pumunta basta ang sabi ni Drake nagpaalam ka na raw sa kanila na uuwi ka na. Pero ang sabi ni Cyril wala naman daw tao ngayon sa apartment n'yo kasi lahat sila ay sumama kina Arnie.
Pagkabasa ko noon ay tinuon ko ng muli ang buong atensyon ko sa tangan kong cellphone. Binuksan ko 'yong Facebook App pagkaraan ay nag-browse na lang ako sa Newsfeed.
Dinig ko ang paghigit ni Kieran ng isang malalim na buntong hininga. Hindi na niya nireply-an ang text na iyon ni Kylie. Kung totoo nga 'yong narinig ko kanina kina Stella, ibig sabihin ay magkaaaway nga sina Kieran at Kylie ngayon kaya't hindi na nagawang magpaalam ni Kieran kay Kylie. Hindi rin siya sumama sa lakad nito.
Limang minuto lang naman ang layo ng terminal mula sa staff house pero pakiramdam ko ay ilang oras na kaming nakaupo rito sa loob ng tricycle. Tila namamanhid na nga 'yong kaliwang braso ko na kanina pa nakadikit sa braso ni Kieran.
Ilang beses na rin naman akong nagkaroon ng crush noon pero bakit pakiramdam ko ay kakaibang damdamin 'yong nararanasan ko ngayon. This foreign feeling is making me agitated.
Mabuti na lang at narating na namin ang gate ng staff house. Maagap akong bumaba at kinuha 'yong coin purse ko. Kinse pesos isang tao ang bayad. Pagkaabot ko kay Manong no'ng bayad ko ay mabilis na akong naglakad papasok ng brown na gate. Ilang saglit pa napansin kong nakasunod ng paglalakad sa akin si Kieran.
May kinuha siyang susi sa loob ng backpack niya at binuksan 'yong unit ni Kylie. Mayamaya ay pumasok na rin ako sa loob ng unit ko.
Kanina pa ako nakahiga rito sa kama pero hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Naglalaro kasi sa isip ko 'yong nangyari kanina. Bakit kaya roon sa unit ni Kylie umuwi sa Kieran? Alam naman niya na hindi rito uuwi si Kylie ngayon? Hangggang sa makatulugan ko na lang ang mga iniisip ko.
Bandang alas diyes ng umaga ko naisipan na pumunta ng karinderya kung saan ako kumakain ng agahan. Magte-take out na lang ako ng kanin at ulam na menudo na kakainin ko mamayang alas tres ng hapon.
Pagkasara ko ng pinto ng unit ko ay natanaw ko si Kieran na papalabas ng gate ng staff house. Nakasuot siya ng isang puting t-shirt at itim na pantalon. Mabuti na lang at nakasakay na siya ng tricycle nang makalabas ako ng gate.
Alam kaya ni Kylie na roon sa unit niya natulog si Kieran kagabi?
I just shrugged with that thought. Ilang sandali pa ay may nagdaan ng tricycle. Agad ko itong pinara at nagpahatid sa karinderya.
Habang namimili ako ng oorderin na pagkain ay naagaw ang pansin ko sa isang babae na kasalukuyan ngayong kumakain sa kalapit lamesa. Si Kylie! Mag-isa lang siya roon sa pang-apatang lamesa. Mukhang kakaumpisa niya pa lang sa pagkain. Kaagad akong umorder ng sinangag, sunny side-up egg at Maling.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RomanceMahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng relasyon n'yo tila ba lagi ka na lang ikukumpara sa nauna. Paano mo ipaparamdam sa kanya ang wagas mon...