I was totally lost for words. Sino ba naman ang hindi magugulat? Isang ordinaryong araw lang naman ito at abala ako sa aking pagtatrabaho pagkatapos 'yong anak ng boss ko biglang nagpakita ng interes sa 'kin?
Napapatingin na rin sa direksyon namin ang iba naming kasamahan sa trabaho. Parang gusto ko na lang tuloy lumubog dito sa kinauupuan ko.
"Ahm. Wala naman, Sir... Kaso hindi ba ako nakakaistorbo sa inyo, Sir. I mean... Baka mamaya may iba pa kayong "importanteng" gagawin."
Sinigurado ko talaga na ma-highlight ko sa kanya 'yong salitang "importante."
Sino ba naman ako para pag-aksayahan niya ng oras at gas?Sa kabila ng pagtataka ko ay seryosong mga mata ni Sir Gabby ang pirming nakatuon sa akin.
I heard him chuckled a bit.
"I'm free, Scarlet. Wala akong ibang gagawin." His quick and straightforward reply.
Napaawang ang bibig ko. Paano na 'to? Seryoso pala talaga siya na ihahatid ako!
Napalingon ako sa gawi ni Glaiza. She shaped her mouth into double letter "o" and kept wiggling her eyebrows.
Tila ba gusto niya na pumayag na ako. Hindi ako makatingin ng diretso kay Sir Gabby. I tried to compose myself before I spoke.
"Sige po, Sir." Tanging nasabi ko.
Isang malapad na ngiti ang isinukli ni Sir Gabby pagkaraan ay nagpaalam na siyang babalik sa kanyang opisina.
Pagkaalis ni Sir Gabby ay isang mahinang kurot ang iginawad sa akin ni Glaiza sa tagiliran. "Ang haba-haba naman ng buhok nitong kaibigan ko. Ibang level ka sis! Akalain mo 'yon, anak pa ng boss natin ang nabighani ng alindog mo!"
Halos mamula ang pisngi ko sa sinabing iyon ni Glaiza. Napalinga-linga tuloy ako sa mga katabi naming lamesa. Medyo malakas din kasi ang pagkakasabi niya noon.
"Basta kapag naging boyfriend mo si Sir Gabby baka naman..."
Napakunot ang noo ko sa huling sinabi niya.
"Baka naman pwedeng mag-request ng salary increase sa kanya. Alam mo na ang mahal na ng mga bilihin!"
Hindi ko mapigilan na mapangisi sa sinabing iyon ni Glaiza.
"Baliw! Ihahatid lang naman ako. Malay ko ba baka mamaya hindi lang ako ang dinidiskartehan no'n."
***
Paglabas namin ni Glaiza sa exit ay natanaw namin sa di kalayuan si Sir Gabby. He waived at us.
Nagpalit na siya ng damit. Kanina kasi ay naka asul na polo siya at cream na slacks. He is wearing a black t-shirt and dark blue pants.
Agaw-atensyon tuloy kami sa ibang kasamahan ko sa trabaho sa Club DC. Inaya niya rin si Glaiza na sumabay sa sasakyan niya pero tumanggi ang kaibigan ko at sinabing susunduin siya ng asawa niya.
Kimi akong nagpatianod kay Sir Gabby papuntang parking lot kung saan nakaparada ang kanyang sasakyan. Hindi na ako nagulat ng isang silver na Range Rover ang gamit niyang sasakyan.
Maingat niyang ibinukas ang pintuan ng front seat. Sumakay na ako sa loob. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na purihin ang interior ng kanyang sasakyan. Unang beses ko lang kasing makasakay sa ganitong kamahal na sasakyan.
"Thanks for letting me drive you home, Scarlet!" magiliw na saad ni Sir Gabby pagkaupo niya sa driver's seat. He smiled charmingly. Lumitaw tuloy ang mapuputi at pantay-pantay niyang mga ngipin.
Tinulungan niya ako sa pagsuot ng seatbelt ko. Mas naamoy ko ang kanyang pabango nang mas magkalapit kami.
"You said earlier that you also stay at the staff house?"
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RomansMahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng relasyon n'yo tila ba lagi ka na lang ikukumpara sa nauna. Paano mo ipaparamdam sa kanya ang wagas mon...