Ilang minuto akong pirming nakatitig lang kay Kieran habang mahimbing siyang natutulog sa ibabaw ng aking kama. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa akin ang naganap.
Hinalikan niya ako! I chanted that to myself for several times.
Napahawak pa ako sa aking bibig dahil dito. Nakadikit pa naman pala 'yong bibig ko sa mukha ko! Akala ko kasi ay natanggal na ito dahil sa rahas nang paraan ng paghalik ni Kieran sa'kin kanina.
Ilang sandali pa ang lumipas bago ako nakabalik sa aking ulirat. Hinubad ko 'yong rubber shoes ni Kieran para mas maging kumportable siya sa pagtulog.
Saan naman pala ako matutulog nito? Naguguluhan na ako sa aking gagawin. Hindi naman pwede na tabihan ko si Kieran sa kama ko. Baka mamaya ay mapagkamalan na naman niya na ako si Kylie dahil sa sobrang kalasingan. Baka hindi lang paghalik ang gawin niya sa akin.
Mabuti na lang at may nakita akong banig sa isa sa mga cabinet. Iniwan siguro ito no'ng dating boarder dito. Mayroon naman akong extra na unan at kumot. Nag-shower muna ako bago matulog.
Iyon nga lang ay ayaw akong dalawin ng antok. Hindi na kasi mawala sa isip ko 'yong ginawang paghalik ni Kieran sa'kin. Baka nga isang linggo kong isipin ang tungkol dito.
Hindi ko maitatanggi na kinikilig ako sa nangyari. I already admitted that to myself. Crush ko talaga si Kieran! Sino ba ang hindi kikiligin kung mahahalikan ang crush nila?
However, there is a voice inside me that kept on reminding me that I should not give myself a false hope. Huwag kang hopia, Scarlet! Walang gusto sa'yo si Kieran! Inakala lang niya na ikaw si Kylie kaya ka niya nagawang halikan.
***
Pupungas-pungas pa ako habang dahan-dahang idinidilat ang mga mata. Nakaramdam ako nang bahagyang pagsakit ng likod epekto nang matagal kong paghiga rito sa banig. Ilang beses pa akong humikab bago tuluyang iminulat ang mga mata.My mouth dropped open when I saw Kieran sitting on a monobloc chair. Mukhang kanina pa siya nakaupo roon at hinihintay akong magising.
Bigla tuloy akong na-conscious sa aking itsura. Baka mamaya ay may tulong laway pa ako. Kaagad akong tumayo at dumiretso sa cr. Naghilamos muna ako at nag-toothbrush bago muling lumabas.
"Pasensya ka na kung tanghali na ako nagising," maagap kong sabi.
He raised an eyebrow. May bahid ng pagtataka sa paraan ng pagtanaw niya sa akin.
"Ah, naabutan kasi kita na nakasalampak doon sa harap ng unit ni Kylie. Naawa ako sa kalagayan mo kaya't naisip ko na rito ka muna dalhin," wika ko. Kalmado niya akong tinanaw habang pinapakinggan.
"Ginigising kita kaso sobrang lasing mo na talaga kaya naisip ko na rito ka na lang sa unit ko patulugin."
Marahan siyang tumango pagkaraan ay hinilot ng isang kamay ang kanang sentido.
"Salamat. Sobrang nalasing talaga ako kagabi." He talked in baritone. Napaawang ang labi ko pagkarinig sa "manly" niyang boses. Dahil doon ay nabuhay na naman ang mga kulisap sa loob ng aking tyan.
Ekeshe nemen kresh ke she eh!
I tried to calm myself. Scarlet, kailangan 'yong kaswal lang at huwag masyadong halata!
"Gusto mo ba ng kape o tsaa?" kuryoso kong tanong habang pinupuno ko ng tubig 'yong electric kettle.
Kieran made eye contact with me. "Coffee is fine."
Pinagdiin ko ang mga labi ko bago iayos ang pagkakasaksak ng electric kettle sa ibabaw ng kitchen counter.
Naupo ako sa upuan na katapat ni Kieran. Naging tahimik ang atmosphere sa pagitan namin. Naiilang pa din kasi ako dahil sa nangyaring kissing incident saming dalawa.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RomantikMahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng relasyon n'yo tila ba lagi ka na lang ikukumpara sa nauna. Paano mo ipaparamdam sa kanya ang wagas mon...