Chapter 6 - Drunk

91 12 1
                                    

Hanggang sa makauwi ako ng staff house ay na-occupied na naman 'yong utak ko ng tungkol kina Kieran at Kylie. Napaisip tuloy ako kung bukod kaya sa aming dalawa ni Glaiza ay may iba pa kayang nakakita na may sumundo kay Kylie na naka-Ferrari kagabi.

Imposible kasi na hindi iyon makarating kay Kieran kung may nakakita man. Malamang hindi na susuyuin ni Kieran si Kylie kung malalaman niya 'yon. Unless, na lang na totoo talaga 'yong sinasabi ni Glaiza na martir itong Kieran!

Doon ako nagpababa sa tapat ng 7-11; hindi ito kalayuan mula sa staff house. Bumili muna ako ng malamig na Coke in can at Siopao. Pagdating ko ng unit ko ay kaagad kong ininom 'yong Coke. Sobrang init na talaga ng panahon. Kailangan ko ng bumili ng electric fan. Tinodo ko na lang 'yong pagkakabukas ng mga bintana ng unit ko.

Pagkaraan ay nagtipa ako ng text message para kay Hannah.

Samahan mo ako bukas. Mamimili ako ng ilang gamit para sa unit ko.

Siguro ay pauwi pa lang din si Hannah sa apartment niya. Magre-reply naman agad 'yon pagkabasa sa text ko. Kinain ko muna 'yong binili kong Siopao bago ako naligo.

Habang nagpapatuyo ako ng buhok ay naisipan kong kuhanin 'yong laptop ko. Napanalunan lang ito ni Nanay sa pa-raffle sa palengke noon kaya naman sobrang ingat na ingat ako. Gamit na gamit ko ito no'ng college ako. Bukod sa mga school works ay dito ko rin sinusulat 'yong mga fictional stories na naiisip ko. Nagsimula akong magsulat ng nobela noong highschool. Sa computer laboratory ng eskwelahan ko lang naita-type ang mga ito dahil wala pa naman akong laptop noon. Minsan naman ay sa notebook ko na lang isinusulat 'yong mga istorya na naiisip ko.

The Heir

Ilang beses ko ng pinalitan ang title nang istorya na sinusulat ko. Ito talaga ang weakness ko as a writer. Ewan ko ba, kakaisip ko sa masalimuot na love story nina Kieran at Kylie ay matatapos ko na yata 'yong plot ng nobelang sinusulat ko.

Hindi ko namalayan na inabot na ako ng alas singko ng madaling araw kakatipa sa laptop ko. Halos dalawang chapter ang natapos kong sulatin.

Mga bandang alas diyes ng umaga ako nagising. Gaya ng nakasanayan ay rito ako ulit kumain sa suki kong kainan. Tapsilog at orange juice ang inorder ko. Matatapos na akong kumain nang matanaw kong papalapit sa kinauupuan ko sina Kiearan at Kylie. Magkahawak ang kamay nilang dalawa. Isang matamis na ngiti ang iginawad sa akin ni Kylie nang matanaw ako.Lumitaw na naman ang kanyang kaputian sa suot na pink spaghetti strap blouse at maong shorts. Si Kieran naman ay nakasuot ng khaki cargo pants at puting t-shirt.

"Hi,Scarlet! Kanina ka pa ba rito?" masigla niyang tanong sa akin. Maagap naman akong tumango.

"Oo, patapos na akong kumain. Kung gusto n'yo ay rito na lang kayo maupo sa pwesto ko," pag-aalok ko sa kanilang dalawa. Napansin ko kasi na halos wala ng bakanteng lamesa sa mga oras na ito.Kaagad na rin akong tumayo pagkatapos kong lagukin ang natitirang lamang juice ng aking baso.

Kapansin-pansin ang masiglang awra ni Kylie ngayon. Hindi ako sigurado kung doon ba sa unit ni Kylie natulog si Kieran kagabi pero sa kilos nilang dalawa ay mukhang maayos na ang relasyon nila.

***

Natuon ang buong maghapon ko sa pamimili namin ni Hannah ng gamit para sa unit ko. Nakabili na ako ng dura box, kalan, at electric fan. Sa susunod na sahod na lang ulit ako bibili ng iba ko pang gamit. Nakapagpadala na rin ako kay Nanay kanina ng pera sa Palawan.

Pagdating ng Lunes, kapansin-pansin na si Kylie naman ang absent sa gig nila. Kasalukuyang kinakanta ni Kieran ang awiting"I could not ask for more" ni Edwin Mccain. Gaya ng dati, mararamdaman mo talaga ang emosyon sa paraan ng pag-awit niya.

Kaya't hindi na nakapagtataka kung usap-usapan na naman sa locker area sina Kieran at Kylie.

"Hindi nga raw nag-file ng leave!" Rinig kong saad ni Harvey. Tahimik lang na nakikinig sa kanya sina Stella, Janice at Kenneth.

"Mukhang in good terms na naman sila. Bakit naman kaya biglang umabsent si Kylie?" si Janice naman.

Ibig sabihin hindi pala nagpaalam si Kylie sa management ng Club DC ngayong araw. Medyo mahigpit pa naman sa attendance si Sir Christopher sa aming mga empleyado. Lalo na siguro sa mga regular performer nitong restobar.

Ipinagkibit-balikat ko na lang ang tungkol doon. Pagkauwi ko sa staff house ay napansin kong nakapatay ang ilaw sa unit ni Kylie. Kahapon naman ay nakita ko pa silang magkasama ni Kieran. Napaisip tuloy ako. Nasaan na kaya ngayon si Kylie?

Bago ako pumasok sa trabaho kinabukasan ay napansin kong wala pa ring tao sa unit ni Kylie. Ibig sabihin ba ay kahapon pa siya hindi umuuwi?

Bukas pa ulit ang gig ng The Velvet Band sa Club DC, baka naman pumasok na si Kylie.

Pero nakakapagtaka na wala pa rin si Kylie pagsapit ng Miyerkules. Kapansin-pansin sa performance ni Kieran ang pagiging malungkot niya. Mararamdaman mo 'yon sa paraan ng pag-awit niya sa kantang "Here without you" by Three Doors Down. Ibig sabihin ba ay magkaaway na naman silang dalawa? Ang nakakapagtaka lang ay imbes na si Kieran ay si Kylie naman ang umabsent kung totoo man na may LQ silang dalawa.

Gaya ng inaasahan ay laman na naman ng usap-usapan sa locker area ang issue sa lovelife nina Kieran at Kylie.

"Tatlong araw na ngang hindi umuuwi sa unit niya!" utas ni Janice. Kuryosong nakikinig sa sinasabi niya sina Stella, Harvey at Kenneth.

"Wala nga raw may alam sa mga kabanda niya kung saan siya nagpunta!" Medyo kinabahan ako sa huling sinabi na iyon ni Janice.

Kung nawawala si Kylie bakit kaya hindi nila ireport iyon sa mga pulis.

"Hmm. Hindi kaya ibinahay na siya noong negosyante?" palatak ni Stella. Halos magpanting naman ang tainga ko sa narinig.

"Marami nga raw nakakakita na may sumusundo kay Kylie na naka-Ferrari!" I was taken a back from what I heard from Janice. Ibig sabihin bukod sa amin ni Glaiza ay may iba pa palang tao ang nakakita sa pagsundo kay Kylie noong naka-Ferrari.

"Kawawa naman pala si Kieran!" sambit ni Kenneth habang bahagyang ginugulo ang nakapusod na buhok ni Stella. Kaagad namang tinukso nina Harvey si Stella.

"Pagkakataon mo na 'to, Stella! Mukhang broken-hearted ngayon 'yong ultimate crush mo!"

Bahagya akong nakaramdam ng panghihina dahil sa narinig. Naawa kasi ako bigla kay Kieran. Noong isang araw lang kasi ay binigyan pa ni Kieran si Kylie ng bulaklak pagkatapos nakita ko pa silang masayang magkasama noong Linggo.

Medyo late na kami nakapag-out ngayong gabi. Nagpatawag muna kasi ng meeting si Sir Gabrillo bago kami umuwi tungkol sa bagong memo na galing sa Management.

Mga 3:30 AM na ako nakarating ng staff house. Napipikit na 'yong mga mata ko dahil sa antok. Sa kabila noon ay hindi nakaligtas sa mga mata ko ang presensya ng isang lalaki na nakasalampak ng upo sa harap ng unit ni Kylie.

Kuryoso ko siyang tinanaw. Medyo madilim sa parte na kinalulugaran niya dahil patay pa rin ang mga ilaw sa unit ni Kylie. Kaagad akong lumapit doon.

Napaawang ang bibig ko nang mamukhaan ko kung sino 'yong taong nakasalampak. Si Kieran!

Umupo ako upang mas maanigan ang itsura niya. Nakasuot siya ngayon ng itim na t-shirt at dark blue na pantalon. Nakasuot pa 'yong puting rubber shoes niya. Nang bahagyang lumapit ako sa kanya ay naamoy ko ang matapang na singaw ng alak sa kanyang katawan.

Pirming nakapikit lang ang mga mata niya. Sa itsura niya ngayon ay sadyang maaawa ka sa kalagayan niya. Malamok pa naman dito sa labas ng staff house at mukhang kanina pa siya nakasalampak sa labas ng pinto ng unit ni Kylie.

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon