Iilan na lang ang gising sa mga sandaling ito sa kabuuan ng resort. Iyong iba ay inuubos na lang 'yong natirang alak sa bote na nasa lamesa nila. May ilang lasing din akong nakita na roon na sumubsob sa pinag-inuman nilang mesa para matulog.
Doon pa sa kabila no'ng swimming pool ang room namin ni Glaiza. Kapwa kami tahimik ni Kieran habang naglalakad.
Pagdating namin sa tapat ng pinto ay hinubad ko 'yong pinahiram na jacket sa akin ni Kieran kanina at inabot ko ito sa kanya.
"Salamat nga pala ulit dito," wika ko. Tinanggap niya ito pagkatapos ay agad akong nginitian.
"You're welcome. Mauna na ako, Scarlet. Kita na lang tayo bukas sa program," aniya. Sumilay na naman ang isang nakakabulag na ngiti sa kanyang labi.
"Sige, Kieran. Salamat din sa paghatid."
***
Mag-uumaga na ay hindi pa rin ako dinadalaw ng antok. Hindi pa rin kasi nag-si-sink in sa akin na nagkaroon ng chance na magkausap kami ng personal ni Kieran kagabi.
"And we're getting to know each other a little too well..."
Hindi ko mapigil na kantahin iyon sa isip ko. But at the back of my mind ay pilit ko pa rin na pinapaintindi sa sarili ko na baka nga wala lang 'yon kay Kieran. Crush ko kasi siya, kaya nabibigyan ko ng kung anong kahulugan.
Wait lang, iyong jacket niya bakit nga ba binalik ko agad? Baka dapat nilabhan ko muna?
I was overthinking that whole dawn. Paano nga ba ako makakatulog nito?
Alas siyete y media ata 'yon nang marinig ko ang pagtawag sa akin ni Glaiza. Sobrang bigat pa rin ng ulo ko. Pinauna ko na lang siya sa dining hall dahil hindi ko pa talaga kayang bumangon.
Kaagad akong nag-shower pagkagising ko. Pagkabihis ay kaagad kong tinignan ang aking cellphone. Alas onse na pala. Nag-browse ako kaagad sa Inbox. May text message ako galing kay Nanay at Glaiza.
Anak, kamusta ang outing n'yo?
Sis, nag-swimming kami nina Leo. Sumunod ka na lang sa 'min
Napahigit ako ng isang malalim na buntong hininga. May inaasahan kasi akong matanggap na text.
Huwag kasi masyadong hopia, Scarlet! Bakit ka naman ite-text ni Kieran, aber?
May water dispenser sa labas ng room namin. Kumuha ako ng mainit na tubig gamit ang styro cup upang makapagtimpla ng kape. Mamayang hapon na lang siguro ako makakapag-swimming. Masyado na kasing nakakapaso ang init ng araw kung maliligo ako makapananghali.
Bandang alas dose nang bumalik si Glaiza sa room namin. Sumabay na ako sa kanya sa pagkain ng lunch sa dining hall. Hindi ko mapigilan ang sarili ko na suyurin gamit ang mga mata ang kabuuan ng dining hall habang kumakain. Pero hindi ko nakita si Kieran at mga bandmates niya.
"Ang tagal mo nga pala nakabalik kagabi, sino ang kasabay mong umuwi?"
Napatigil ako sa pagkain sa tanong na iyon ni Glaiza.
"Ah sina Stella," pagsisinungaling ko. Ayoko na rin kasi na i-interrogate niya pa ako kung ike-kwento ko na si Kieran ang naghatid sa akin.
Sa buong maghapon na iyon ay hindi ko nakita si Kieran. Bandang alas kwatro ng ayain kong mag-swimming si Glaiza. Kahit dito sa beach ay palinga-linga ako sa paligid ngunit kahit anino ni Kieran ay wala akong nakita.
Alas sais ng gabi nang simulan ang hinandang program. Dapat yata ay tanghali iyon pero pinapalitan yata the last minute ni Sir Christopher dahil mainit.
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RomanceMahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng relasyon n'yo tila ba lagi ka na lang ikukumpara sa nauna. Paano mo ipaparamdam sa kanya ang wagas mon...