Kaagad na lang din akong tumango kay Kieran. Tumayo na siya upang magpa-refill ng iced tea namin.
Habang nakatalikod siya ay napaisip tuloy ako kung hindi ba nagustuhan ni Kieran 'yong plot no'ng kwentong sinulat ko. Wala man lang kasi siyang naging reaksyon. Pagkabalik niya sa pwesto namin ay hindi ko mapigilan ang sarili ko na tanungin siya tungkol dito.
"Ano'ng masasabi mo do'n sa story? Interesting ba?"
Napasulyap muna sa akin si Kieran bago uminom ng iced tea mula sa kanyang baso.
"Yeah, it's good!"
Napatikhim ako.
"Sa tingin mo pang-mainstream movie ang datingan?" Maagap naman siyang tumango.
"The fact na napili ito ng Sky Cinema, it only means that they saw potential in your story, Scarlet!" I smiled cheerfully afterwards.
"Salamat. Alam mo kung papalarin na magiging pelikula nga 'yong story ko malaking tulong talaga 'yon sa pamilya ko. Iyong kalahati ng kikitain ko ibibigay ko kina Nanay. Pagkatapos 'yong matitira naman ay iipunin ko para makabalik na ako ulit sa pag-aaral."
***
Sabado na ngayon. Namimili kami ni Kieran ng groceries dito sa Puregold. Nagsabi kasi siya sa 'kin na sasamahan daw niya ako sa pagbisita sa pamilya ko sa Bulacan. Ito rin kasi ang unang beses na ipapaalam namin sa mga magulang ko na nililigawan na niya ako.
Kakasweldo din kasi namin kahapon kaya maging si Kieran ay namili rin ng groceries para kina Nanay gaya ng mga de lata at noodles.
"Papasa kaya ako sa Tatay mo?" Napalingon ako sa gawi ni Kieran. Naglalakad na kami ngayon papuntang parking lot habang bitbit 'yong mga pinamili namin.
He looked agitated. Mukhang kanina pa siya kinakabahan.
I made a short laugh. "Huwag ka ngang kabahan dyan. Nakilala mo na naman ang Tatay ko. Mabait naman siya sa 'yo di ba?"
"Syempre iba na ngayon. Manliligaw mo na ako. Kailangan ba ipagsibak ko kayo ng kahoy?" Napatawa tuloy ako nang malakas ng dahil sa sinabi niya.
"Kieran, may LPG tank kami sa bahay! Just be yourself, okay? Huwag ka ng masyadong kabahan!"
Gaya nga ng inaasahan ko ay hindi na naman nagulat si Tatay nang magsabi si Kieran sa kanila na nililigawan na niya ako. Kasalukuyan kaming kumakain ng tanghalian nang sabihin niya iyon kay Tatay.
"Hijo, unang pagkikita pa lang natin magaan na ang loob ko sa 'yo," si Tatay.
"Alam kong nasa mabuting kamay ang anak ko," dugtong pa niya.
"Pagpasensyahan mo na nga lang 'yan, Kieran. Minsan kasi ay may saltik din 'yang batang 'yan!" Halos mamula ang mukha ko sa sinabing iyon ni Nanay.
"Nay, ano ba?!" Nginusuan ko si Nanay na katapat ko sa hapag. Napangisi lang si Kieran na nakaupo sa gilid ko.
"Pero mabait 'yang anak ko. Minsan lang talaga toyoin! Pero mabait talaga 'yan!"
Sa totoo lang sa tuwing pumupunta rito si Kieran sa bahay ay sobrang at home 'yong pakiramdam nila ng pamilya ko sa isa't isa. Nagkakasundo sina Kieran at si Tatay sa usapang politika at NBA.
Balak namin ni Kieran ay bukas ng gabi na kami luluwas pabalik ng Maynila.
Nandito kami ngayon sa may papag sa may manggahan. Maganda 'yong panahon. Puno ng bituwin ang kalangitan. Nasa half quarter 'yong buwan. Maririnig ang huni ng mga kuliglig sa paligid.
"Pinadala na nga pala kahapon 'yong kontrata namin!" My eyes widened.
Napatuon ang buong atensyon ko kay Kieran na umupo sa tabi ko. Nakadamit pantulog na ako-ternong pink pajama. Si Kieran naman ay naka-pajama na kulay brown at itim na sando ang pang-itaas.
Ang alam ko, no'ng nag-audition kasi sila no'ng Huwebes ay nalaman na rin agad nila na pasado na sila sa Global Records.
"Congratulations! I'm really happy for you! Sobrang deserve ng The Velvet 'yan!"
"Thank you, Scarlet! Ipapa-review lang muna namin sa nakuha naming abogado 'yung buong kontrata. Iyon nga lang may ilang provisions sa contract na hindi namin nagustuhan." Naging seryoso ang ekspresyon ni Kieran habang sinasabi iyon.
I creased my forehead. "Gaya ng ano?"
"Hindi na namin makakasama si Nadine sa banda. She will be signed as a solo artist. Global Records decided to make The Velvet, an all male band." Naningkit ang mga mata ko sa narinig.
"In line with that, we are not allowed to disclose our personal relationship with the public so that our fans will presume that all of the members of The Velvet were single!"
Napaawang ang bibig ko.
"That is a two-year contract, Scarlet!" paglilinaw pa niya sa akin.
"Is that okay with you? Our relationship will be kept in the public's eye once The Velvet Band was introduced!"
Hindi ako agad nakaimik. Napapaloob sa mga mata ni Kieran ang labis na pag-aalala.
Mas pinaglapit pa ni Kieran ang distansya naming dalawa. Marahan niyang hinaplos gamit ang palad ang kaliwa kong pisngi.
"Kasi kung ako ang tatanungin, ayokong itago ang totoong nararamdaman ko sa taong pinakamamahal ko." Ramdam ko ang sinseridad ni Kieran sa pagsasabi niya noon sa akin.
"Iyon nga lang ayoko ring biguin 'yong mga kabanda ko. Matagal na naming pinangarap bilang grupo 'yong ganito kalaking break sa music industry!" He uttered with full sincerity.
Titig na titig si Kieran sa mga mata ko habang sinasabi niya iyon.
My romantic relationship with Kieran is not yet official. Pero sa tinatakbo ng mga pangyayari ay 'yong matamis kong "oo" na lang talaga ang kulang. Siguro sinasabi na niya ito sa akin upang ihanda ako lalo na ang magiging relasyon naming dalawa sa mga pwedeng maging consequences kung mapipirmahan na ng The Velvet 'yong kontrata nila sa Global Records.
"Kieran, nandito lang ako para suportahan ka sa pangarap mo."
BINABASA MO ANG
Meant To Be
RomanceMahirap mahalin ang isang tao lalo na kung sa umpisa pa lang alam mo nang ibinigay na niya nang buong-buo ang puso niya sa iba. Sa bawat aspeto ng relasyon n'yo tila ba lagi ka na lang ikukumpara sa nauna. Paano mo ipaparamdam sa kanya ang wagas mon...