Chapter 19 - Home

80 9 5
                                    

Diretso lang sa paglalakad si Kieran. Tila ba walang naririnig. Pagkarating namin sa aisle malapit sa ICU ay nakita ko na sina Nanay. Nilapitan nila kaagad kami ni Kieran.

"Ililipat na ang Tatay mo sa private room. Wala raw kasing bakante ngayon sa male ward," pagbabalita sa amin ni Nanay. Nakahinga ako nang maluwag dahil dito.

Umaliwalas na rin ang awra ng aking ina na kanina lang ay sobrang pagod at stress. May ilang kulubot na siya noo gano'n din sa leeg. Marami na rin ang kanyang puting buhok. 56 years old na kasi si Nanay ngayon.

Napansin ko na kay Kieran pirming nakatuon ang mga mata ng dalawa kong kapatid. Kaagad kong pinitik ang noo ng kapatid kong si Sandro.

"Panget!  Bakit pambahay 'yang suot mo?" Pang-aasar ko sa kanya. He crinkled his forehead. Pagkaraan ay sinamaan ako ng tingin.

"Nagmamadali na kasi kami kanina. Ako nga ay nagluluto ng sinigang. Naku! Napatay mo ba ang kalan Sandro?!" Nilakihan ng mata ni Nanay ang kapatid ko.

Napakamot tuloy ng ulo ang huli. Sa gilid ng mga mata ko ay napansin ko ang ginawang pagngiti ni Kieran.

"Opo, Nay! Sila Aleng Gina ang naiwan sa bahay natin."

Napansin ko rin ang magkaibang pares ng tsinelas ni Nanay. Nagmamadali talaga siguro sila umalis kanina papuntang ospital.

Nauna na kami nina Nanay na pumasok sa loob ng magiging kwarto ni Tatay. Kaagad na kumain ang dalawa kong kapatid samantalang si Nanay ay walang tigil sa pagkekwento sa akin ng mga nangyari kanina.

"Mabuti naman Let-let at pinayagan ka ng boss mo. Ang bilis din ng naging byahe n'yo papunta rito," si Nanay.

Kinagatan ko muna 'yong binili kong Siopao bago ako sumagot.

"Opo, Nay. Mabuti na lang at may nahiram na sasakyan itong si Kieran kaya mabilis kaming nakapunta."

Kasalukuyan namang umiinom ngayon si Kieran ng Coke in can.

Napatuon kay Kieran ang atensyon ni Nanay. Mayamaya ay kanya akong binulungan. Inilapat pa niya 'yong kaliwang palad sa gilid ng kanyang bibig.

"Naku,  lagot ka mamaya sa Tatay mo! Baka mamaya tumaas na naman ang alta presyon noon kapag nalaman na may kasama kang lalaki!"

***

Ngunit taliwas sa inaasahan ng aking ina ay madaling nakapalagayan ng loob ni Tatay si Kieran. Si Kieran nga ang nag-alalay kay Tatay noong pumunta ito sa cr.

Sa buong tatlong araw ay hindi ako iniwan ni Kieran sa ospital. Mabuti na lang at may mga baon siyang damit sa kotse ni Cyril.

Sasakyan din ni Cyril ang ginamit namin sa paghatid kay Tatay pauwi sa bahay namin. Doon ako nakaupo sa passenger seat samantalang ang mga magulang ko at si Sandro naman sa backseat.

"Pakisabi na lang kay Cyril. Salamat sa pagpapahiram ng sasakyan niya." Natigilan muna ako saglit bago ako magpatuloy sa mga susunod ko pang sasabihin.

"Kieran, sa tingin mo-" Dahan-dahan pa ang paraan ng aking pagsasalita.

"Papayag kaya si Cyril, kung sa isang buwan na ako mag-umpisang maghulog ng utang ko sa kanya-" I trailed off.

"Ano kasi... Medyo mahal 'yong mga maintenance na gamot ni Tatay." Nahihiya ko pang sabi kay Kieran. He immediately smirked. But he didn't response.

"Ano sa tingin mo? Papayag kaya siya?" pag-uulit ko pa.

"Baka pumayag," tipid na sabi niya pagkaraan ay itinutok na muli ang atensyon sa daan.

Laking pasalamat ko talaga na pinahiram ako ni Cyril ng pera. Rich kid siguro talaga ito kasi nagagawa niyang ipahiram kay Kieran 'yong kotse niya at ang bilis din niyang maglabas ng malaking halaga ng pera huh?!

Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon