Kabanata 10

34 10 0
                                    

Kabanata 10

When we finally got in our room, nag-ayos ako agad ng aking sarili, ganoon din si Rafael.

Kasalukuyan akong nagpapatuyo nang buhok ko when I saw Rafael sitting sa kanyang sofa at hihikab hikab na.

Matatapos na akong magpatuyo ng aking buhok kaya tinawag ko na siya. "Hoy."

Bumaling lang siya sa akin.

"Patuyuin mo buhok mo oh, para makatulog ka na."

"'Di na, I'm fine."

"Mamaya pa matutuyo 'yan, mamaya ka pa makakatulog." May diin kong sinabi at tiningnan siya ngunit hindi na siya umimik.

"Hoy, bingi ka ba?" Tumayo ako at inilapit sa kanya ang blower.

"Hindi ako marunong."

"Pfft."

"Ano?" Iritado niyang sinabi.

"Anong ano? Kala ko ba naman independent ka." Asar ko lalo.

Hindi siya umimik. Naghanap ako ng outlet sa gilid ng sofa, doon ko isinaksak ang blower saka ako umupo sa tabi niya.

"Come here." Utos ko.

"Huwag na."

"Dali na! Ang arte arte mo!" Utas ko at piningot ang tainga niya kaya sumunod nalang din siya.

"Tangina, parang nanay." Humalakhak siya at natawa lang din ako sa sinabi niya.

Binitawan ko ang tainga niya nang sumunod na siya sa gusto ko. Nakatalikod siya ngayon sa akin at sinimulan ko nang i-blower ang buhok niya.

Amoy na amoy ko ang vanilla sa kanya, pati buhok niya ang bango bango.

"Kapal ng buhok mo 'no?"

"Hmm,"

"Saka ang dark dark, ang itim." Dagdag ko.

"Matagal pa ba?" Napairap ako sa isinagot niya sa mga sinasabi ko.

"Nakita mong kakaumpisa lang, binoblower ko ang buhok mo, hindi ko minamagic." Mahina ko siyang binatukan.

"Tanong lang eh." Pahalakhak niyang tugon.

"Huwag ka nang magtanong, nakakainit ng dugo."

Bahagya siyang nag-inat at minasahe ang sariling balikat.

"Ano, nangangawit ka sa sofa? I told you, kasya naman tayo."

Pinagsisiksikan kasi ang sarili sa sofa, ang laki laki ng kama.

"I'm good, nangangawit lang ako dahil ang liit mo. Mahihirapan kang iblower ang buhok ko kung hindi ako magpapababa ng konti."

"It's almost done."

Tahimik kaming dalawa hanggang sa natapos ako sa pagpapatuyo ng buhok niya dahil wala akong ibang naiisip kundi ang mga nangyari kanina.

"Tapos na." Tumayo na ako at inalis na ang saksak ng blower.

Babalik na sana ako sa kama. "Celeste." Aniya kasabay ang mabilis na paghawak sa palapulsuan ko.

Kunot noo akong nakatayo ngayon sa harap niya, bahagyang nakayuko, tinitingnan siyang nakaupo sa sofa at tinitingala ako.

"Thankyou." Marahan niyang hinalikan ang likod ng palad ko at saka siya tumayo, ngayo'y halos tingalain ko na siya.

Marahan niya akong hinila mula sa palapulsuan ko, palapit sa kanya, sa katawan niya at ikinulong ako sa mahigpit at mainit na yakap kasabay pa ang paghaplos niya sa buhok ko.

To Forget Again (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon