00

13 3 1
                                    

TW: Drugs, Abuse, Self-harm

Maurys

Makikita mo lang pala talaga yung takbo ng mundo kapag naramdaman mo na yung pag ikot nito, ano?

"Mau, andyan na raw yung participant natin" sambit ni Che kaya tinanguan ko sya. Dinampot ko ang clipboard at ballpen ko bago iniayos ang id lace sa kwelyo ko. Last requirement na to, makakapag college na ako.

"Good morning po" bati ko sa isang babae. Halatang mas matanda ako sa kanya, nasa edad 13-14 pa lang siguro sya. Nginitian nya ako at pansin ko ang pamumula ng mga braso nya. Parang nagbuhat sya ng mabigat na bagay dahil may mga gasgas din ito.

Huminga ako nang malalim bago sensyasan si Che na i on na ang camera. Kasabay non ay ang pag pindot din ng recorder ko.

[ Camera Rolling ]
00:00 - 03: 47

Name: Marina Velasco
Age: 14 years old
EStatus: High School Student
Address: Hill Village

"Bakit gusto mong magpakamatay?" tanong ko sa babaeng kaharap ko matapos pindutin ni Che ang camera na nasa harapan ko. Kami  lang ang narito sa loob ng puting kwarto, Audio room kasi ito ng mga Grade 12, hiniram lang namin. Tanging ilaw lamang galing sa kisame ang nagsisilbing liwanag na nakikita ng babaeng kaharap ko.

Diretso siyang tumitig sa harapan ng camera. Tila iniisip nya na sa pamamagitan ng titig ay maiintindihan sya ng camera. Na makakarating sa kanila kung ano ang nais niyang ipahayag.

[ Third Person's POV ]

Kasi umaasa pa rin ako. Kasi baka kahit isa, baka may makaintindi naman sa kanila?

"Anak ako ng kriminal" panimula ko.

Tama ba ang pagsisimula ko? Kasi parang hindi naman dito nagsimula.

Paano ko ba sisimulan? Sasabihin ko ba na pag gising ko nakita ko na lang na pinoposasan ang tatay ko? Na habang masaya syang nagluluto ng agahan sa barong barong na bahay namin ay bigla na lang syang dinakip ng pulis at pinosasan. Tapos ay kinagabihan nakita na lang namin sya sa telebisyon;

Edquardo Velasco
46 years old
Pusher

Pusher daw ang tatay ko.

"Sabi nila... Pusher daw ang tatay ko. Nakakatawa lang, pagbobote lang ang ikinabubuhay namin pero kahit ganoon ay hindi kami gumawa ng masama. Tapos magigising na lang ako, wala na si papa, nasa presinto na, ni hindi man lang nila hinayaang mag paliwanag. Diretso kulong na daw. Limang taon"

Limang taon...

Paano kami sa loob ng limang taon? Wala na kaming nanay, si Tatay lang ang meron kami, napagbintangan pa. Hanggang ngayon hindi pa rin namin nakakausap si tatay, dalawang buwan na mula noong naikulong sya, pero hindi kami pinapayagang lapitan sya.

"Isipin mo yon... Nandoon yung tatay ko sa kulungan, nagbabayad sa kasalanan na sigurado akong hindi nya ginawa. Tapos yung tunay na may kasalanan pagala gala lang, malayang nakakalabas, habang yung tatay ko nagdurusa" sambit ko.

Nakatulala lang ako sa camera. Nakita ko ang repleksyon ko doon. Natulo na pala ang luha ko.

"Napaka daya ng mga tao ano? Akala ko sa pelikula at mga nobela lang nangyayari yung palakasan sa batas. Sa totoong buhay din pala" dagdag ko pa.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon