04

11 2 5
                                    

"Pambihirang mga minor sub to, maka demand akala mo major" inis na saad ni Megan habang patuloy sa pagsusulat nya ng activity.

I just shrugged. Kahit naman mag reklamo ako ay hindi mababawasan ang activity na kailangan naming gawin. We're currently in 2nd semester at natapos na rin ang midterms namin noong nakaraan  kaya naman finals na ang pinaghahandaan namin.

It's very stressful dahil lahat ng subjects ay may mga demands. At ang nakakaloka ay mas matindi pang mag demand ang mga minor sub.

Nandito kami ngayon sa may 7/11 dahil 7-9 ang first class namin at medyo napaaga kami. Vacant namin ng 5hrs ngayon dahil walang STS at pinagrereview lang kami para sa pre-finals. Nang matapos magsulat si Megan ay pumunta na kami sa CAS para sa first sub namin. Nagpaalam si maam na 9:20 sya makakapasok dahil may aasikasuhin lang daw sya sa office.

"CR tayo, beh" saad ni Mark. Wala naman akong gagawin kaya sinamahan ko na muna sya. Tahimik lang sa campus ng ganitong oras dahil karamihan ay may lecture sub.

Pagkatapos mag CR ni Mark ay naglakad na kami pabalik sa CAS.

"Mau" saad ni Yosh at kinawayan ako. Kumaway din ako sa kanya at ngumiti.

"Saan ka?" tanong ko.

"P.E kami" sambit nya bago nagpaalam. Si Mark naman ay kinikilig at nagpapareto na.

Sa totoo lang, hindi ako nakakapag function ng maayos ngayon, ang hirap gumalaw... nahihirapan akong kumilos parang may gusto akong gawin pero hindi ko magawa.

"Ayos ka lang?" saglit akong napatingin kay Julian na ngayon ay nasa harapan ko na. Gaano na ba ako katagal naka tulala? Anong oras na rin pala. Ilang linggo kaming busy dahil papalapit na nang papalapit ang finals. After the debate kanina ay diniscuss na ni maam ang magiging final project namin sa kanya, sadly ka grupo ko si Dana.

"Sino ang magl-lead?" tanong nya agad habang nakahawak sa bewang.

"Sa akin kahit sino basta hindi ikaw" saad ni Mil kaya halos lahat kami ay nagulat. Maya-maya ay natawa si Dana at hinampas pa sa braso si Mil.

"Ikaw naman, ang hilig mo talaga mag patawa ano" sambit ni Dana pero inirapan na lang sya ni Mil.

After discussing what would be our final project, we decided to go to Bistro Cafe. Nagsabi ako na sasaglit lang ako dahil need ko ulit tumulong sa pags-shoot. Kahit naman papaano ay naaabutan ako kaya naipandadagdag ko rin sa baon ko at nakakapagbigay ako kay lola pandagdag puhunan.

"Pinaka mura na lang yung akin" saad ko kay Mil at tumango naman sya. Nagpunta ako sa balcony ng cafe dahil wala akong signal sa loob. I just texted Che na mal-late ako ng kaunti dahil nag haya ang mga kaklase ko. She just told me that it's okay dahil wala pa rin naman daw ang scheduled participant.

We just had a small talk about some of our requirements and what are some plans that we can add to make our project more attractable. After numerous suggestions and adjustments, we came up to a one solid plan at after noon ay nag paalam na ako.

I was on my way to Che nang biglang nag chat si Julian asking kung kailan ako free dahil may hiring daw sa company ng friend nya. I told him that i would check my schedule when i got home after the shoot.

Pagkarating ko sa studio ay inabisuhan agad ako ni Che na kakaiba ang kliyente namin ngayon. Hindi daw ito katulad noong mga nakaraang kliyente namin. This interview will be a special edition for independence day.

Camera Rolling
[ 00:00 - 06:28 ]

Name: ———

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon