15

5 1 1
                                    

"Do you need anything? I'm going to buy carrots, may ipapasabay ka ba?"

"Ah isang pack ng mayo, gagawa ako egg sandwich mamaya maaga kasi alis ko bukas" sambit ko habang nililinisan ang coffee maker ni Ash.

"Okay, copy"

Kumuha ako ng dalawang baso saka nagtimpla ng kape para sa amin ni Ash, mabilis lang naman syang makakabalik dahil naka e-bike sya, ewan ko ba sa lalaking ito bakit naisipan bumili ng e-bike e may motor naman sya.

It's been a year already, napatingin ako sa peklat na nasa braso ko, nadaplisan kasi ako ng bala.

"Mau, tumigil ka na muna"

"Tama si Mil, Mau, dehado ang may alam sa ngayon"

"Huwag muna ngayon, bumalik ka kung gusto mo pero huwag muna ngayon dahil delikado"

Ang daming nawala sa akin, si lolo, trabaho, pagkakataon na tumulong sa tao, ang dami. After that incident parang nag back to zero ako, hindi ko masabi kay Lola kasi alam kong mag aalala sya e, tsaka kaya ko naman.

Kakatapos lang ng midyear namin at pasukan na namin as 3rd year next week. Grabe ang bilis ng panahon, na orient na rin naman kami na mas magiging busy at alam ko rin na kailangan kong kumita ng pera dahil magastos na. Ayokong humingi kay Lola dahil alam ko namang hindi lang basta basta kinikita ang pera at hanggang kaya ko naman ay ayokong manghingi.

Ngayong 3rd year kasi ay may field study na kami, mago-observe na kami sa school at puro major subs na rin ang it-take namin, idagdag pa ang thesis at defense pati na rin ang appraisal. Hay, hindi ko talaga maintindihan yung sinasabi nila na madali lang ang educ.

Napatingin ako sa pintuan nang si Mil ang dumating imbis na si Ash, para na rin namin syang boarders dito dahil ang dalas nyang nandito.

"Andito ka na naman" sambit ko at kumuha pa ng isang baso para timplahan sya ng kape.

"Wala kang pake, si Ash nga hindi nagrereklamo e" sambit nya bago buksan ang tv.

Grabe ang kapal ng mukha sa totoo lang.

"Hindi mo ba nakita si Ash?" tanong ko habang nilalagyan ng gatas ang baso nya.

"Ay nandyan, sinasarado ang gate" sambit nya.

"Hindi mo man lang tinulungan, pambihira ka talaga"

"Puta? parang ambigat naman ng carrots na dala nya" kunot noong saad nya.

"Palusot" bulong ko bago ihain ang mga kapeng naitimpla ko sa lamesa namin.

Nagluto si Ash ng agahan dahil aalis daw sya mamayang hapon, bale swap daw muna kami ngayong araw at wala namang problema iyon sa akin. Bukas ay maghahanap ulit ako ng trabaho dahil hindi naman sasapat yung sideline namin ni Mil sa milktea shop dahil dumadami na ang bayarin namin.

"Kinakabahan ako ngayong 3rd year e" sambit ni Mil.

"Kaya natin yon"

"Wow, as if may choice?" umiling na lang ako bago pumunta sa kusina, puro pag aaway lang ang mapapala ko pag tinabihan ko si Mil e.

Pagsapit ng gabi ay nagluto na ako ng hapunan namin, umalis na rin naman si Mil dahil hinahanap na sya sa kanila, mabuti at may mga stock pa si Ash dito sa bahay kaya hindi ko na kailangan mamalengke. Ang laking tulong talaga ni Ash sa akin lalo na financially, kasi hindi ko na problema ang pagkain, nabili pa rin naman ako pero kadalasan talaga ay sya na ang nagastos, kapag talaga professionals na kami at nakuha ko ang una kong sweldo ay sya ang una kong ililibre.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon