Epilogue

15 3 2
                                    

"Uy" what the heck? Why my heart is...

"Sa Lib ka rin?" tanong nya. I need to stay calm, baka mahalata nya ako. Tumango lang ako at nagbayad sa driver, binayaran ko na rin ang pamasahe nya at halatang nagulat sya doon.

Pagkarating namin sa Lib ay dumiretso sya ng upo at nagsuot ng earphones, ano kaya ang pinapanood nya? Nawala ang atensyon ko sa kanya nang makita ko si Yosh.

He's my brother. I was about to greet him but si Mau pala ang sadya nya.

"Ewan ko. Yosh daw" saad ko bago lumipat ng upuan.

Ang gara naman ng kapatid ko, friends pala sila ni Maurys? Tapos kami magkaklase lang, ang pait.

"Type mo?" pang aasar ni Arvin habang nagbubuhat kami ng mga food supplies na ibibigay namin sa mga tao dito sa isla.

"Halata ba? Baka kasi iwasan ako nyan pag alam na type ko sya" tanong ko kay Arvin.

"Tanga, halatang halata ka" natatawa nyang saad kaya binato ko sya ng sandok. Mabuti na lang at hindi nabali.

I don't know kung kailan nag start ang pagkakagusto ko kay Mau. I just found myself na lagi ko syang hinahanap, yung tipong kahit hindi naman kami nag uusap basta makita ko sya ay okay na ako. Hindi naman ako torpe pero ewan ko ba kung bakit naduduwag ako sa kanya.

"Ganda rin ng type mo ano" saad ni Arvin habang nandito kami sa dorm. Gagong lalaki ito dito na ata balak tumira e.

"Maganda talaga yan" proud kong sabi habang nagbabasa ng lesson na sinend ni Sir sa Gc namin.

"Baliw, ito kasi. Member pala sya doon sa site na sinabi ko sayo? Yung nagi-interview ng mga taong naaabuso? Ang galing nya ano? Isipin mo busy tayo tapos naisasabay nya pa yan" pagk-kwento ni Arvin at pinakita ang pinapanood nya.

After that day, I admired her more. Nalaman ko pang kaibigan pala sya ni Illea.

"Gago ka, type mo best friend ko ano? Lagi kitang nahuhuli sa classroom nakatitig don" pang aasar na saad ni Illea.

"May... boy friend ba yon?" nahihiya kong tanong. Buti ay nandito kami sa smoking area at walang ibang nakakarinig sa pinag uusapan namin.

"Wala, wala ka pang kaagaw sa ngayon. Pero baka sa susunod meron na" pagbabanta nya.

"What?" naguguluhan kong saad.

"Lalaki dorm mate e. Feeling ko gwapo"

After that party ay hindi na ako mapakali, ang hirap pa namang bakuran non. Magmumukha lang akong tanga dahil para ngang hindi ako nage-exist sa mundo nya.

It's already past 7? I don't know. Nakalimutan ko kasing bumili ng dinner kaninang maliwanag pa kaya ngayon ay ginabi ako. I was about to buy some sisig nang makita ko si Mau. I don't know why pero kusang naglakad ang paa ko papunta sa kanya. Bakit kaya sya nandito? Hindi nya ata ako napansin kaya sinadya ko ng sumamid.

Ang sakit sa lalamunan.

"Uy, Julian" she greeted me while smiling.

Jusko!

"Ginabi ka na ah?" tanong ko at sinensyasan sya na mag lakad na.

"Oo, galing ako sa shop, wala na kasi akong stock ng bigas" mahinahon nyang sagot.

Ano ba ang ginawa sa akin ni Mau? Parang kahit sa simpleng bagay o simpleng usap nahuhulog ako lalo sa kanya.

"Nakalipat ka na raw sabi ni Illea" sambit ko.

"Ah oo, kahapon lang. Balita ko magd-dorm ka na rin daw?" tanong nya.

"Yup, doon lang ako sa may tapat ng Tapsi King, kakalipat ko lang din nung Thursday" pagkasabi ko non ay parang bumakas ang gulat sa mukha nya.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon