19

7 2 1
                                    

Sa loob ng isang buwan ay naging ganoon ang takbo ng buhay ko, kung wala sa school ay nasa gym naman ako, minsan ay napunta kami sa Dasma o kaya naman sa Mendez para gumawa ng mga activities lalo na at ang mga activity ngayon ay puro creative presentation type. Lagi akong puyat, kadalasan nasa 5hrs lang ang tulog ko kada araw at tuwing may bakanteng oras kami ay naidlip talaga ako.

Nabayaran ko na rin kay Maam Liz ang balance ko, noong una ay ayaw nyang tanggapin pwede namang sa susunod na lang daw pero pinilit kong ibayad iyon para makabawas na rin sa isipin ko. Tuwing sahod ko naman ay pinapadala ko ang kalahati ng sinasahod ko kay Lola, ang pension din ni Lolo ay hindi ko na kinukuha dahil mas kailangan iyon ni Lola. Halos anim na libo lang ang natitira sa akin, sa dami ng bayarin ay minsan kinukulang pa iyon.

Ngayong araw ay magbabayad na ulit ako ng renta, kay Ash ko muna binibigay at sya na ang nagd-diretso sa land lady namin.

Dumami rin ang mga trainee ni coach kaya minsan ay napapa overtime ako at kahit sabado ay napasok na rin ako minsan. Tinigil ko na rin muna ang pagt-tutor dahil hindi na talaga kaya ng oras ko, tsaka inir-reserve ko talaga ang weekend para sa mga group activities na gagawin namin, ayokong maging pabigat sa grupo, 3rd year na kami kaya dapat mas maging responsable ako lalo na ngayon at malapit na ang midterm. Midterm na namin next week at apat na subject namin ang magpapa written test samantalang ang apat pa naming subject ay puro output based.

"Hindi ka pa nakain" saad ko habang iniinit ang ulam na iniluto ni Ash kaninang tanghali. Sabado ngayon at sa totoo lang ay ngayon lang ata na clear ang schedule ko, busy pero ngayon lang talaga ako nagkaroon ng araw na hindi ako umalis sa dorm. Naglaba ako kaninang umaga at naglinis ng kwarto, kusina at sala. At mula kanina pa rin ay hindi pa naalis si Ash sa pwesto nya, kung hindi ko pa nga sya abutan ng kape ay hindi sya gagalaw sa pagkatutok nya sa laptop nya.

"Nasa taas nga pala ng ref yung bayad ko sa upa ngayong month" saad ko.

"Yeah, okay, thank you" saad nya at nakatutok pa rin sa laptop nya.

Nagpakulo ako ng tubig at tinimplahan sya ng bear brand choco. Nilagyan ko rin sya ng pagkain sa plato dahil ala sais na at hindi talaga sya nag tanghalian.

"Kain ka muna, saglit lang" saad ko sabay lapag ng pagkain at baso sa gilid nya.

Wala tuloy syang nagawa kundi isarado ang laptop nya. Ang tigas ng ulo, hindi agad masabihan.

"Grabe, gabi na pala" sambit nya.

"Oo, hindi mo na inalisan yang laptop mo" saad ko.

"Hindi pa ako nakaka ligo, nasa kalahati pa lang ako" sambit nya bago uminom ng choco.

"At talagang yan pa ang inalala mo e hindi ka pa nga nakain" natatawang saad ko.

"Well, kinda busy. Midterms week, puro kami output based, hindi pa ako tapos sa documentary namin. Is it okay if Chad and Gab would come over? I'll swear hindi kami iinom ngayon" pagpapaliwanag nya.

"Oo naman, gusto nyo ba lutuan ko kayo mamaya? Kahit midnight snacks. Magpupuyat din kasi ako dahil may tatapusin akong Lesson Plan" tanong ko.

"Oh sure, thank you, Mau"

Alas otso ata nakarating si Gab at Chad pero nagulat ako nang makita ko si Kyla at kasama nya si Soria. Nagkatinginan kami ngunit nabawi ang tingin ko ng tawagin ako ni Ash.

"Mau" saad nya at naglakad papalapit sa akin.

"I'm sorry, akala ko kasi si Gab at Chad lang. Nag pumilit daw kasi sumama si Kyla, and also, I'm not aware na kasama si Soria" paliwanag nya.

"Hoy ano ka ba ayos lang yon, wala namang problema" sagot ko.

"Ano palang gusto nyong kainin? Para makabili ako" dagdag na tanong ko.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon