03

10 2 6
                                    

They say that when you start speaking out what's on your mind, you will voice out your thoughts and the rest will understand.

". . . tapos minsan, ate, pag nabagyo dito nawawalan kami ng bubong. Medyo natatagalan bago namin magawa ulit yung bahay namin. Tapos syempre yung school sa tawid ilog pa, hindi kami agad nakakapasok tapos nasasabihan kaming pariwara" Jule said as we're seating under the coconut tree.

It's almost 1:30 in the afternoon at kakatapos lang din naming mag lunch. The morning program is quite fun dahil nagpalaro kami sa mga bata at school supplies ang pa premyo. Nasabi sa amin ni Tatay Ernesto na karahamihan sa mga bata dito ay uhaw sa pag aaral. Halos lahat sila ay gustong mag aral pero hirap sila dahil sa mga sitwasyon nila.

I was leaning on the coconut tree while looking at Jule who's holding a lollipop na bigay sa kanya ni Arvin kanina. Cheska and Arvin are playing with the kids. Kahit mainit ay nandoon pa rin sila sa dagat at mukhang nag eenjoy naman ang mga bata. After a few minutes ay tumabi na ulit sa amin si Julian. Tinawagan sya ng NSTP instructor namin at kinamusta ang lagay namin dito.

We just have one program left kung saan ipamimigay na namin ang groceries sa bawat pamilya at pagkatapos non ay uuwi na kami.

"Maraming sasabihin ang mga tao, Jule. Hindi yan nauubusan, maniniwala lang din sila sa mga gusto nilang paniwalaan kahit hindi naman iyon totoo. Ibaba ka nila kapag alam nilang tumataas ka na. People are very cruel. But you should follow what your hearts want. Even though it takes some risk, sacrifices, chances, time and energy. You are the one who can control your future. It doesn't mean that if it takes some time, it is not happening. Good things takes time. Wala silang ambag sayo" pagpapaliwanag ko sa kanya.

Pagsapit ng alas dos ay umahon na sa dagat sila Cheska at Arvin. Nagyakag na rin silang bumalik sa court para i ready na ang mga groceries. Nagpaalam muna sila na babalik muna sila sa barangay hall para mag palit ng damit dahil basa sila. Kaming dalawa na ni Julian ang nag ayos ng mga groceries. Kakaunting oras lang kaming nanatili dito pero parang andami kong nalaman.

Iyong tipong akala ko nahihirapan na ako, pero mas may nahihirapan pa pala.

Yung akala ko walang wala na ako, pero meron palang wala na talaga.

"Pagod ka na? Ako na muna" saad ni Julian pero umiling ako. Masyado na atang napapalalim ang iniisip ko kaya nawawala na ang focus ko sa ginagawa ko.

Habang pinagpapatong ko ang mga kahon na walang laman ay naalala ko ang debate namin sa UTS. "Should euthanasia be legalize?" nakuha namin ang negative side at kala Trisha naman ang positive side.

"Julian, paano kung hindi napunta sa inyo ang pro side sa euthanasia? Anong stand mo?" bahagya syang napatingin sa akin na tila pinagiisipan ang isasagot nya.

"My stand... your side" saad nya at nagkibit balikat bago bumalik sa ginagawa nya. Hindi ko na sya piniling mag explain dahil magkalaban kami, hindi nya naman ako kailangang bigyan ng explanation.

Pagsapit ng 3pm ay nagsimula na kaming mamigay. Kahit kakaunti ang laman ng supot ay sobrang sobrang pasasalamat ang natanggap namin galing sa mga tao dito. 4:30 na ata kami natapos at nagpaalam na rin kami sa mga bata at kala Tatay Ernesto. They gave us kakanin. Nahihiya pa nga raw sila dahil ito lang daw ang kaya nilang ibigay. Cheska slid an envelope on Tatay Ernesto's pocket, ibinabalik nya pa nga ito sa amin pero sinabi namin na makakatulong ito sa kanila kahit papaano. That was the fund that we gather. Para sa kanila yon.

Pag sakay namin sa bangka ay pumwesto ako sa pinaka dulo. Balak kong mag review dahil hindi ko ma gets ang latest topic namin sa Educ 80. Inilabas ko ang cellphone ko at pinicturan muna ang dagat. Hindi naman ako pala picture na tao kaya okay na sa akin yung pa unti-unti lang. Pagtapos kong mag picture ay pumunta na ako sa gclassroom namin para buksan ang pdf doon. Pero dahil nasa isla nga pala kami ay wala akong signal. Napabuntong hininga ako at napansin ata iyon ni Cheska at Arvin na nasa harapan ko.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon