22

8 2 0
                                    

"Girl, ayos ka lang? May event pa mamaya, mukha kang may sakit" saad ni Mil.

Nandito kasi kami ngayon sa faculty, may event kasi mamaya at nagr-ready ang department namin dahil kami ang naka toka for lunch ng mga visitors. Maganda naman ang event dahil for awareness ito sa darating na election, makakatulong ito upang maging matalinong mamamayan ang mga estudyante, ang hindi lang maganda ay si Julian pala ang guest speaker, hindi lang naman sya pero ang concern ko ay kasama pa rin sya sa magsasalita.

Hindi naman sa ayaw ko sa kanya pero aware naman ako sa sitwasyon namin dati. Huwag na lang kaya akong umattend sa mismong event? Didiretso na lang ako sa hall para mag ayos ng lunch at kapag nandoon na sila ay uuwi na ako? Excused kasi ang lahat ng students ngayon dahil sa event kaya wala rin akong klase.

Hay! Hindi ko alam ang gagawin ko.

"Sama damdam ko e, pwede bang diretso na lang ako sa Hall? Tutulong na lang ako doon sa preparation for lunch" saad ko kay Mil.

Hindi nya alam na kasama si Julian sa mga Speakers kaya hindi nya naman siguro mahahalata na umiiwas lang ako.

"Gusto mo samahan kita?" alok nya at mukhang nag aalala sa akin.

"Saan sa hospital?" asar na tanong ko sa kanya pero irap lang ang nakuha kong sagot. Bago sila pumunta sa AT ay nagpaalam na sya sa akin, at sinabi ko namang ayos lang ako.

"Maam, sure po ba kayong sasama po kayo sa Hall sa amin? Okay lang naman po kung hindi" tanong sa akin ni Valeen, ang SC President ng school at estudyante ko rin, habang papunta kami sa Hall.

"Ayos lang. Kamusta nga pala ang play nyo?" tanong ko bago kami lumiko.

"Okay naman, Maam. Nakakakalahati na po, kaso lang po ay matrabaho po pala ito ano? Muntikan na pong mag away mga kaklase ko" natatawa nyang saad.

Tinanong ko lang sya patungkol sa ginagawa nila sa play at nagtanong din sya ng iba pang mga pwedeng gawin, sabi ko naman ay ayos lang basta huwag sila gaanong mag include ng stunts dahil baka madisgrasya.

Pagkarating namin sa Hall ay nagsimula na kaming mag ayos, kaunti na lang naman ang aayusin at ilalagay na lang ang mga pagkain ng bisita kaya hindi na kami nahirapan. Rinig din mula rito ang speaker na nasa AT kaya ginawa ko ang best ko para hindi ako madistract.

"Andyan na po sila, Maam"

Halos manlaki ang mata ko sa sinabi ni Valeen ngunit hindi ko ito pinahalata. Pagkagawi ng mata ko sa entrance ay sya agad ang nakita ko. Nagtama ang mata namin ngunit ni hindi man lang bumakas sa mata nya ang gulat na makita ako.

Siguro tama nga ang ginawa ko noon, mukhang ayos na rin naman kasi sya ngayon.

"Labas muna ako ha" paalam ko kala Valeen at tumango naman sila.

Pagkababa ko sa Hall ay dumiretso ako sa likod ng Clinic, katabi lang kasi ng Hall ang Clinic at may mga upuan sa likod non. Inilabas ko ang lollipop mula sa bulsa ko.

Ito kasi ang ginawa kong pamalit sa yosi. Hindi naman ako na adik sa yosi pero simula nung araw na yon, yun na rin ang huling beses na nag yosi ako. Bukod sa para sa sarili ko, ayokong makita ng mga magiging estudyante ko ang mga ganoong bagay.

"Excuse me?" kilala ko ang boses na narinig ko kaya bago ako lumingon ay sinigurado kong ayos lang at hindi kabado ang itsura ko.

"Ano yon?" normal at tila walang emosyon kong sagot.

"Open ba ang clinic?" tanong nya at diretsong nakatingin pa rin sa akin.

"Oo, pasok ka lang dyan nasa dulong desk ang nurse" saad ko.

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon