11

5 2 2
                                    

"It's all fucked up" tarantang saad ni Che.

Our website got crashed. We got hacked.

"Promise, Ip-publish ko lang dapat yung sinulat ni Mau tapos biglang nag black screen. I tried everything that I know, I even called my boyfriend to fix this pero hindi talaga namin mabuksan" pagpapaliwanag ni Mikee.

"Hindi kaya masyado na kasi tayong nag dig deeper?" alanganing saad ni Ruka.

"Then they should fight fair! What's wrong in becoming a voice of those voiceless people who's been hiding in their shadows because the people... the people in this society failed to hear them!! They are screaming... screaming for help. We are the representation of their echoes. Ito na lang ang magagawa natin na dapat sila ang nagawa tapos ganito pa ang gagawin nila?" ramdam ko ang galit sa boses ni Che.

She's right.

Those people, they only have US.

Pero pati ito... nakakainis sila.

"Kahit kailan naman hindi sila lalaban ng patas. Tsaka alam nilang wala tayong laban. Alam nilang publiko lang ang meron tayo, publiko na kaya rin naman nilang bayaran at bumaliktad para sa pera" saad ko. Wala na rin naman kasi kaming magagawa e.

"Umuwi na muna kayo..." nanghihinang sagot ni Che. Gusto ko syang tulungan pero kailangan nya rin siguro ng oras oara makapag isip. Sinenyasan ko na sila Ruka at Mikee. Nagpaalam muna kami kay Che bago kami tuluyang umalis.

We are doomed.

Lahat ng ginawa namin, nawala. Pati pag asa ng mga tao.

Buong bakasyon ay wala kaming ginawa kundi ayusin ang site. Pero wala, kahit sinong IT ang tawagin namin ay hindi pa rin nagawa. Kung hindi umayaw ay hindi naman daw nila kaya. Pero hindi ako naniniwala doon. Alam kong nabayaran na rin sila.

Hindi ko lang alam kung sino ang nasa likod nito.

Sa dami rin kasi ng pwedeng gumawa nito ay wala rin kaming sapat na pruweba para mambintang. Nag chat din si Che na siguro daw ay magandang mag pahinga na muna kami. Kasi kahit anong gawin namin wala pa rin naman.

"You okay?"

"Ahh, oo naman" wala sa sariling sagot ko kay Ash. Gabi na at nandito ako sa may sala, nanonood ng... ano ba tong pinapanood namin?

"Hmm, these past few weeks parang may weird sayo. Nag resign ka na rin pala sa milktea shop?" sambit nya habang nakatingin sa akin. Ngayon ko lang din napansin na wala pala syang hawak na libro or laptop.

"Ahhh, oo. Magpapasukan na rin kasi, tsaka medyo busy"

Sasabihin ko ba sa kanya? Kaso nakakahiya, hindi naman kami close.

"Oh, I see. Nagluto na pala ako for dinner, gusto mong sumabay?" tanong nya. Tahimik lang akong tumango kahit hindi pa ako nakakaramdam ng gutom.

Para akong robot na kumuha ng kanin at naglagay ng tubig sa baso bago umupo sa may lamesa. Napatingin ako kay Ash na nag aalalang nakatingin sa akin. Natawa tuloy ako, para syang may nakitang batang naiyak e.

"Kain na tayo, wag kang tumulala sa akin" saad ko at kumuha ng ulam sa may tupperware.

"Seriously, are you okay?"

"Okay pa"

"Okay but you know... if you need someone to talk to or if you need anything you can tell me" sambit nya bago kami nagsimulang kumain.

Nag kwento si Ash tungkol sa mga kaibigan nya. Natawa naman ako kahit papaano dahil maloloko din pala ang mga kaibigan nya. Akala ko kasi puro matalinong gwapo na seryoso sa buhay lang sila. Parang hindi naman pala.

Alas nuebe na pero ngayon ko pa talaga naisipang bumili ng katol. Napakarami kasing lamok sa kwarto ko, kay Ash wala naman daw, pati lamok bias?

Wala sa malapit na tindahan kaya nilakad ko pa palabas ng bancod. Buti na lang at may bukas pang tindahan.

"Dalawang katol nga po tsaka isang posporo" saad ko. Habang hinihintay ko ang binibili ko ay sandali akong napalingon sa may gilid ko.

"Naninigarilyo ka rin pala?" tanong ko na nagpalingon sa kanya.

"Hey... What are you doing here?"

"Ito na yung katol" sambit ng tindera bago ko kinuha iyong binili ko.

"Ito, bumili ng katol" saad ko at isinenyas ang katol na hawak ko. Binato nya sa sahig ang yosi at tumayo. Hindi naman sya amoy alak pero amoy yosi sya.

"Hatid na kita"

"Baliw ka ba, gabi na kaya oh" saad ko.

"Yeah, pupunta talaga ako kay Ash ngayon" sambit ni Julian. Totoo ba?

"So let's go" I shrugged. Sige bahala sya.

"Are you okay?" tanong nya habang naglalakad kami.

Bakit ba puro ganoon ang tanong nila? Masyado bang halata? Never ko pa naranasan ma heart broken pero mas masakit pala to.

Paano na kaya yung mga taong umaasa sa amin?

Kinausap na naman sila ni Ruka at humingi ng pasensya. Ayos lang naman daw pero syempre diba, binigyan namin sila ng pag asa nung una tapos bigla kaming mawawala. Sana maging abogado na talaga ako tapos matulungan ko na sila.

"Okay pa. Saan ka pala galing? Bakit nandito ka sa bancod? Hindi naman dito dorm mo ah"

"Ohh, may kinuha lang kay Naz"

"Naz?" parang familiar kasi sya. Ilang beses ko na rin naririnig ang name nya.

"Nazarei"

"Ahh, section 1?" tanong ko at tumango naman sya.

"Btw, anong ulam sa inyo?" seryosong tanong nya na ikinatawa ko. Ano kayang reaction ni Ash kapag nalaman nyang makikikain lang ng dinner si Julian?

"Chicken Curry"

"Huh?"

"Hindi mo ba alam yon-"

"No, I mean... Si Ash ang nag luto?" seryosong tanong nya.

"Oo?" ano ba naman kausap ang mga lalaking to parang mga baliw. Kung hindi sigurado sa tanong kadalasan weird.

"Ohhh"

"Bakit?"

"Well, last na luto nya nyan 3 years ago pa. Kinda unusual" kibit balikat nyang sagot bago pumasok sa gate ng apartment.

Unusual daw, baka naman hindi lang sya binibigyan ni Ash kasi matakaw sya.

Pag bukas ko ng pintuan ay nakaupo si Ash sa sofa at nakain ng pancit canton. Kunot noo syang nakatingin sa likuran ko.

Ay oo nga pala kasama ko si Julian.

"What the fuck?"

"Pupunta daw sya sayo e" saad ko at pumunta sa kusina para kuhanin ang lagayan ng katol ng makarinig ako ng malakas na pagbagsak. Napatakbo tuloy ako.

"Fuck you" sambit ni Julian.

Binato pala sya ng tsinelas ni Ash.

"Fuck you too. What's your deal here?" inis na tanong ni Ash.

"Makiki dinner" saad nya at naglakad papuntang kusina.

"Liar. Your dad can purchase any restaurant you want in just a snap" sarkastikong sambit ni Ash.

"Well, i'm not my dad"

"Don't play here, I'm not your thing here. Don't use me idiot"

Echoes of our ShadowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon